TAPOS NA

7 0 0
                                    

"Tapos na"

Isang araw masaya ako
Isang araw nakilala ko katulad mo
Isang araw nagkapalagayan tayo.
Isang araw naging tayo.
Isang araw sumaya tayo
Sayang walang katulad sa piling mo.

Palitan ng pagmamahal ang namayani.

Pag-ibig na wagas ang namumutawi.
Lahat ng pagkakamali ay agad napapawi.
Mga pasakit ay agad nahahawi ng isang ngiti.

Hanggang sa maglaho ang lahat.
Lahat nang masasayang alaala ay naglaho na.

Mga matatamis na salita'y puro hinanakit na.

At humantong sa pagkakalabuan na.
At Hindi na naayos pa.

Puro sakit at pighati ang nadama.
Lahat ng saya ay napalitan ng lungkot at sakit na walang kapalit.

Mga alaalang binuo ay nawala na.

Ngayon nararamdaman ko yong pagkawasak ng mundo.

Mundo kong umikot lang sayo.

At Hindi na. Hinding Hindi na muli pang mabubuo ang puso ko.

Nagunaw ang mundo ko nung lumisan ka.

Nagunaw mundo ko nung hayaan mo ako sa iba.

Ngayon.
Natutula na lang ako.
Pumapatak ang mga luha ko.
Pinipilit magpakatatag kahit wala ka na. Kahit subrang sakita pa.

Itatago ko na lang lahat dahil alam kong tapos na.

Tapos na yong tayong dalawa.

Wala na.
Tapos na yong mga araw at gabi na tayong dalawa pa.

Naglaho na yong ikaw at ako na may tayo at masaya.

Masakit pero kinakaya ko.
Kakayanin ko dahil gusto mo.

Kahit na tapos na ay masasabi kong mahal pa rin kita.

Oo,tapos na tayo.
Pero ako hanggang ngayon ay ikaw pa.

Tapos na.
Tapos na yong pagmamahalan nating dalawa.
Tapos na.
At Hindi na mauulit pa.💔

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon