For this chapter please use your data or wifi to see the picture thanks
Althea's POV
"Ngayon lang to. Thank you"
"Ngayon lang to. Thank you"
Argh! Patulugin monako pleaseee! Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog at echo ng echo sa utak ko ang boses ni sanji?
Ano ba nangyayari sakin?
"Dahil sa thank you lang althea. Ngayon kalang ba sinabihan ng thank you?" bulong ko sa sarili ko.
Pinikit ko ang mga mata ko pero gising na gising ang diwa ko
"Argh!" Bwisit ako napatakip ng unan ko at pinilit matulog.
6:45 AM
Hindi ko alam kung bakit pero excited ako pumasok ngayon. Bumaba ako sa kusina at kumain
"O bakit ka ngingiti ngiti dyan? Tanong sakin ni mama. Anong nakangiti? Di ako nakangiti no.
"Baka nababaliw kana dyan anak a. Ngumingit ka mag isa" pahabol pa nito
"Hehehehehe"
Naririnig ko naman na naglalaro sa kwarto si kevin. Juskong batang to puro laro ang inaatupag
Pagkatapos kong kumain ay naligo kaagad ako. At nag ayos
Suklay ako ng maayos at nakapag ayos ng mukha
"Ma alis na po ako!" sigaw ko at kaagad umalis. Sumakay ako sa jeep at nagearphone at nakikinig ng music
Pagkarating ko sa BSU ay nakangiti akong tumitingin sa mga estyudante
Smepre ang iba ay nagtataka o napapairap. May mga ilan dito smepre na galit padin sakin hanggang ngayon.Sa di kalayuan nakita ko si sanji na nakikipag usap kila carl. At bigla akong napatigil sa paglalakad at napatitig kay sanji.
Maya maya pa ay tumigil ito sa pakikipag kwentuhan at tumingin sa direksyon ko kaya kaagad akong tumakbo
"Althea" May tumawag saakin kaya napahinto ako.
Nakita ko si carl na papunta sa direksyon ko
Di naman ako makatingin sa kanya kaya nakita ko ang mukha nya na mukhang nagtataka
"Ano ba nangyayari sayo althea?" At hinawakan nito ang kamay ko na ikinagulat ko."Aaa w-wala wala" Sabi ko at pinabitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Btw kamusta kana pala. Mukhang nawala agad ang sugat sa mukha mo" Sabi ko na may halong tawa
Natawa din naman sya at hinaplos ang mukha sya.
Sana ol clear skin
(╥_╥)
Napansin ko lang na mas maangas ang itsura ni carl kaysa kay sanji. Si sanji ay simple lang at di mo.maiisip na masama sya at leader sya ng isang teen gang . Habang si carl naman ay may hikaw sa tenga na mas kinaangas nya talaga.
Pero wala yan sa itsura dahil ang totoong masama talaga ay si sanji
Mala dimunyu sya kung magalit. Nakakatakot din. Naalala ko ang pagsampal saakin ni sanji nuong nakakaraang araw lang.
Nalungkot tuloy ako na kaya palang manakit ni sanji ng babae. Kahit nag thank you sya sakin kahapon hindi parin maalis ang masama nyang ugali pag dating sakin
Hayst.
Pagkatapos ng 2nd sub ay nag recess agad kaya pumunta kami nila jen sa cafeteria
kumuha ako ng pagkaing gusto ko tutal libre naman.
"Alam mo teya?" sabi ni jen sa tabi ko. Si jen lang ang kasama ko ngayon wala si erika dahil may sakit
"Feeling ko wala kang tiwala sakin " bigla naman nalungkot ang mukha nito at serysoo din sya sa sinasabi nya.
"Oo feeling close ako sayo kasi di pa tayo masyado magkakilala pero eto ako lapit ng lapit sayo. Sabihin mo lang kung ayaw ng lumalapit ako pwede naman ako lumay---" hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti
"Alam mo jen. Pasensya kana a. Oo sa una ayoko mag tiwala. Kasi diba may mga babae dito na sobrang sama iniisip ko na baka isa kadon. Pero ngayon okay na. Unti unti nakong nagkakaroon ng tiwala sayo"
Ngumiti naman sya. At nakikita ko sa mga mata nya na totoo ang sinasabi nya "Alam mo bang gustong gusto kita maging kaibigan hindi dahil kilala ka ng lahat. Kundi ikaw mismo" Banggit nya
"Kaya sana magtiwala kalang. At magtitiwala din ako sayo" Ngumiti ako at tumango
"Promise?"
"Promise!"
-------
ANG SUSUNOD NA UPDATE AY BUKAS DAHIL KAILANGAN KONA MATULOG. TATLONG KABANATA AGAD ANG IUUPDATE KO GUYS. THANKS SA SUPPORT♥️
BINABASA MO ANG
Play With Playboy Gangster [COMPLETED]
JugendliteraturIsang babaeng walang magawa ang nagcomment sa picture ng gangster sa kabilang school kung saan nag aaral ang mga mayayamang estyudyante. Dahil sa pag comment nito ng masamang comment agad napansin nito ni Zake. Ano kaya mangyayari sa babaeng nagcom...