Kabanata 34: Belong

1.8K 70 5
                                    

Althea's POV

Napagdesisyunan na naming tatlo na pumunta na sa court at hinanap ang upuan na naka lagay sa ticket namin.

At sakto halos nasa harapan kami.

"Swerte natin hihi" Sabi ni erika na kilig na kilig habang umuupo. Ako naman ay natawa lang.

"Anong oras ba magsisimula ang laro?" Tanong ko

"Mga 9" Tumigin ako sa relo at nakita kona 8:12 palang

"Ganon ba sige bili nalang muna ako ng snacks natin wait nyoko dito"

"Talagaaa? O sigeee" sabi ni jen, kaya umalis nako at pumuntang canteen.


Wala ng tao halos sa daan kasi nandoon na lahat sa court at nag aabang ng laro.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si sanji na naglalakad sa dulo papunta sa daanan ko.

Lakas ng impact sakin napahinto nako sa paglalakad.

Pero no! Wag maging marupok althea! Hayaan mo sya.

Pinilit ko na gawin yon kaya dire diretso lang ako ng lakad at diko sya tinitignan sa mata, ganon din naman sya

Yata?

At nang makadaan na sya

0.0

Nagawa ko, nakaya ko na di sya tignan sa mata habang naglalakad kami

Well althea congrats!


---

Nakabalik nako sa court nakangiting humarap sa mga kaibigan ko.

"Tagal mo yata?" Tanong ni erika

Jusko, sinita lang naman ako ng nagtitinda sa canteen dahil tulala daw ako.

"Aaa mahaba kasi pila e"



Maya maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na mag sisimula na ang laro.

Ang unang laro ngayon ay volleyball, mahilig din ako maglaro ng volleyball, sana pala sumali ako cHour di ako matangkad para sumali dyan.

Nabalitaan ko na taga ibang school pala ang kalaban. Kaya pala sa kabila at halos lahat ay naka blue, dito naman sa upuan namin ay kulay red.

Nasan na kaya si carl? May bakante pa namang upuan dito para sa kanya kaai sabay kami manonood e.

"Ang manlalaro sa Paaralang MHDP ay sina. Mr. Dela cruz--"

At binanggit na ang mga pangalan ng manlalaro, tska binanggit ang pangalan ng manlalaro sa paaralan namin

"At ang manlalaro sa Bulacan State University ay si Mr. Aquino--"


At agad kinuha ko naman ang phone ko para kumuha ng video at imyday ko agad agad ito----


"At si Mr. Mendoza"



"AAAA!! OMY! CARL!"



"CARLLL! GO CARL"



"CARL YAMETE!"




Kaagad kong tinakpan ang tenga ko jusko ginoo nasa likod kopa ang mga nagsisigawan, tumigin ako sa court at nakita ko carl na nakasuot ng pang volleyball


"Carl?"



Sumigaw ang nasa likod ko ng pangalan nya kaya napatingin sya duon, pero mismong sakin sya tumigin at ngumiti

Mga nasa likod ko naman ay halos mamatay sa kilig.



"Jusko ka carl dimo sakin sinabi na kasali ka pala a" bulong ko at natawa nalang.


---- VOTE GUYS FOR THE NEXT CHAPTER"

Play With Playboy Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon