MAHAL

22 0 0
                                    

"Mahal"

Ano ba ang pagmamahal?
Nasusukat ba ito sa talino at kakayahan ng isang tao?
Nababase ba ito sa katayuan ng isang tao?
Nasa ugali ba ang batayan ng pagpili sa iyong magiging kasintahan?

Siguro naman Hindi.
Mahirap ka man o mayaman.
Yon ay hindi basehan.
Kahit yong iba'y may pag-aalinlangan.

Mahirap ang buhay sa panahon ngayon.
Maraming kremen at kung ano ano pang nababalita sa lansangan.

Mahal?
Hanggang kaylan kaya ito magtatagal?
Kahit pa ba masabihan na ako'y isang hangal?
Hanggang kelan pa ba ako magdarasal?
Pero gusto kong sayo ikasal.

May away man o tampuhan.
May problema man o panghihinayang.
Dito sa puso ko'y nag-iisa ka lang.

Mahal,hindi ko kailangan ng mga matiryal.
Ang gusto ko lang ay ang 'yong pagmamahal.
Pagmamahal na alam kong sayo ay magtatagal.
Hanggang sa araw ng ating kasal.

Sabi nila.
Mahirap daw umasa.
Sumasang makakasama ka.
Makakasama hanggang sa pagtanda nating dalawa.

Pero mahal kita.
Kaya kahit anong hirap ang ating maranasan.
Kahit gaano kasakit at kagulo ang mundong ating ginagalawan.
Ay ikaw lang.
Hanggang sa aking huling hantungan.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon