Althea's POV
Nakatingin ako ngayon kay sanji na seryosong kumakain ng cookies habang nanonood kami ng movie sa malaki nyang TV.
Di nya naman napapansin siguro yung pagtingin ko sa kanya.
Bakit si carl nakakalabas kahit sya pa ang mas malala ang kalagayan samantalang itong si sanji galos lang pero di pa makalabas--
"Ano ba pinapanood mo? Ako o yung movie?"
Napairap ako at tumingin ulit sa movie, "Kapal a" sabi ko nalang at kumuha ng cookies pero tinapik nya ang kamay ko.
"Para kanino ba talaga tong cookies na to? Saakin o para sayo?"
"Penge lang ee!" sabi ko at nag pout, di pa kaya ako nag aalmusal, napaka kuripot amp
Maya maya ay may cookies sa nakatutok sa bunganga ko.
Tumigin ako kay sanji pero nakatingin lang sya sa TV habang hinihintay nya na kunagat ako.
Kumagat ako sa cookies at kinuha ito sa kamay nya.
Kumakain ako habang nakatingin sa kanya, bibigyan din pala ako dami pang arte.
Natapos ang pinapanood namin, kaya tumayo na ako.
"Hapon na di pa tayo kumakain ng kanin." Sabi ko sya naman nakahiga at nakapikit ang mata.
Gwapo tanginis!
"Magluto ka dyan"
A-ano?! Bat akooo! Wala ba syang yaya dito. Jusko naman to.
"ako pa talaga magluluto to. Tulungan moko! Hindi yung naka higa kalang magdamag dyan"
"masakit pa kaya yung sugat ko sa braso
"Aba! E bat si carl? Sya yung nabaril diba pero nagawa nya pa nga akong ihatid kahapon e"
Maya maya ay napadilat ang mga mata nya kaya umayos ako ng tayo.
"Panay ka carl, inlove ka yata don e" bigla naman ako namula at umiwas ng tingin.
"H-hindi a" bigla na syang tumayo at nauna nang lumabas kaya sumunod ako.
Sya hinintay ko tumayo sa kama nya tas iiwan nya lang ako dito. Nakuuu!
.
Nagtungo na kami sa kusina, tinignan ko ang mga pagkain na nakalagay sa ref nya.
Dalawa kasi ref ng unggoy nato. Kumuha ako ng baboy at patatas.
Adobo nalang lulutuin ko, expert ko na yang adobo e
"Hiwain mo tong patatas o"
Nilapag ko sa harap nya ang patatas at binigyan ko sya ng sangkalan at kutsilyo.
Hinugasan kona ang baboy at kumuha ng kaldero. Hinanda ko na din ang laurel, toyo at suka.
Pagkatapos ko pakuluan ang baboy ay tumingin ako kay sanji na hanggang ngayon ay nakatingin lang sa patatas.
"Ano ba ginagawa mo? Di kaba marunong?"
"oo e" Natawa ako ng konti kaya napatingin sya saakin.
"Ako na nga po!" At binalatan at hiniwa sa harapan nya ang patatas.
"Done!"
BINABASA MO ANG
Play With Playboy Gangster [COMPLETED]
Teen FictionIsang babaeng walang magawa ang nagcomment sa picture ng gangster sa kabilang school kung saan nag aaral ang mga mayayamang estyudyante. Dahil sa pag comment nito ng masamang comment agad napansin nito ni Zake. Ano kaya mangyayari sa babaeng nagcom...