Althea's POV
Aaa ganon nalang yon? Isang linggo ako di pinansin tas ganon pa sasabihin nya.
"Ayos kalang?" tanong ni jen, ngumiti naman ako "Oo naman"
"Mukhang hindi e" sabi naman ni erika na nakapangalumbaba sakin
Tumawa naman ako at tumingala, baka tumulo yung luha ko na namumuo sa mga mata ko.
"Uhmm may tanong ako sa inyo" Tanong ko sa kanila, baka makakuha ako ng advice kung ano gagawin ko kasi diko na talaga alam
"Ano yon?"
"Pano kung may nakilala kang lalaki na masungit, matapang, mayabang at kinaiinisan mo lahat, tas one day nakikita mo kung kakulitan nya na halos gusto mo na sya kasama sa araw araw, then one day bigla ka nalang nya di kinausap dahil ayaw ka na nya makita , ano gagawin nyo?" Ngumiti ako ng mapait
"Uhmmm, ang hirap nyan a." Sabi naman ni erika
"Oo nga e, ako siguro iiwasan ko nalang din sya ayoko naman ipilit ang sarili ko sa taong ayaw na ako makita no" sabi ni jen
Napaisip tuloy ako, pano kung iwasan ko din sya? Magagawa ko kaya? Siguro oo.
"gusto ni girl na lagi na nya makita si boy? Aaa baka inlove na si girl kay boy" Sabi ni erika na
"Oo nga no, inlove na yon te, teka sino ba yung girl?" sabi ni jen
T-teka? Inlove?
"Inlove? Pano nyo naman nasabing inlove?" tanong ko
"Smepre kinaiinisan nung girl si boy noon tas ngayon gusto na lagi makasama, o inlove si girl tas nasasaktan pa siguro sya kasi ayaw na sya makausap ni boy" Sabi ni erika
Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase kaya bumalik na sila sa kanya kanya nilang upuan, habang ako nakatunganga dito sa upuan ko.
Inlove? Ako? Hindi hindi, bat ako maiinlove sa monggoloid na yon?
Gusto kolang sya lagi makasama kasi masaya.
Pero may iba yung saya na yon.
Argh! Nvrmnd
>_<
Natapos ang klase kaya lumabas nako ng classroom ng bumungad sakin ang mukha ni carl.
"O bakit?" tanong ko sa kanya, hinawakan nya naman ang kamay ko at hinila ako.
"Kain tayo sa labas" sabi carl sakin habang nakangiti.
"San naman tungo natin?" Napahinto sya sa paglalakad at napaisip.
"Uhmm bastaaa" natawa ako sa inaasal nya, namiss ko din tong bwisit na to.
"Pumunta kaming parking lot at nang biglang napahinto sa paglalakad si carl at napahawak sa sintido nya.
"Naiwan ko yong susi sa locker" Sabi nya natawa ako at tumingin sa kanya "Sige kunin mona, wait kita dito"
"Talaga?" tumango ako at ngumiti, alam ko naman ang kotse nya kung nasan dito kaya okay lang.
"Okay saglit lang ako" iniwan nya na ako, habanga ako naglalakad ng makarinig ako ng unggol
"Nakikiliti ako haha" tawa ng isang babae kaya mag lumapit ako pero dun talaga ang tungo ko.
Nang makita ko ang babae na nakasandal sa pader habang hinahalikan ng isang lalaking nakatalikod.
"Ops" napatingin sakin ang babae kaya napahinto silang dalawa, tumingin sakin ang lalaki
Diko alam kung ano irereact ko
"Sanji?"
---DONT FORGERT TO VOTE AND COMMENT---
BINABASA MO ANG
Play With Playboy Gangster [COMPLETED]
Genç KurguIsang babaeng walang magawa ang nagcomment sa picture ng gangster sa kabilang school kung saan nag aaral ang mga mayayamang estyudyante. Dahil sa pag comment nito ng masamang comment agad napansin nito ni Zake. Ano kaya mangyayari sa babaeng nagcom...