Kinuha ko yung diary sa kamay niya at parang gusto ko na lang umiyak at lumubog sa lupang kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Kitang kita ko sa mata ni Zion ang lungkot at sakit. Lalo lang akong nasasaktan kapag tinitingnan ko ang mga mata niya kaya tumungo na lamang ako.
Baka nabasa na niya ang nakasulat dito.
"B-binasa mo ba-"
"Oo," pagpuputol niya sa itatanong ko na ikinagulat ko.
Naluluha akong nakatingin sa kanya habang pinupunasan niya ang luha na pumapatak sa mga mata niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa nakikita ko at para lang akong tuod na nakatingin lang sa kaniya.
"Biruin mo yun kalalaki kong tao pero umiiyak ako sa harap ng babaeng nagpapasaya sa akin ng sobra at minamahal ko ng higit pa sa sarili ko."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at hinahayaang pumatak ang luha ko. Mahal niya ako pero maiiwan ko siya.
"Sorry kung pinakealaman ko yang diary mo. Hindi ko naman sinasadya na mabuksan yan dahil lang sa pag aayos ko ng gamit natin kanina sa library. At oo nabasa ko lahat, Atalia. Lahat-lahat."
Bigla na lamang siyang umupo sa semento at nakatungong humahagulhol. Naupo na rin ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko pero yun pa lamang ang magagawa ko para sa kaniya.
"Sobrang sakit pala nung maglalaho yung taong mahal na mahal mo na kahit saang sulok ng mundo hindi mo matatagpuan. Hindi pa nga tayo nagsisimula, nasa dulo na agad tayo."
Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak nang umaiyak sa balikat niya habang yakap-yakap siya.
Nasasaktan ako ng sobra.
"Sorry, Zion sorry" lalong bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan habang sinasambit ang salitang patawad.
Tumungin siya sa akin at pinunasan niya ang luha na umaagos sa mata ko saka ngumiti sakin kahit punong-puno ng luha ang pisngi niya. Tinulungan niya akong makatayo kahit parang nanginginig pa ang mga tuhod ko.
"Wala ka namang kasalanan 'e. Walang may kasalanan na nangyari ito. Pasalamat pa nga ako kasi binigay ka niya sa akin kaso pahiram lang pala. Sandali ka lang pala sa tabi ko." Nakatungong saad niya.
Niyakap ko na lang siya nang mahigpit at doon umiyak sa dibdib niya. Bukod sa hindi ko alam ang sasabihin ko ay binalot na ng sakit ang puso't isip ko. Para na akong namamanhid at nalulunod.
Tinugon niya ang yakap ko and he tap my back.
"Huwag ka ng umiyak. Ayaw kong nakikitang malungkot ka. Sige aalis na ako." Saad niya at pinakawalan ako sa pagkakayakap niya.
Lalong sumakit ang nararamdaman ko habang tinitigang papalayo ang lalaking bumuo ng mundo ko dito. Nanatili lang akong nakatao doon bago ko na isipang pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan ang Kuya ko sa pinto na nakatingin sa akin.
Niyakap niya ako nang mahigpit kaya tumulo ulit ang mga luha ko. Napayakap na lamang ako sa kaniya pero agad din niya akong pinakawalan.
"K-kuya, s-sorry."
"Magpahinga ka na muna tsaka ka na magpaliwanag sa akin kapag ayos ka na. Mukhang hirap na hirap ka na." saad niya at lumakad papalayo sa akin.
Habang nasa kwarto ako, wala akong ginawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak hanggang sa makatulog ako sa sakit na nararamdaman ko.
Wala 'e nasa tamang tao na ako, maling panahon nga lang.
Nagising akong pugto ang mga mata at walang gana kaya nahiga na lamang ako at tumitig sa kisame. Hindi na muna ako papasok ngayon. Ayaw kong makita si Zion na nasasaktan kasi lalo lang akong masasaktan.
Hindi ako lumalabas ng kwarto buong maghapon. Dinadalhan lang ako ng mga maid ng pagkain. Yung Kuya ko kasi nasa bahay ng classmate, gagawa daw thesis, yung bunso naman nasa field trip kaya sure akong gagabihin yun tapos yung parents ko out of town para sa business nila.
Namiss ko tuloy bigla sina Mama at Papa. Kapag nagkulong kasi ako ng maghapon noon sa kwarto, kakausapin nila ako kung anong problema at hindi nila ako titigilan hanggang hindi ko na ilalabas lahat ng sakit o problema ko. Solo kasi akong anak kaya ganon.
Habang nagto-toothbrush biglang nag ring yung phone kaya dali-dali ko iyong kinuha baka yung parents ko yun pero nagkamali ako.
Si Zion tumatawag.
Ilang ring ang aking pinalagpas bago ito sagutin. Nangangatog yung tuhod ko.
"Bumaba ka andito ako sa living room niyo." saad ng nasa kabilang linya at inend agad nito ang tawag.
Dali-dali kong inayos ang sarili ko at patakbong pumunta sa living room kahit naka-panjamas pa at walang ligo simula kaninang umaga.
Sheet ano ba kasing ginagawa niya dito?!
Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng hagdan na nakatingin sa akin at may hawak na - shit bouquet ba yun at teddy bear?!
"Masama pa rin ba pakiramdam mo? Sabi sakin ng Kuya mo hindi ka daw papasok kasi masama pakiramdam mo." saad niya nang makababa ako.
Pinaupo ko muna siya sa sofa at kumuha ako ng juice at one slice of cake. Huminga na rin ako sa kusina kasi naman feeling ko nauubusan ako ng hangin tuwing malapit siya sa akin tapos dagdag mo pa yung nangyari sa amin kagabi. Pagkatapos nun bumalik na ako at umupo sa tabi niya.
"Kumain ka muna. Bakit ka nga pala pumunta dito?" nakatungong saad ko.
Nakakahiya shemay maderpakers!
Tiningnan lang naman niya yung pagkain na inilapag ko sa lamesa at tumitig sa akin. Nagulat ako ng biglang dumapo yung kamay niya sa noo at leeg ko.
Amputek yung puso ko tumatalon!
"Sinisigurado ko lang kung ayos ka lang dahil hindi mo sinasagot ang messages ko. Oh para sayo yan." saad niya at inabot sakin yung bouquet, teddy bear, chocolates, at maliit na box? Anong laman nun?
Teka baka singsing tapos papakasalan ako!
Tinanggap ko naman agad yun sabay sabing, "Ah salamat." habang nakangiti.
Kinuha niya yung mallit na box sa akin at inilabas ang laman nun. Necklace na may pendant na dream catcher at iyong singsing na tinitingnan ko noong sinamahan ko siyang bumili ng regalo.. Sinuot niya yun sa akin na nagdulot sa akin ng sobrang pagkakilig.
"Oh ayan hindi ba sabi mo hihintayin mo na may magbigay sa iyo niya kaya huwag mong aalisin yan para maalala mo ako sa oras na iiwan mo na ako."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Baka hanggang chapter 15 lang ito my hearts. Hope you like it. Stay safe : )
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...