"Mahal kita pero mas mahal mo siya."
Ilang araw na ba ang lumipas?
Ilang buwan na ba ang nagdaan?
Bakit tila nagbabalik ang nakaraan?
Ito kaya'y may hantungan?Oo,lumayo ka sa piling ko, nung mga panahong siya na ang yong gusto.
Mahirap pala talagang lumimot ang puso.
Lalo na kung talagang minahal mo.Maraming tanong ang naukit.
Puro sakit at pighati na pumipilipit.
Sa puso kong tila ba'y may pait.Di ko sukat akalain.
Ako'y iyong kakaibiganin.
Ngunit ang pagtatangi ko sayo'y nagbabalik at may halong pananabik.Mahal? Alam kong iba na.
Iba na ang mahal mo't masaya ka na.
Pero bakit ako'y nasasaktan pa?
Kahit alam kong mas mahal mo siya.Siya ang bago.
At ako ang luma.
Siya ang nagpapasaya sayo.
At ako ang panakip butas mo.
Siya na ngayon ang mundo mo.
At ako naman ang mukhang siraulong lapit ng lapit sayo.Alam ko.
Nararamdaman ko.
Na ako'y balewala lang sayo.
Kahit na ang turing mo'y kaibigan lang sa tulad ko.Mahirap tanggapin.
Pero wala rin.
Masasaktan pa rin.
Kahit na ano pa ang aking gawin.Ito lang ang tatandaan mo.
Di mo man marinig na nagmula ito sa tinig ko.
"Mahal pa rin kita,kahit alam kong mas mahal mo siya."
BINABASA MO ANG
RED POETRY
ŞiirMga tulang hindi ko inaasahang maisususlat at magagawa Mga tula ni pula. Pulang tinta📌