Chapter 19

0 0 0
                                    

Naalimpungatan ako ng may marinig akong nagbubulungan sa tabi ko. Unti-unti kong binuksan ang mata ko't natagpuan ang sarili na nakahiga sa kama.

"K-kuya?"

Napalingon sa akin si Kuya at ang kausap nito na naka puti, mukhang nurse siya. Tumingin ako sa paligid at walang ibang tao dito kundi kami lang tatlo.

"A-asan ako?"

Babangon na sana ako nang pigilan ako ni Kuya pero hindi ako nagpapigil dahil maayos naman ang pakiramdam ko.

"B-bakit ako andito?"

Tiningnan naman ako ng nurse at sinabing mukhang okay naman na raw ako. Umalis na rin iyong nurse kaya naiwan kami ni Kuya dito.

"I saw you fainted on the hallway so I brought you here. Hintayin mo ako dito at kukunin ko muna ang gamit ko sa room." Saad ni Kuya at iniwan na ako.

Nahiga na lang muna ako ulit at inalala ang nangyari sa akin kanina. Siguro kaya ako nagkaganito kasi kagabi pa ako walang kain at sobra akong pagod.

Napapabayaan ko na ata ang sarili ko.

Awtomatiko akong napatingin sa pinto ng bilang bumukas ito. Zion looks so frustrated nang makitang nakahiga ako dito sa kama. Umiwas na lang ako nang tingin nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin.

"Atalia, I'm so sorry." Saad nito bago hawakan ang isang kamay ko.

Gustuhin ko man na bawiin ang mga kamay ko sa kaniya ay hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa akin. Tiningnan ko lamang siya na nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya dahil nasasaktan pa rin ako.

Gagi umasa kasi ako.

"Ayusin na natin ito, Atalia. Hindi ko kayang makitang iniiwan mo kahit andito ka pa naman sa mundo ko. Ayaw kong nasasaktan ang nagpapaikot ng mundo ko."

My tears suddenly fell but he wiped all of that. He smiled at me so I hugged him tight.

"I love you." I said calmly between our hugs.

"I love you so much, Atalia."

I heard someone entered on the clinic kaya binitawan ko na siya. Nakita kong papalapit sa amin si Kuya at kinuha niya yung bag ko bago ako hilahin pero nagpapigil ako.

"Wait lang, Kuya. Zion aalis na kami ah. Sorry ulit."

Magsasalita pa sana si Zion pero hinila na ako ni Kuya. Hinayaan ko na lamang na hinalahin niya ako hanggang makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan niya ako pinto ng kotse kaya pumasok na ako habang siya naman ay umikot pa para makapasok sa driver sit.

"The nurse told me that you fainted dahil walang laman iyang tiyan mo. Kailan mo pa sinumalan ang pagpapabaya sa pagkain ha? Huwag mo naman hayaan sirain ng Zion na yan ang kalusugan mo, Atalia." Sermon ni Kuya bago paandarin ang kotse.

Hindi na ako nagsalita, at nakita ko na lang na tumigil kami sa isang drive thru. Hindi ko pinakaelaman si Kuya sa mga inorder niya. Guilty ako kasi nadadamay si Zion sa pagpapabaya ko kung sa tutuusin ay ako lang talaga ang may dahilan.

Ano ba yan, Atalia!

"Oh kainin mo lahat yan at alam ko naman na hindi ka na naman kakain lalo na't wala sina Mommy sa bahay." Saad niya sabay abot sa akin nung inorder niya.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita kung gaano kadami iyong binili niya.

"Kuya ang dami naman nito. Bibitayin ba ako?" pangaasar ko sa kaniya.

Iniripan lang niya ako habang ako ay tahimik na tumutawa. Nakarating kami sa bahay at hindi man lamang ako hinintay ni Kuya makalabas ng kotse. Tumakbo pa ako kahit nanghihina pa ako para lang mahabol ko siya. Nang maabutan ko siya ay niyakap ko siya mula sa likod nang mahigpit.

"Thank you, Kuya. I love you!" saad ko bago kumalas sa pagkakayakap ko.

Nginitian ko siya at mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya iniwan ko na siya doon na nakatulala. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon kinain iyong mga pagkain ni Kuya.

Pagkatapos kumain ay nag halfbath na ako. Balak kong tawagan si Zion para makapagusap kami nang maayos.

Habang nasa banyo ay naalala ko iyong nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay.

Bakit si Emman ang huling nakita ko bago ako nawalan ng malay kung si Kuya ang nagdala sa akin sa clinic?

Napailing na lang ako at tinapos ako nang paglilinis ng katawan at nakailang missed acall ako kay Zion pero walang sumasagot kaya nag message na lang ako.

To: Zion

Hoy sorry ulit ah? Huwag ka sana magalit sa mga sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya eh.

15 minutes ang lumipas at walang reply akong natanggap kaya nagpadesisyonan kong matulog na lamang pero may narinig akong nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Atalia, gising ka pa ba?" dinig kong tinig ni Kuya kaya naupo ako sa kama ko.

Lumapit naman siya sa akin at naupo sa tabi ko. Tinitigan ko ang mata niya na mukhang malungkot na masaya. Hindi ko maintindihan pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba.

"Birthday mo na bukas at gusto kong ako ang unang babati sayo. Happy birthday, Atalia." Nakangiting saad nito habang nakatingin sa akin pero malungkot ang tinig niya.

"Thank you, Kuya!" saad ko bago ko siya yakapin nang mahigpit.

Kumalas na ako sapagkakayakap sa kaniya at nginitian siy ng abot tenga.

May nakakaalala ng birthday ko.

Tiningnan niya ako sa mga mata na para bang may iba pang gustong sabihin sa akin pero tumungo siya nang pagkatitigan ko siya.

"At huling araw na rin natin bukas."

Napatayo ako nang marinig ang sinabi ni Kuya. Nanlalambot ang tuhod ko kaya napahawak ako sa study table ko.

"A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan K-kuya." Natatarantang tanong ko.

Alam ba niya ang sikreto ko?

"Katulad mo Atalia, hindi rin ako tagarito."

My eyes are popping out when I heard what he said. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga salitang binitawan niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko pero nanatili tahimik ang paghikbi ko.

Maiiwan dito si Kian na walang kapatid.Bakit ang sakit-sakit?

"Hindi mob a ako nakikilala?" tanong niya na nakatingin nang diretso sa akin.

Umiling lang ako dahil wala akong lakas ng loob makapagsalita. Nahihirapan na akong huminga dahil nasasaktan ako.

Paano na ang pamilyang maiiwan namin dito kung dalawa kaming mangiiwan?

"Ako ito, si Emman."

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon