Althea's POV
Dumaan ang linggo na wala akong ginawa pero ngayon ay monday na kaya may pasok ngayon.
"Ma alis nako!" Sigaw ko at umalis na. Maaga aga pa siguro at gusto ko maglakad. Walking distance lang naman ang BSU kaya G na
Sayang 9 pesos sa jeep no. Kaya lalakad nalang ako
Habang nag lalakad ako ay biglang pumasok sa isip ko si aubrey
Kamusta na kaya sya?
Nakakalabas kaya sya ng bahay nila?
Dami kong tanong at gusto ko ulit kausapin si aubrey pero baka mukha ni sanji na galit ang bumungad sakin
Bat ganon ang laki ng bahay nila pero wala ang mga magulang nila sanji.
Tanging si sanji lang ang nasa bahay na yon. Nasan ang mga magulang nila?
"Baka naman nasa abroad" bulong ko sa sarili ko. Baka nga. Kasi di naman sya magkakaroon ng ganong kadaming pera at bahay kung walang nagtatrabaho para sa kanila no.
Naiisip ko agad ang sinabi sakin ni sanji kahapon na wala syang pake kung ano mangyari sakin.
Nag expect ako oo inaamin ko. Kasi akala ko. Akala ko nag aalala sya pero hindi. Akala ko din bumait na si sanji nung nag thankyou sya saakin, hindi rin.
Siguro ganon na talaga ugali nya kahit na may tumulong sa kanya. Wala
Habang naglalakad ako ay may humintong van sa harap ko. Katulad ng van ni sanji na itim. Nung kinuha ni alam mula sa Pccamnhs
"Sanji?" At lumabas ang mga lalaking malalaki ang katawan at sinabing "Miss sumama ka samin kung ayaw mo masaktan"
At binitbit nila ako papasok sa kotse "T-teka! Sino kayo?!" Sigaw ko at nagpapapigil na ipasok ako sa kotse
Ngunit may isang lalaki na sinuntok ako sa tiyan kaya napaluhod ako.
"Sabing sumunod ka nalang kundi masasaktan ka" Hindi kinaya ng tiyan ko ang suntok ng lalaking malaki ang katawan kaya nadala nila ako ng madali sa kotse nila
"Hi" Bungad ng lalaking may pulang buhok na nakangiti saakin. "Nice to meet you althea" Sabi nito saakin ngunit kunikirot padin ang tiyan ko sa sakit.
Hanggang ngayon iniinda ko padin ang sakit.
"Kung di kalang nangiaalam saamin edi sana masaya kang naglalakad diba" Sabi nito at may nagtakip ng panyo sa ilong ko at unti unti akong nahihilo
B-bakit? Ano ba ginawa ko?
At tuluyan nakong nakatulog
Carl's POV
Magrerecess na ngunit wala padin si althea. Chinat ko sya sa messeger ngunit hindi sya online
Ano nangyari sa kanya at di sya pumasok?
Nasa canteen kami ngayon at nakikita ko ang mga babaeng halatang nagpapapansin saamin pero di namin pinapasnin.
Nasan kana kasi althea.
"Bro kanina kapa tulala dyan" sabi sakin ni "What are you thinking about?"
"Don't you notice? Wala si althea" Sabi ko. At nag seryoso ng tingi. Kinakabahan ako na ewan
"I dont care" Sabi lang nito na nakapag painit ng ulo ko
"Srsly bro? Matapos nyang tulungan si aubrey ganyan pa trato mo sa kanya" Napahinto sya sa pagkain nya at nakita ko ang pag igting ng panga nito
"Ano bang pake mo? Why are you so worried about her? ano bang nagawa nya at bakit ka nag kakaroon ng pake sa babaeng yon?" Seryoso itong tumingin saakin at mukhang nag iisip
Napahinto ang pag iisip namin ng may tumunog sa phone ko. Bumalik naman si sanji sa pagkain nya at tumingin sa paligid
"Hello?" Banggit ko "Who is this?" Tanong ko dahil numero lang ang nakalagay sa phone ko ngayon
"Don't you know me right away?" Tanong nito na kinakunot ng noo ko
"Di kita kilala at wala akong balak makilala ka" Dahil sa sinabi ko nayon napatingin saakin si sanji
"HAHAHA its me... Max"
Nanlaki ang mata ko at napakunot si sanji at magtatanong na sana sya ng pigilan ko sya
"Anong kailangan mo? Kung nakikipag laro ka na naman tigilan mona" seryoso kong tanong. Kaagad naman nagets ni sanji kung sino ang katawagan ko
"He hey relax. Di naman ako nakikipag laro, dahil hindi to basta laro hahaha"
Diko alam pero kinakabahan ako.
"Nagtataka kaba kung bakit wala si althea dyan?"
Nang sabihin nya yon at napatayo ako "Wag na wag nyong idadamay si althea dahil wala syang kinalaman dito" naiinis kong sagot. Buti nalang at konti ang estyudante dito sa cafeteria at di naririnig ang sigaw ko.
"Inosente pa ba sya? E mukhang inutusan nyo sya para makuha si aubrey samin, diba? Ngayon kasalanan nyo din bakit sya nadamay. Makikita mo ang bangkay nya bukas na bukas at kung di kayo makakapunta dito ay tatapusin namin ang buhay nya"
"Bakit mo ba ito ginagawa?!" Napatayo nadin si sanji at inagaw ang phone ko
"F*ck you max!"
"Hey sanji! I miss you bro! So kita nalang tayo mamayang 10 pm? Pag wala? Bangkay ni althea ang makikkta nyo bukas na bukas"
At pinatay ang tawag.
Napatulala ako at si sanji sa nangyayari. Pero biglang umayos sya ng tayo
"Kailangan natin tulungan si althea" Sabi ko "Mag sasayang lang tayo ng oras dyan"
"Ano?!" sumigaw nako sa kanya at hinabol sya na naglalakad palayo. Pinaharap ko sya at sinuntok. Wala ng nga estyudante kaya walang bakakakita samin. Kinuwelyuhan naman nya ako.
"Ganon ganon nalang yon? Wala ka man lang pake kahit tinulungan nya ang kapatid mo!"
"Di ako nag sasayang ng oras sa mga walang kwentang bagay tandaan mo yan carl" At umalis na sya.
Damn you sanji.
---------
HII! GUYS! PLEASE COMMENT DOWN BELOW KUNG NAGUSTUHAN NYO ANG STORYANG ITO. MAG UUPDATE DIN AKO BUKAS OR MAMAYANG GABI NG 9♥️
BINABASA MO ANG
Play With Playboy Gangster [COMPLETED]
Подростковая литератураIsang babaeng walang magawa ang nagcomment sa picture ng gangster sa kabilang school kung saan nag aaral ang mga mayayamang estyudyante. Dahil sa pag comment nito ng masamang comment agad napansin nito ni Zake. Ano kaya mangyayari sa babaeng nagcom...