Kabanata 39: Because what?

1.7K 67 7
                                    

Althea's POV

Lumabas ako ng court at nagpunta kung saan. Diko na mahanap si carl jusko naman yon kung san san pumupunta eee.


Aalis nalang siguro ako. Wala na e tapos na yata ang laban, kung meron pa ayoko na manood.



Naglalakad ako ng biglang pumasok sa isipan ko lahat ng ginawa ko kanina sa court.


Napapikit ako at napatakip ng mukha "nakakahiya ka althea"

Pinilit kong di alalahanin yon pero parang nagpaplay talaga sya sa utak sya.


"Argh!!"


Pumunta nako sa gate at lalabas na sana ako ng may biglang humila saakin

"Aaa!" Napasigaw ako kasi sobrang higpit ng hawak nya sa wrist ko.


Tinignan ko sya at nakatalikod sya pero alam ko sya yon.


Yung suot nya kanina habang naglalaro sya. Alam kong sya yan. Pero bakit? Bakit nya ginagawa to?


"S-san mo ba ko dadalhin!?" Hindi sya nagsalita at sa sobrang tangkad nya at haba ng bias nya ang laki ng hakbang nya kaya takbo na ang ginagawa ko bago pako makaladkad.


Hanggang sa makarating kami sa likod ng building ng mga senior high.


Tago sa lugar na to at walang katao tao ngayon dito kundi kami lang.


"Ngayon, sino ang mas magaling samin maglaro?" napakunot ang noo ko at tinitigan sya. Hindi sya masyado malapit sakin pero naaamoy ko ang bango ng katawan nya.



"A-ano bang pinagsasabi mo sanji?" mas lumapit sya saakin


" Sino ngayon ang mas magaling samin ni carl?" Hanggang ngayon naguguluhan ako bat nya tinanong yon.


"Bat mo ba tinatanong sakin yan? Sa mga babae dun sa court ang tanungin mo-- aray!" Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso.


"Listen althea. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin at nagkakaganito ako." Binitawan nya ako at tumalikod sya.


"Pilitin kong hindi magparamdam sayo at di kita kausapin kahit isang linggo manlang para alam ko kung ano nangyayari sakin at para mawala kana sa isipan ko. Pero hindi e nung ginawa kong umiwas sayo para akong mababaliw sa tuwing di kita makakausap" Humawak sya saakin "At mas lalo akong nabaliw nung makita ko na magkasama kayo ni carl"



"Althea ngayon alam kona bat ako nagkakaganito."


Hindi ako sumagot at hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Nang bigla nya akong yakapin.

"Because i like you. No! I love you, i love you althea"



Napatulala ako sa sinabi nya. Mahal nya ako? Mahal ako ni sanji?

Play With Playboy Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon