Chapter 7

3 0 0
                                    

Unknown number:

Gising ka pa? Call?

Tiningnan ko kung may old conversation kami at si Zion lang pala yun. Jusko akala ko kung sino na. Hindi ko pa pala na se-save yung number nun. Bago ko sya replyan ay sinave ko muna yung number niya at ako na mismo ang tumawag sa kaniya. Wala pang tatlong ring ay sinagot na niya. Jusko itong lalaking ito talaga napakabilis.

"Nakauwi ka na? " bungad niya sakin at napangiti naman ako.

"Oo, ikaw? "

"Oo. Chineck ko lang kung nakauwi ka na."

Tumagal yung paguusap namin ng mga 20 minutes bago niya napagdesisyonang ibaba yung tawag. Napansin kasi niyang inaantok na ako kaya nang binaba niya yung tawag ay nakatulog agad ako.

Nagising na lang nang marinig yung alarm ko. Kahit inaantok pa ay pumasok ako sa banyo para maligo. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Ang bagal kong kumilos kasi pakiramdam ko ay inaantok pa ako at parang sorang tinatamad.

Malamya akong bumaba papunta sa living room at na abutan ko doon si Kuya na naka shirt, pants, at rubber shoes.

Kailan pa naging ganiyan ang uniform niya? Wala ba siyang pasok?

"Kuya wala kang pasok?" inaantok kong tanong bago na upo sa couch.

Kita ko naman ang gulat sa mukha niya at na tigilan pa talaga sa pag aayos ng buhok niya.

"Why are you wearing a school uniform?!" singhal niya sa akin.

Pinagsasabi nito? Malamang may pasok kaya ito suot ko.

"Kuya may pasok ah. Dapat nga ako ang kumwekestyon ng suot mo!"

Inirapan ko siya dahilna iinis na ako. Kapag talaga kami na late sa school nako-

"Sunday ngayon, Atalia kaya bumalik ka sa kwarto mo't magpalit ng damit. Tayo na lang ang hinihintay."

Nanlaki naman ang mata ko at parang gusto kong lumubog sa inuupuan ko. Pinaglaban ko pa talaga kanina na ako tama. Kaya pala parang kulang ang weekend.

Gaga ka talaga Atalia!

Tumakbo naman ako papuntang kwarto at mabilis na nagpalit ng white dress at heelsna hinddi kataas.

Teka saan ba kami pupunta? Mini date? Ay joke kapatid ko pala siya.

Nag lagay lang ako ng liptint at cheek tint at dali-daling bumalik sa living room. Nakaupo naman na sa couch si Kuya habang may katext. Napansin niyang nasa harap na niya ako kaso imbis na tumayo na siya ay tinitigan pa niya ako.

"Kuya nagmamadali ka hindi ba?" tanong ko kasi bigla akong nahiya sa titig niya.

"Ah o-oo."

Tumayo naman na siya at iniwan ako. Lintis hindi man lamang ako nagawang hintayin. Sumunod na lang ako sa kaniya na ngayon ay papasok na sa kotse niya.

"Kuya saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko ng makasakay na kotse habang inaayos yung seatbelt.

"Sunduin muna natin sina Mommy sa kompanya tapos sisimba tayo at pupunta sa bahay ni Tita. Birthday daw nung anak 'e."

Kompanya? Meron kaming ganon?

Pinaandar naman na ni Kuya yung kotse kaya kinalikot ko na lang yung phone ko. Nakita ko naman na may message sa akin si Zion. Nag good morning lang at dahil pabebe ako morning lang ang nireply ko.

"Sino palang Tita?" tanong habang nag s-scroll sa twitter.

"Kaibigan ni Mommy, si Tita Kathyrine."

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon