"Pansamantala"
Heto na naman ako.
Nakatayo
Nakatanaw sa malayo
Nakatitig sa mga mata mo.
Na nakikita ko.Iniisip na sana ako.
Ako naman ang hanap hanapin mo.
Mahalin at pahalagahan mo.
Kahit na kakarampot lang ay sana ibigay mo.Iniisip ko.
Nandito naman ako.
Ako na handang magmahal sayo.
Sayo ng todo.Iingatan at papahalagahan ka.
Pero nawala,ng iwan mo 'kong mag-isa.Miss ko na mga ngiti mo
Mga titig mo
Mga masasayang alaala nong magkasama pa tayo.Napapaluha ako
Kapag naaalala ko.
Yong mga pang-aasar mo
Yong mga paglalambing mo.
Na akala ko ay totoo.
Yon pala ay laro lamang sayo.Mahal? Tandaan mo.
Nandito lang ako kapag kailangan mo.
Nandito ako't handang masaktan para sayo.
Handang magsakripisyo mapasaya lang ang katulad mo.Mahal, salamat sa pansamantalang kaligayahan.
Na inukit natin sa nakaraan.
At lagi mong tatandaan.Na kahit hindi na ako.
Ang nasa puso mo.
O kung sumaya ka man sa katulad ko.
Nais kong iparating sayo.Na minahal kita ng subra.
Kahit na ito pa'y PANSAMANTALA.mag-iingat ka sana
Kahit saan ka man magpunta.Alalahanin mong may ako.
Ako na naghihitay pa rin na mahalin mo.Na kahit pansamantala lang ay naging masaya.
Minulat ko ang aking mga mata.
Dahil wala akong ibang makita.
Kundi ang 'yong maamong mukha.Salamat ha?
Salamat sa pansamantalang saya at pagmamahal na iyong ipinadama.
Kahit papaano ay naramdaman 'kong ako ay mahalaga.
May halaga
Kahit sa PANSAMANTALA.
BINABASA MO ANG
RED POETRY
PoésieMga tulang hindi ko inaasahang maisususlat at magagawa Mga tula ni pula. Pulang tinta📌