Chapter 3

15 1 0
                                    

"Sino ka?! " sigaw ko sa matandang babae na gumigising sa akin.

Bakit ba ito nandito sa kwarto ko?

Luminga-linga ako sa paligid at hala taena- Teka hindi ko kwarto 'to.

Asan ako?! Panget yung kwarto ko pero bakit ang ganda nito ngayon? Pangyaman, teka kinidnap ba ako? Bakit ako pa 'e mahirap lang kami. Waaah Ma, Pa tulongggg!

"Pinapababa ka na po ng Mommy mo. Breakfast is ready na po."

Hanudaw? Mommy 'e pang sosyalan lang yun. Arte netong matandang 'to ah. Napatingin ako kalendaryo at orasan na nasa lamaesa na katabi ng kama.

What the? November 11 2079?! Anong ginagawa ko dito? Anong nangyayari?

Sandali akong natulala bago bumangon na ako at hindi na naghilamos at toothbrush. Always mabango naman ako kahit one month na hindi maligo o magtoothbrush. Lumabas ako sa kwarto na pang mayaman at bumungad sakin ang isang napakalaki at napakagandang bahay.

Teka ito yung dream house ko ah?

Agad naman akong bumaba at nakita ko ang napakalawak na salas. Lintis yamanin talaga. Pagkatingin ko sa aking kaliwa nakita ko ang kusina na may kumakain na mag-asawa at isang lalaki. I think yung age nung mag asawa is 30 or 40 above tapos yung lalaki ay college student na pero in fairness ang hot niya.

"Oh Atalia anak, andyan ka na pala. Let's eat?" Sabi nung babae sakin kaya lumapit ako dahan-dahan kasi naman natatakot ako.

Nung naglalakad ako papalapit sa kanila, napatingin ako sa may hagdanan, may bumaba kasing lalaki ang gwapo.

"Ate, weird mo." Sabi sakin nung lalaki na kabababa lang at dumiretso na sa hapagkainan. So dumiretso na rin ako duon at naupo dun sa katabi nung babae.

My ghaaad ayaw ko na po dito!

"Baby, are you okay?" sabi nung lalaki na asawa nung babae kaya napatingin ako sa paligid ko para hanapin kung sino yung tinatawag niyang baby.

Grabe 'to ha? Baby talaga 'e ang tanda na tapos sa harap pa talaga ng asawa niya.

"Atalia, I'm talking to you." Dugtong pa nito kaya automatic akong napatingin sa kanya. Kaya napatango lang ako sabay smile ng konti.

Shemay Mama Papa kunin nyo na po ako ditooo!

"By the way magbihis na kayo pagkatapos niyong kumain at sumabay na lang kayo sa Kuya nyo."

Tumayo naman agad yung tumawag sakin na Ate kaya kahit hindi pa ako tapos kumain, bumalik ako dun sa kwarto kung saan ako nagising.

Grabe itong panaginip na 'to, sobrang haba na. Gusto ko na gumisinggg! Teka asan ba ang banyo dito?

Binuksan ko lahat ng pwedeng buksan dito sa kwarto at ang una kong nabuksan ay damitan na puro pangbabae, pangalawa is puro libro at isang bangko at lamesa, at ang huli ay ang banyo. Shemay banyo pa lang pwede ng tulugan ng isang pamilya. May bathtub pa tsaka shower. Di ko na pinakealaman yung bathtub at naligo na agad. Pagkalabas ko ng banyo, nakahanda yung uniform ko at sapatos. Grabe ang ganda nung uniform pangmayaman talaga.

Pagkatapos ko mag gayak dumiretso ako sa salas dala yung bag na nakalagay sa kama at naabutan ko dun yung lalaki na Kuya ko daw. Sayang 'to hot pa naman. Umupo ako sa tabi nya at tiningnan yung ID nya at napagtanto ko na med student sya at nasa fourth year na sya. Grabe kahit sa id picture pak na pak.

"Where is your id?" tanong nito sakin na para bang guard lang kaya dali dali kong hinalungkat yung bag ko at nakita ko naman agad yung id ko na sinasabi nya.

"Ah sino pa po ba ang inaantay natin?" tanong ko sa kanya na ngayon ay hawak na yung cellphone niya.

Wow sana all may magandang cellphone.

Naghihintay ako ng sagot niya nung bigla may humigit sakin palabas kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dito.

"Let's go, Ate. Ikaw ang magdrive nung kotse ni Kuya." Excited na sabi nung kapatid ko daw ata na maliit.

Shemay ano daw? E mag bike nga di ko kaya tapos magdrive pa kaya ng kotse. Jusmeyo marimar I can't take this anymore!

"Huh? Bakit a-ako?" namimilog kong matang sabi. Jusko naman kasi di ko kaya yun. Gisiningin nyo na kasi ako mula sa panaginip o ano man akooo.

"Hindi ako makakapayag. Pumasok na kayo sa loob kung ayaw n'yong iwan ko kayong dalawa."

Buti na lang dumating agad yung Kuya daw namin, nakaligtas ako doon. Kung ako magmamaneho niyan hindi pa kami nakakarating sa school, patay agad kami panigurado.

Pumasok naman na sila sa loob kaya sumunod ako at naupo sa passenger seat. Dito na lang ako para kita ko yung dadaanan namin tsaka ayaw ko katabi yung bulilit, sobrang daldal, nasakit tenga ko. Kalalaking tao tapos ganyan kadaldal.

Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa school daw namin. Teka pano ako pupunta sa room 'e hindi ko nga alam yung room ko? Ayaw ko na talaga! Hindi ko na kaya.

Binuksan ko na lamang yung bintana ng kotse at binasa ko yung pangalan nung school, "Luis Palad Integrated High School". Diniretso naman ni Kuya ko daw yung kotse sa loob at nagpark. Bumaba naman ako agad sa kotse at hinintay silang bumaba.

Grabe ang lawak ng school. Itong-ito yung dream school ko 'e. Buti pa sa panaginip ko nagkakatotoo ang mga bagay na pinapangarap kong kayhirap abutin.

"Atalia let's go! Kanina ka pa wala sa sarili mo." nagulantang ako sa sigaw ni Kuya ko daw kaya dali-dali akong sumunod sa kaniya. Hindi ko napansin na nauna na pala yung isa ko pa daw kapatid.

Jusko ano ba naman kasi pangalan nila.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan ko yung hakbang nya.

Grabe sobrang LAKI! Ng hakbang.

Tiningnan ako nito ng masama na agad din naman umiwas sabay sabing "Sa room mo para ayusin ang gulong ginawa mo."

Hala? Gulo daw 'e kararating ko nga lang sa mundong 'to na hindi ko alam kung saan. Pero okay na rin ito kasi malalaman ko kung saan yung room ko.

Tumigil kami sa harap ng isang brown na pinto pero si Kuya ko daw ang unang pumasok kaya sumunod na lang ako sa kanya. Umupo na lang ako bandang likuran sa tabi ng bintana at hindi na pinakealaman pa kung ano man ang pinag uusapan nila.

Natapos naman agad yung klase at lunch time na pero hindi ko alam kung saan ang canteen. So sumunod na lang ako kung saan ako dalhin ng paa ko. Wala nga pala akong pera, teka baka meron dito sa bag. Hinalungkat ko yung bag ko at may nakita akong cellphone at wallet. Grabe ang yaman pala talaga-

"Aray!" sigaw ko at natagpuan ko na lamang sarili ko na nakasalampak sa sahig.

Shemay ang sakit ng pwet ko. Sino ba naman kasi itong bumunggo sakin. Sobrang tanga hindi natabi sa dadaanan ko.

Tumayo ako sabay at inaayos ang sarili ko, "Bakit ba naman kasi hindi ka natingin sa dinadaan mo? Tingnan mo tuloy ang nangyari. Sobrang tang- gwapo mo."

Shemay ang gwapo.

Putspa Atalia! Nakakahiya ka. Kanina galit ka tapos ngayon nakita mo haharot ka. Umayos ka nga self!

Buti na lang at hindi niya na narinig yung huli kong sinabi kasi humina yung boses ko.

"I'm sorry. May hinahanap kasi ako sa bag ko. Hindi kita napansin." paliwanag nung lalaking gwapo na bumangga sakin.

Ehe eyes leng eyen, geste me ese pe.

"Okay lang." saad ko.

"Sorry talaga ah? Sige una ako."

Ngumiti lang ako bilang tugon at umalis nga siya sa harapan ko. Pinanood ko lang siyang maglaho sa paningin ko bago hinalungkat ulit yung bag ko para maghanap ng pera at cellphone. Hindi naman ako nagkamali at meron nga ako sa bag.

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon