Kabanata 44: Goodbye

1.7K 56 4
                                    

Althea's POV

Nagising ako at napahawak sa batok ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na nandito padin ako sa lugar nato

Akala ko isang bangungot lang pero hindi, totoo pala.

Hindi maigalaw ang buong katawan ko dahil nakatali ito. Wala naman basag na bote dito kaya di ako makakatakas at sobrang higpit ng pagkakatali saakin na halos mamula na ang mga balat ko sa higpit.

"Tulong!!!" sigaw ko pero alam ko walang makakarinig sakin, nagbabakasali lang na baka nandiyan na sila sanji.

Pero umabot ng ilang oras pero nandito padin ako.

"Tulonggg!!!" Sigaw ko ulit gumaan ang loob ng pumihit ang door knob nito at si sanji!

"Bitbitin nyo sya" Sabi ni maxwell na naka smirk.

Akala ko si sanji na

"A-ano ba! San nyo ba ko dadalhin?" Sigaw ko

"Wag ka na magtanong." sabi ni maxwell. May binabalak sya at sana naman dumating na sila sanji.

Pero.

Ngayon kolang narealize na hindi nga pala sila dadating dahil walang magsasabi sa kanila.

Ang traydor na teacher na yon di na naawa sa estyudyante nya!

Umakyat kami hanggang sa rooftop at kitang kita ko ang buong lugar. Puro puno lang ito at malayong malayo sa syudad.

Nawalan nako ng pag asa siguro nga ito na yung last.

"Sisiguraduhin ko na di kana mabubuhay ngayon" Natatawang sabi ni maxwell.

"Napaka sama mo!" Sigaw ko.

"Mas masama pa sa mas masama HAHAHAHA"

"Nababaliw kana. Hindi na tama yang pag iisip mo" Sabi ko sa kanya. At biglang sumeryoso ang mukha nya at nilapitan ako.

At hinawakan ang panga ko at napaka sakit non.

"Ikaw babae ka wala kang karapatan na pag salitaan ako ng ganyan"

"Wala karing karapatan na idamay ako sa mga away ni nila sanji! Nanananahimik ako!"

"Wala akong pake!" Sigaw nya at tumawa na naman na lalong ikina inis ko.

Kinasa nya ang baril at tinutok sakin. "Humakbang ka pa" Tinitigan nya ang mga kasama nya at tinulak ako para makahakbang.

"Ayoko! Bitawan nyoko!" at nagpumiglas ako.

Napatili ako ng makarinig ako ng putok ng baril.

"Dika talaga susunod? O babarilin ko nalang yang utak mo"

Nanginginig ang tuhod ko at nasa taas ko isang hakbang ko nalang ay malalaglag nako sa building na ito.

Maya maya ay biglang umulan ng malakas.

Maya maya ay may kumalampag sa pintuan.

"Sanji?"

Susugudin na sana ng mga tauhan ni maxwell ang nasa pintuan ng pahintuin nya ito.

"Relax. May plano ako" sabi nya

Maya maya pa ay bumukas na ito at bumungad sakin ang mukha ni sanji na puro dugo. Pero ayos sya

"Well well well" Pang aasar ni maxwell "Di nga ako nagkamali ng iniisip. Basta sa babaeng to pupunta at pupunta ka padin dito"

"Wag mo sya idamay dito max" Pero hindi nakita si maxwell at tumawa lang ito.

"E kung ayoko?" Sabi nya. Maya maya pa ay dumating na ang ibang kasama nya

"Althea!" Sigaw ni carl at mukhang nag aalala talaga sya.

Naiyak nalang ako sa nangyari. Bakit umabot sa ganito ang buhay ko.

"Pag usapan natin to ng maayos" Sabi ni carl at tumingin sa saakin.

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng tumingin sya saakin.

"Hindi na! Ito na ang ganti ko sa para sa namatay kong kapatid!"

At sumugod sya saakin at tinulak nya ako.

Parang naging slowmotion ang lahat ng itulak nya ako hanggang sa wala na akong matapakan.

"Althea!!" Narinig kong sigaw nila pero huli na ang lahat.

Hanggang sa bumagsak nako sa binagsakan ko at nawalan nako ng malay.

Paalam.





Play With Playboy Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon