Chapter 1

36 2 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name , characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictions manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.

"Atalia, bilisan mo ang kilos mo mahuhuli ka na sa klase mo! " sigaw ni Mama habang kinakalampog yung pinto ng banyo.

Bihis naman na ako 'e natae lang naman pati ako. Ewan ko ba d'yan kay Mama masyadong over acting minsan.

Dali-dali naman akong nag hugas matapos lumabas yung tatlong araw ko nang tinatago. Jusko pahirapan pa kasi ayaw lumabas. Bago ako lumabas ng banyo ay chineck ko muna yung sarili ko baka dumigkit yung amoy mahirap na.

"Ayan okay na." nakangiti kong bulong sa sarili at lumabas na ng banyo.

Nakita ko naman na nililigpit yung pinagkainan naming kanina. Wala si Papa,baka umalis na para magtrabaho. Nilapitan ko si Mama para humingi ng baon. Baka hindi na naman ako bibigyan kasi hindi man lang ako binigyang pansin nang makalapit ako sa kaniya.

Umalis na lang muna ako at pumunta sa kwarto kong napakaliit.

"Ma, aalis na ako. Asan baon ko? " saad ko habang kinukuha yung bag ko.

"Ha? 'E may ipon ka pa naman diba? Yun muna gastusin mo kasi hindi pa dumadating yung pera natin ngayon. "

Hindi na ako nagsalita at diretsong lumabas sa bahay kaya ayon naglakad ako papuntang school at sobrang init na init na ako kasi naman wala na ngang payong hindi pa ako binigyan ng baon ni Mama.

Nakakainis talaga minsan! Bakit ba kasi pinanganak akong mahirap 'e ang dami dami naman dyang mamayang mag asawa na hindi magkaanak. Di bale yayaman din ako, tiwala lang HAHAHA

Habang naglalakad ako kinuha ko ang aking bilog na salamin at pulbo para naman pagpasok ko sa school ay hindi ako mag mukhang inana. Mahirap na baka hindi ako magustuhan ni crush ehe!

"Aray! Ano ba?! Bat hindi ka natingin sa dinadaanan mo?" sigaw ko sa matandang babae na bumunggo sakin. Hindi naman kasi na tingin sa dinadaan tatanga-tanga.

"Pasensya na, iha" nakatungong saad ng matanda.

"Ewan ko sayo. Bahala ka dyan!"singhal ko at inirapan ko na lang sya.

Tiningnan komuna siya ng masama bago umalis.Kasi naman masama rin tingin sa akin. Masyadong nadami na ang nakatingin sa amin. Na e-expose na ang maganda kong mukha.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway at malayo pa lang tanaw ko na yung crush kong si Josh kasama ang barkada nya. Umayos ako nang paglakad na para bang pang Ms. Universe ganern para naman kahit papano mapansin ako ni crush.

Hala! Eto na malapit na syaaaa. My ghad Cassie! Nginitian nya ako! I smiled at him back yung medyo pabebe then wave. Oh pak! Ganon dapat pagmakakasalubong mo si crush. Be proud tsaka slight pabebe para mapansin ka.

Lumapit siya sa akin at naiwan naman sa isang bench yung barkada niya. Para akong naiihi na ewan tapos yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko

"Ah Atalia right?" tanong niya na nakaturo pa talaga sa akin.

Tumango lang ako at simile ng konti bago tumungo. Putek bakit nawawala yung kalandian ko ngayon at para na akong asong napagalitan? Tae naman oh!

"Pwede ka raw ba makasabay sa mamayang lunch?" tanong niya sabay tingin doon sa barkada niya.

Kahit gulat na gulat ay napatingin din ako doon at para bang may pinaguusapan sila pero senyasan lang. Napansin naman yun ni Josh kaya tumingin ulit siya sa akin bago nagsalita.

"Don't worry dito lang tayo sa loob ng school at sagot ko lahat ng kakainin natin. Tayo lang naman ang magkasama."

"H-huh?!" napasigaw na lamang ako dahil sa gulat.

Teka lang ayaw pa magsink in sa utak ko yung mga sinabi niya. Papayag ba ako o papayag ako? Hala teka kinikilig ako bwesit!

"Ah 'e ano okay lang namn kung hindi ka-"

"No! I mean sige. Kita na lang tayo sa canteen malapit sa building ko." Saad ko at nagpaalam na sa kaniya kasi male-late na ako.

Binilisan ko na ang paglalakad ko para makarating agad sa room ko. Mahirap na baka masermonan ako. Nang makarating na ako sa classroom, wala pa rin yung teacher namin na mataray pero hindi rin nagtagal dumating din ito. Akala ko pa naman naka leave na. Ano ba yan?!

"Atalia, nagawa mo na assignment sa third subject natin? " tanong ni Emman na seatmate ko. Hindi na lang ako nagsalita at binigay na lang ang notebook ko.

Alam ko naman na sa panggagaya lang tutungo ang usapan.

Natapos ang four subjects namin at excited na ako maglunch. Bukod sa makakalibre ako ng pagkain, makakasama ko pa yung crush ko. 3 years ko rin naging crush yung si Josh at 3 years na rin akong nagpapansin sa kaniya.

Mabilis ko lang inayos yung gamit ko at dali-dali pumunta sa canteen. Nakita ko na andoon na si Josh at mukhang hinihintay niya talaga ako.

"Hello!" Saad ko ng makalapit ako sa kaniya at naupo sa harap na upuan niya.

"Ah anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya.

"Ikaw."

Hala bunganga mo Atalia!

Nakita ko naman na gulat na gulat siya at parang nabulunan sa sarili niya laway.

"Ah I mean ikaw na ang bahala. Oo yun na nga, ikaw na ang bahala," saad ko habang tinuturo turo pa siya.

Tumango lang siya sa akin habang nakangiti bago ako iwan para bumili ng pagkain doon sa unahan. Titigan ko lang siya habang hinihintay niya yung binili niya.

Ano kayang na isipan nito't niyaya akong mag lunch? Siguro na appreciate na niya yung 3 years na pagpapansin ko sa kaniya.

Pagkabalik niya sa upuan ay nilapag niya sa harapan ko ang chicken fillet, rice, at juice ganoon din naman yung sa kaniya.

"Pasensya ka na ah, yan lang yung nabili ko. Alam mo naman dito sa canteen natin walang ibang pagkain." Natatawang saad niya habang inaayos yung pagkain niya.

"Ano ka ba, okay lang yun. Thank you pala." Saad ko at sinimulan ng kumain.

"Don't worry next time sa mamahaling restaurant na tayo."

Natigilan naman ako sa pagnguya ng marinig ko yung sinabi niya. Totoo ba yung narinig ko o nag assume lang ako?

"M-may next t-time pa?"

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti na parang nahihiya bago tumungo.

"Oo kung papayag ka."

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon