Kabanata 21: Childish

2.4K 81 6
                                    

                    ALTHEA'S POV

Di ako makapaniwala.

Nandito si sanji sa tabi ko habang yakap yakap ako. Nararamdaman ko kung gaano ka ingat nya na yakapin ako.

Parang aalalang alala sya.

Naramdaman ko na lumawag ang pagkakayakap sakin si sanji. At umalis sya. Kasunod non ang pag dating ng nga tauhan nya at inalalayan akong umalis sa lugar na yon.

Nasa baba na kami at nakikita ko ang mga wala ng buhay na lalaki sa sahig.

Naglalakad ako habang may coat sa balikat ko. Nang maalala ko si carl

Tinanong ko sa isang lalaki nag aalalay sakin si carl

"Nasa hospital na po siya" Sabi nito. Sumakay kami sa van at sinabi ko sa driver na ipunta sa hospital at dadalawin ko si carl

Si sanji at umalis na kaagad at diko alam kung saan nag punta.

Nang makarating kami sa hospital ay tumakbo ako at tinanong kung saang room nakalagay si carl.

Nang malaman ko ay nadatnan ko na nagkakagulo ang mga doctor at nurse sa kwarto nya.

Papasok na sana ako ng pigilan ako ng nurse "Maam bawal pong pumasok" sabi nito

Wala akong magawa kundi maghintay sa labas. Hanggang ngayon naka abang saakin ang mga tauhan ni sanji.

Sinabi ko na umuwi na sila pero hindi daw pwede.

"Bakit di kaparin umuuwi?" Tanong nya saakin. Diko naman sya sinagot pero tumigin sya sakin mula ulo hanggang paa.

Maya maya ay hinila nya ako paalis "Ano bang ginagawa mo sanji!" sigaw ko dito pero parang wala syang naririnig.

Napapapigil ako pero masyado syang malakas. Nasasaktan nadin ako sa mga hawak nya.

"Hihintayin ko si carl don!" sigaw ko dito. Huminto sya at tumigin saakin.

"Dimo ba nakita na ginagamot sya ng mga doctor?" Seryoso nyang sabi at hinila na naman nya ako.

"Di mo kailangan na hintayin si carl duon dahil kaya nya naman yon"

Anong kaya? Nabaril sya di nya ba alam? Anong klase syang kaibigan para pabayaan ang kaibigan nya na ganon

"Bitawan moko!" sigaw ko dito, may nakasalubong kaming nurse na may dalang band aid at iba pang gamit

Kinuha nya ito at bigyan nya ng isang libo ang nurse. Maya maya ay hinala na naman nya ako.


Pumasok kami sa isang kwarto at may kasama at upuan duon.

"Aantayin ko si carl doon" Sabi ko at akmang aalis ng isara nya ang pinto.

"Intindihin mo muna ang sarili mo bago ang iba" Napahinto ako sa sinabi nya "A-ano? Pano ko iintindihin ang sarili ko kung may taong nasa hospital ngayon na nagligtas ng buhay ko?! Uunahin kopa ba ang sarili ko kaysa sa lahat nag ligtas sakin" nakita ko naman kung pano mag igting ang panga nito.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at ginamot ang sugat sa kamay ko at sa binti ko.


Parang may dumaang anghel sa pagitan namin at natahimik kaming dalawa.

Biglang aalala ko kung pano din ako iligtas ni sanji. Na akala ko hindi nya ako ililigtas pero dumating sya. At iniligtas nya ako sa kamay ni Mr. Maxwell.

"K-kala koba wala kang pake sakin kahit anong mangyar" tanong ko at napaiwas ng tingin

Naramdamn ko naman na tumingin sya saakin at tinitigan ako humarap din ako sa kanya at tinitigan ito

"You save my sisters life. So i will save you too. That's it"

"Salamat" ngumiti ako at niyakap sya. Wala ng hiya hiya. "Salamat sa inying dalawa ni carl" Sabi ko.


Tinanggal ko ang pagkakayakap kay sanji at tinigan sya seryoso na naman ang tingin nya saakin.

"Tara puntahan na natin si carl---" Aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso

"Umuwi kana" At hinila nya ako palabas at sinakay sa kotse nya


"Ano ba sanji?! sabing pupuntahan ko si carl---"

"Bat ba puro ka carl?! Si carl lang? Pano naman ako na nagligtas din sayo? Mabubuhay si carl! But you need to go home first! Stop being childish" At pinaandar ang kotse nya

A-ano daw?

Play With Playboy Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon