Bigla na lamang siyang tumakbo na hindi manlang tinapos ang sinasabi ko. Kinakausap niya ngayon yung lalaking may hawak na gitara at lumakad na pabalik sa akin habang nakangiti ng pagkatamis-tamis sa akin na dala na yung gitara nung lalaki.
"Anong gagawin mo dyan?" natatawang saad ko para hindi niya mahalatang nahihiya ako.
Shemay kakantahan na naman yata niya ako!
Pinaupo niya ako sa isang upuan at naupo naman siya sa bermuda grass na kaharap ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin kasinahihiya ako ng sobra. Parang mahihimatay na ako sa hiya at bilis ng tibok ng puso ko.
"I know you're missing someone but please forget them for awhile and just smile while you're here, with me." Seryosong saad niya na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Natigilan ako sa paglalaro sa daliri ko ng marinig ang mga binitawang salita ni Zion. Hindi ko alam pero parang may pinapahiwatig siya. Nagugulahan man ay ngumiti na lang ako sa kaniya na tinugon din naman niya ng isang simpleng ngiti. Yung para banag nalulungkot at the same time ay masaya.
Nagsimula na siyang mag strum habang nakatingin sa akin pero tumungo na lang siyanapara bang iniiwasan ang mga titig ko.
Teka favorite song ko ito ah?
Time to let the, time to let the, time to let the beat drop
Baby Imma let you know, don't always gotta be fast
Maybe we can take it slow
Don't always gotta rush, gotta build that trust
We're two birds just singin' that song
Kitang kita ko ang saya sa mata niya habang kumakanta at nakatingin sa akin. Tinititigan ko na lang siya habang nag iimagine ng kung ano-ano na magkasama kaming dalawa. Ang swerte ng babaeng makakasama ng lalaking ito habang buhay. Kung pwede sana ako na lang yung babaeng yun 'e pero ako talaga yung pansamantalang makakasama niya.
Singing that ladeedeedodeeda, melodies go back and forth
You sittin' on that G string, maybe I just struck a chord
The music's in your heart, that's where I'm gonna start
And if you just play alongI'll make sure I'm in tune
In this concert just for two
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil may lalaking kinakantahan ako ng paborito ko pang kanta. Sana naman sa pag alis ko mahanap niya yung taong para talaga sa kaniya. Yung taong magmamahal sa kaniya higit pa sa pagmamahal ko.
Oo inaamin ko minamahal ko siya at siya ang unang nakakuha ng puso kong maharot.
'Cause this is our first song
Sorry I had you waiting so long
Gotta make it perfect it can't be wrong, no
Tryin' to keep doin' it right, with you on my mind
'Cause you are my baby
Promise I'll treat you like a lady
And I won't do you no harm
'Cause this is our first song
Tinitingnan ko lang siya ng biglang umihip ang malamig na hangin sa aking gawing kanan kaya naman awtomatiko akong napalingon doon. Kitang-kita ko doon ang matandang babae na dahilan kung bakit ako nandito.
Para ipahiwatig sa akin kung ano talaga ang nararapat na sundin, ang puso o isip ko at para may matutunan ako sa buhay.
Noon ang sinasabi ng isip ko gusto ko ng mga bagay na wala ako sa panahon ko at isinisigaw naman ng puso ko ay ang maging kontento sa kung anong meron ako. Pero ngayon iba na ang sinasabi nito, gusto na ng puso at isip ko na bumalik sa panahon na kinamulatan ko at isama ang lalaking mahal ko, lahat ng nagpapasaya sa akin dito pero sa sitwasyon ko tanging sarili ko lamang ang madadala ko pabalik.
Walang mayaman at masayang pamilya, magandang bahay, maraming pera, kaibigan at Zion.
Pinipigil ko ang luha ko na pumatak dahil baka makita yun ni Zion. Natatakot akong makita niya na malungkot ako at baka masira ko pa ang saya na nararamdaman niya. Binalik na niya yung gitara sa lalaki at patakbong umupo sa katabi ko.
"Nagustuhan mo ba yung kanta ko para sayo? Diba favorite song mo yun?"
Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay wala akong sinasabihan ng mga bagay tungkol sa totoong ako.
Pero paano niya nalaman na favorite ko yun?
"Paano mo nalaman na favorite song ko yun?"
"Ahh m-mamaya ko na s-sasabihin sayo kapag nakauwi na tayo." Natatarantang saad niya.
Sandali kaming natahimik habang tumitingin sa paligid. Ang saya ko kasi sa simula pa lang ng istorya ko sa mundong ito si Zion, Kuya Kenzo,Mommy, Daddy, at Kian ang mahahalagang tauhan ko pero bakit kailangan kong masaktan ng ganito dahil matatapos na ang istorya ko dito?
"Ang unfair ng mundo, ano?" saad ko na hindi tumitingin sa kaniya pero kita ko sa peripheral view ko na nakatingin siya sa akin.
"What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin kaya tumingin ako sa kaniyang mga mata.
"Kasi bakit kailangan laging may katapusan sa bawat istorya n gating buhay?"
"Alam mo kung bakit? Kasi may natutunan ka na." saad niya na para bang may halong lungkot ang tono ng boses niya.
Tumahimik naman na ako kaya niyaya na niya akong umuwi. Hinigit na niya ako papuntang sakayan ng jeep at tahimik lang kami sa byahe.
Gusto siyang tanungin kung okay lang ba siya o galit siya sa akin kasi naman iba yung inikilos niya. Naguguluhan na kasi ako dahil habang nasa jeep kami pauwi ay napapansin na malungkot siya pero pagnapansin niyang nakatingin ako sa kaniya bigla na lang siyang ngingiti.
"Hindi ka ba muna papasok?" tanong ko nang makarating kami sa tapat ng bahay.
"Hindi na, dito na lang."
Hindi na siya nagsalita at tumitig na lang sa mga mata ko. Ilang sandali pa ay may hinalungkat siya sa kaniyang bag. Nagulat ako nang ilabas niya iyon at inabot sa akin.
Parang biglang binalot ng kaba at sakit ang puso ko nang makita ko kung ano iyon. Namamanhid ang buong katawan ko at wala akong nagawang kilos o ano man.
It's a yellow notebook, my diary.
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...