Kabanata 9: Let her go

2.5K 76 1
                                    

Althea's POV

9:01 PM

Tulala akong nakasakay sa kotse nila sanji. Gabi narin pala ni hindi ko napansin ang oras dahil sa tagal nila mag usap nung umalis sila sa kwartong pinaglalagyan ko

Matagal ang byahe bago kami nakapunta sa lugar kung saan nandoon ang mga yakuza

Sabi ni carl. May mga member daw talaga ng yakuza dito sa pilipinas at kumakalat daw ito ngayon. Isa ang leader na pupunta namin ay si Max leader daw ng isang yakuza, at may kailangan ko daw maibigay ang perang ito mismo kay max, dahil may mahalaga itong kapalit na gustong gusto ni sanji.

Hindi na ito sinabi sakin ni carl kung ano dahil pinababa na ako ni sanji

Malaking bakanteng lote kung saan walang kabahay bahay ng mga simpleng tao ang nakatira dito. Kundi mga puno lang ang nakapalibot dito

Pero nagpark kami sa medyo malayo sa lote na yon.

Maya maya ay sinabi sakin ni sanji na pumunta na ako duon at sabihin na nandito ka para ibigay na ang perang gusto nila.

"Be careful" sabi ni carl. Ngumiti nalang ako at nanginginig na naglakad papunta duon

Naglalakad ako hanggang sa makalayo nako sa kotse nila sanji. Habang naglalakad ako ay napapaisip ako kung anong gustong makuha ni sanji at bakit ako pa?

Galit na galit din sya pag sinasabi kong ayoko. Gustong gusto nya nga talaga iyon

Baka naman drugs?

Pero di naman mukhanh nag dadrugs yung mga yon.

"Hayst!---Hoy!!" Maya maya ay may biglang umagaw sa bag na hawak ko. Sumigaw ako at pilit syang habulin pero nakamotor sya

Diko alam ang gagawin ko.

Ano sasabihin ni sanji sakin?

Papatayin nya ba ko?

Naiiyak akong bumalik sa kotse. At nanginginig, kinakbahan ako sa sasabihin sakin ni sanji o ano ang gagawin nya saakin.

Nang makabalik ako nakikita ko na nagkakagulo silang lahat. At nang makita nila ako biglang sumugod saakin si sanji at hinawakan ako ng madiin sa braso.

"You idiot!" sigaw nya at sinampal ako. Diko alam ang irereact ko dahil napapaiyak nalang ako sa sakit ng sampal nya sakit

Hahawakan pa sana ako ni sanji pero pumigil na si carl at hinawakan ang kamay ni sanji.

"Bro let her go" seryosong sabi ni carl kay sanji "Dont command me. Lets go! You bitch. Go to the car! Now!" sigaw nya sakin hinawakan nya pa ulit ako sa braso at tinulak papunta sa kotse

Bakit galit na galit agad si sanji saakin e di kopa nasasabi ang nangyari

Pano na kaya kung sinabi kona. Ano ang mangyayari?

Nang makarating kami duon sa isang malaking bahay. Kitang kita ko kung gaano galit na galit si sanji saakin.

Umakyat kami sa isang floor at binuksan ang isang kwarto. Nakita ko ang isang madilim na kwarto na mukhang tambakan lang pero may isang maliit na kama

Nang makapasok ako ay sinara nya ang pinto .

"Carl saw everything. Someone grab the bag. Idiot! Why you let the man grab the bag?! Why!?" sigaw nya saakin. Maya maya ay hinawakan nya ako sa pulsuhan at napangiwi ako sa sakit

"N-nasasaktan ako sanji"


"Masasaktan ka talaga! Binalak mo ba na ipakuha yon?! Kaano ano mo yung kumuha? Kapatid mo?"

Teka ano bang pinagsasabi nito? Iniisip nya ba na kamag anak ko ang kumuha ng pera.

"Hindi ko sya kilala" pasigaw kong sabi. Lumayo sya saakin at napahilamos ng mukha

"Alam mo ba kung gaano kaimportante ang perang iyon?" Sigaw nyang sabi sakin. Hindi ko naman kasi akalain na may magnanakaw sa lugar na yon

Di ako sumagot at may kinuha sya sa tagiliran at tinutok sakin ang isang baril.


Napatulala na naman ako sa nangyayari

"Where did you hide the money?" Seryoso nyang tanong sakin pero galit. "Ano bang sinasabi mo dyan?" Taka kong tanong.

Napasigaw ako ng iputok nya ang baril sa kisama at napatakip ako ng tenga dahil dito.


"Nasan ang pera?" Sigaw nya saakin pero umiling lang ako

"Bakit mo ba ako pinagbibintangan na ako nagnakaw ng pera?" Naiiyak kong tanong.


"Nakita kita na may katext ka kanina nung pagbalik ko sa kwartong pinaglalagyan mo!" Sigaw nya saakin.


Habang naghihintay ako sa kanila ay biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito

     Makakauwi kaba ng maaga anak? Nagluto ako ng paborito nyong ulam

            From: Mamako

Nagtext back ako at sinabing

        Baka gabihin ako mama. Pero kakain ako pagdating ko.

                To: Mamako

At tinago kona ang phone ko sa bulsa ko at humarap sa pintuan. Nakita ko si sanji na seryosong nakatayo sa pintuan

"Lets go" sabi nya

Hindi, mali ang iniisip nya. Mama ko ang nagtext saakin at hindi ang magnanakaw na yon

"Mali ka ng iniisip sanji" Akmang hahawakan nya ulit ako ng may humawak sa kamay nito

Si carl



Play With Playboy Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon