Althea's POV
"Get our carl! Wag kang mangielam dito" Sigaw nya kay carl pero hindi ito umalis sa harap ko
"She said nothing, so stop it sanji" Sabi ni carl kay sanji
Maya maya ay biglang bumagsak si carl sa sahig at pinahidan nya ang dugo sa ilong nya na hindi tumitigil sa paglabas dahil sinuntok sya ni sanji
"Wag kang umeepal sa gusto kong gawin" tumingin saakin si sanji at ngumisi
"Dont mess with me bitch. Now wheres the money?" Tanong nya ulit. Bakit ba ang kulit nya sabing wala saakin
"Wala akong maibibigay sayo sanji dahil sinabi ko wala!" Sigaw ko sa kanya "Kung papatayin moko, wag mona patagalin!"
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas loob na isigaw yon.
"Wag na wag moko uutusan dahil hindi ako sumusunod sa nga utos lalo na sayo!" Sigaw nya at umalis
Naiwan naman kami ni carl dito. "Ayos ka lang?" Sabi ko at tinulungan syang tumayo. Napakasama ni sanji kahit kaibigan nya na wala naman ginagawang mali dinadamay nya
11:23 PM
Nang lumabas kami ni carl hindi na namin nakita si sanji. Kaya inihatid nako ni carl
Tahimik lang kaming bumabyahe at maya maya binasag nya ang katahimikan
"Importante ang pera nayon sa kanya" Kaya napatingin ako sa kanya "Dahil kapalit non ang nag iisa nyang kapatid" Sabi nito
Napaisip na namn ako sa nangyayari dahil diko inaasahan na kapatid nya pala ang dahilan bakit galit na galit sya at gustong gusto nya makuha ang kapalit nito
Bigla akong nalungkot dahil yon pala ang dahilan.
"Matagal ng magalit si Max kay sanji kaya ginamit nya ang kapatid nito dahil ito ang kahinaan ni sanji" dagdag pa nito
"Sorry" Sabi ko at sabay yuko. Naramdaman ko na may kamay na pumatong sa balikat ko
"Its okay" tumingin ako sa kanya pero nakatingin sya sa daan pero nakangiti ng kaonti.
Tinuro ko sa kanya kung saan ang bahay namin "Salamat sa pag hatid" sabi ko pero di maalis sa mukha ko ang maging malungkot
"Magiging okay din ang lahat. Dont worry" Sabi pa nito bago umalis.
Kaagad akong humiga sa kama at tumingin muna sa kisame.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam na yon ang dahilan, kung ako din ang nasa sitwasyon ni sanji magagalit din ako ng husto lalo na pag kapatid ko ang damay .
Sorry sanji. Sorry
6:25 AM
Umaga na pero tulala padin ako sa kwarto ko. Di ko alam kung papasok bako o hindi.
Pero kailangan ko pumasok dahil wala lang. Basta gusto ko pumasok. Gusto ko makita si sanji para humingi ng patawad sa nangyari.
"Ma pasensya na late ako nakauwi kahapon" Sabi ko habang kumakain. Pero ngumiti ito at sinabing "Okay lang yon basta walang mangyayaring masama sayo"
Pagkapasok ko sa room nakita ko sila jen at pumunta agad sa gawi ko.
"Anyare sa inyo?" Tanong nito. Pero diko sya sinagot. Dikopa masyado kilala sila jen para magkwento, mamaya nagpapanggap lang sya para makichismiss. Mahirap na.
"Wala namann" Sabi ko sa kanya, napa kamot ulo nalang si erika
Hindi ko alam kung saang room sila sanji. Kaya mahihirapan ako.
Bakit ba ako pa ang hihingi ng sorry e sya ang nanakit sakin? Bahala na nga
"Dismiss" Sabi ng teacher namin at umalis na kaagad ako. Sumunod saakin sila jen
"Uhmm punta muna ako sa library a" Sabi ko sa kanila "Okayyy! Pero di kaba muna kakain?" Tanong ni jen
"Kakakain ko lang kaninang umaga e" Sabi ko ngumiti naman ako at nagpaalam na
Diko alam kung nasan ang library pero hinanap ko talaga, wala lang gusto ko lang ng tahimik na lugar
Pero hindi ko mahanap ang library bagkus may nakita ko sa likod ng isang building na may puno duon na sobrang laki
Pwede na siguro ako tumambay duon. Umupo ako sa damo at sumandal sa katawan ng puno
Kinabit ko ang earphone ko at nagpatugtog. Kailangan ko muna mag relax
"What the fuck are you doing here?"
Hindi ko makita ang mukha nito kaya tumingala pa ako at nakita ko ang lalaking kulay gray ang buhok
"Sanji?" Banggit ko
Seryoso lang syang nakatingin saakin. Tumayo naman ako at ngumiti at ikinakunot ng noo nya
Bakit? Ngumiti lang naman ako a?
"Aa. Nagpapahangin lang" sabi ko habang nakangiti pero di lahat ang ngipin
"Then get out" sabi nito na nag susungit padin. Umupo sya sa pwesto ko habang ako ay nakatayo.
Pumikit ito at sinandal ang likod sa katawan ng puno.
"Sorry"
Biglang napadilat si sanji at seryosong napatingin saakin. Habang ako nakayuko lang di makatingin sa kanya
"Sorry sa katangahan ko. Diko alam na sobrang halaga nga ng kapalit ng perang iyon pero hinayaan ko. Sorry. Sorry sanji"
Tumayo sya kaya napatingin ako sa mga mata nya. Nang makalapit sya ay hinawakan nya ko ng madiin sa braso
"S-sanji nasasaktan ako" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nito "Ngayon narealize mo kung gaano ka katanga!" nangigigil nitong sabi
"Sorry na" Banggit ko pero umalis din ito at nag iwan ng bakas sa braso ko. Ngayon ay namumula ito
Pano na gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Play With Playboy Gangster [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsIsang babaeng walang magawa ang nagcomment sa picture ng gangster sa kabilang school kung saan nag aaral ang mga mayayamang estyudyante. Dahil sa pag comment nito ng masamang comment agad napansin nito ni Zake. Ano kaya mangyayari sa babaeng nagcom...