PANDEMIC

20 0 0
                                    

Ito na naman,may bagong pasubok na naman ang dumaan.
Dumaan at hindi pa tuluyang lumilisan..
Marami na naman sa ating mga kababayan ang mas lalo pang nahihiralan..
Sa panahon ngayon,mahirap pumiling kaibigan.
Kasi Hindi mo alam kung sino ba talaga ang iyong pagkakatiwalaan..

Dahil sayo maraming buhay ang nawala.
Marami ring nagbuwis ng buhay para lang sa karamihan.
Ang dami ring nasira na pamilya,pangkabuhayan o pinagkakakitaan.

Nang dahil sayo!
Muli na lamang nahaharap sa pagsubok ang bansang to!
Nang dahil sayo,maraming umiiyak ngayon at humihingi ng kahit na kakarampot na tulong.

Nang dahil sa sakit,marami ang nagmakasala sa lipunan.
Marami ang lumalabag sa batas..
Marami ang nasasakripisyo.
Hanggang sa itaya nila ang kanilang mga buhay para sa mga taong mapang-abuso at mapanghusga!

Nang dahil sa pandemic may mga samahang nasira.
May mga samahang nagkanda-watak watak..
Mga pusong nawasak.
At mga kumakalam ang tyan.

Ang daming dumaraing,marami ang nag-aaklas..

Gaano nga ba kababaw ang mga dahilan?
Bakit kailangan na umabot sa kanito ang lahat?

Sino ba ang dapat sisihin?
Sino ba ang dapat na managot?
Sino ba talaga ang tunay na mapagkakatiwalaan.

Ito ang hirap sa pagiging tao...
Minsan bato minsan bulak

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon