"Ate, may crush ako!" masiglang saad ni Kian nang makaupo sa hita ko. Napatawa naman kami ni Zion samantalang si Kuya ay nasamid sa iniinom niya.
"Oh sino naman yan?" natatawang saad ko.
"I don't her name eh but I want to get her, Ate." Nakangusong saad nito na para bang ang laki-laki na niya.
"Ah easy lang yan.Ganito sabihin mo "I fucking want you-""
Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko ng may sumapok sa akin. Tiningnan ko nang masama si Kuya dahil sa ginawa niya.
"Yang bunganga mo, Atalia, ha?"
"Huh? Hot sauce!" pang aasar ko sa kaniya.
Akmang kukurutin niya ako nang niyakap ako ni Zion kaya naman siya ang nakurot niya Kuya sa braso.
"Luh Kuya naman! Okay ka lang ba, Zion?"
"Hindi naman masakit 'e" nakangiting saad niya habang tinitingnan ko yung braso niya.
Sumandal na lamang ako sa balikat ni Zion habang nakayakap sa braso. Walang nagsalita sa aming apat dahil tutok kami sa pinapanood namin. Natapos yung movie at iniwan na rin kaming dalawa dito ni Zion.
Naghahanda ako ng pagkain for dinner para makakain na rin dito si Zion. Gusto ko atikman niya ang luto kong masarap pero mas masarap pa rin ako.
"Ibigay mo sa akin yung mga notebook sa Math, Science, Filipino, AP, at TLE."
Nakakunot noo akong napatingin sa kaniya habang kumukuha ng mga pinggan. Hinihintay ko lang siyang magsalita ulit dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya.
Anong gagawin niya sa notebooks ko 'e meron din naman siya?
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan."
"Oo na pero anong gagawin mo sa notebooks ko? Hindi ka ba binilhan ng nanay mo? Na nanay ko rin?"
Iniripan lang ako niya pero yung ngiti abot tenga. Tinulungan niya akong ayusin ang mga pagkain sa lamesa ng dumating na sina Mommy at Daddy kaya bumaba na rin sina Kuya at Kian.
Naupo si Zion sa tabi ko kaya naman pinaggigitnaan na naman ako ni Kuya at Zion. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang nagsalita si Mommy. Muntikan pa akong mabulunan sa tinanong niya buti na lang naabutan ako agad ni Zion ng tubig.
"Are you okay, baby? I'm just asking if it's true that you and Zion are dating. OMG I already imagine your wedding." Kinikilig na saad ni Mommy.
Hindi ko naman alam ang isasagot kaya tiningnan ko si Zion at mukha namang na gets niya yung gusto kong iparating na siya na ang sumagot sa tanong ni Mommy.
"Nililigawan ko pa lang po siya."
Lahat kami ay napatingin sa sinabi ni Zion. Kahit ako'y nagulat sa sinabi niya kasi ang akala ko ay kami na.
Eww Atalia rupok mo naman kapag kayo agad.
"Really? OMG Atalia, sagutin mo na siya para-"
"Hon! Stop, bata pa sila. Kung ano-ano na naman iyang pumapasok sa isip mo." Singhal ni Daddy na mukhang na iirita sa boses ni Mommy.
"I'm just happy for them! We're just 14 when you became my suitor so what'swrong with that?" singhal ni Mommy na nakanguso.
Natawa na lamang kami ni Zion samantalang si Kian ay tahimik, mukhang walang alam sa nangyayari at si Kuya naman ay mukhang walang pakialam.
Natapos kami magdinner at 8am na kaya nagdesisyon nang umuwi si Zion. Ihahatid na lamang siya ng driver naming dahil wala siyang dalang sasakyan. Hinihintay namin ni Zion ngayon sa labas ng gate yung kotse para makauwi na siya.
"Ano bang gagawin mo diyan sa mga notebooks ko?" tanong ko sa kaniya habang tinuturo yung paper bag na may laman ng mga notebook ko.
"Basta! Don't worry hindi ko naman sisirain eh. Sa baby ko kaya ang gamit na ito." Natatawang saad niya.
Parang tanga nakakakilig!
Inirapan ko siya at hindi na lang ako nangulit hanggang sa dumating na yung kotse. I felt his warm hug before he enter the car. I wave my hand while smiling on him before the car leave. Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko doon si Kuya na nakaupo sa couch.
"Why didn't you tell me that he's your suitor?" mataray na tanong ni Kuya na nakakrus pa talaga ang dalawang kamay sa dibdib.
"Eh hindi ka naman nagtatanong." Nakanguso kong sagot sa kaniya.
"Kaya pala ganon kayo umasta. Minsan talaga nakakasakit ka na, Atalia."
Bigla na lamang siyang naglaho sa paningin ko. Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang sinabi ni Kuya. Mukha siyang nasasaktan na ewan.
Siguro nagalit kasi hindi ako nagsasabi sa kaniya.
Pumunta na lamang ako sa kwarto at naglinis ng katawan. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Gumulong-gulong ako sa kama dahil hindi ako mapakali.Gusto kong humingi ng sorry kay Kuya kasi na guilty ako sa hindi pagsasabi sa kaniya.
Hays ano ba naman yan?!
Tumayo na ako at bumuntong hininga bago lumabas sa kwarto. Kakatok na sana ako sa pinto ng kwarto ni Kuya ng biglang bumukas ito at niluwa si Kuya. Niyakap ko agad siya at sumobsub sa dibdib niya. Nainis naman ako ng alisin niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at pumasok siya loob ng kwarto niya ulit.
Sinundan ko siya sa loob at nakita kong nakadapa na siya doon sa kama niya. Napangisi na lamang ako ng may naisip akong magandang idea. Patakbong akong lumapit sa kaniya at dinagaanan siya.
"Atalia! Ang bigat mo, ano ba?"
Nagpupumiglas siya kaya yumakap ako sa kaniya nang mahigpit para hindi ako malaglag.
"Kuya kasi sorry na. Huwag ka nang magtampo diyan kasi hindi bagay sa iyo."
"Umalis ka dyan, Atalia ha?!"
"Tanggapin mo muna sorry ko!"
"Oo na! Umalis ka na diyan. Hindi ako makahinga!"
Natatawa naman akong bumangon at naupo sa tabi ni Kuya. Tiningnan niya ako nang masama bago nagtalukbong ng kumot niya.
Amp tinanggap daw yung sorry ko 'e mukhang galit pa.
Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit kahit balot na balot siya ng kumot
"Kuya naman 'e! Sabi mo bati na tayo!"
Hindi siya kumibo kaya mas siniksik ko pa yung sarili ko sa kaniya kahit init na init na ako sa posisyon ko.
"Bahala ka dito ako matutulog!" pananakot ko sa kaniya pero wala pa rin siyang sinabi o ginawa kaya naman pumikit na lamang ako para matulog.
Bahala siya diyan ang arte-arte kalalaking tao!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:)
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...