"Hoy Atalia bumangon ka na diyan sa kama ko. Napapasarap ka naman!"
Nagtakip ako ng unan sa mukha para hindi ko marinig iyong boses ni Kuya pero sadyang malakas talaga ang boses ng mokong. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako sa paa na naging dahilan ng pagkabagsak ko sa sahig.
Padabog akong umalis sa kwarto ni Kuya at dumiretso na sa banyo ko para maligo. Nakapikit pa ako habang naliligo buti na lamang ay hindi ako nakatulog doon sa banyo.
"Atalia tara na!"
Patakbo akong pumunta sa kotse ni Kuya habang may nginunguya pa. Si Kuya kasi hindi pa ako tapos kumain ay gusto nang umalis. Wala naman akong nagawa kasi ayaw ko rin naman magbyaheng magisa.
Nakakadalawang subo palang ako 'e. Nagugutom pa tuloy ako amp.
"Kuya galit ka pa ba sa akin?" tanong ko sa kaniya kasi malapit na lamang kami sa school ay hindi man lamang siya nagsasalita.
"Never naman akong nagalit sa iyo." Saad niya na sandali lang akong tiningnan.
Never daw 'e kahapon nga halos kurutin ako.
Hindi na lamang ako nagsalita ulit hanggang sa nakarating kami sa school. Bumaba na ako sa kotse ni Kuya at dirediretsong naglakad pa puntang room. My eyes popping out when I saw someone.
Para namang binayak ang puso ko nang makita kung sino ang papasok pa lamang sa pinto ng room. Malayo pa lamang ay kilalang kilala ko na iyon.
Akala ko ba wala na sayo pero bakit magkasabay kayo at hawak hawak mo pa ang kamay niya, Zion?
Huminga ako nang malalim para pigilan ang pagpatak ng luha ko. I walk with my chin held high like I didn't saw something that broke my heart.
I saw on my peripheral view that Zion is looking at me but I choose to ignore him. Nakakawala ng mood bigyan ng pansin kapag nakita ka ng ganoon. Kaayos pa nga langnamin kahapon umuulit na naman.
Sana naman aware siyang nasasaktan ako.
"Atalia, are you okay?"
"Na saan nga pala yung notebooks ko na hiniram mo kahapon?" tanong ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Nagkunwari akong may katext kahit hindi ko naman alam kung kanino isesend. Naghula na lamang ako ng number at sinend na iyong message kong eme-eme lang.
Nilapag naman niya yung notebooks ko sa table ko kaya binitawan ko na iyong cellphone ko at tinabi na yung mga notebook.
"Sabay tayong mag lunch mamaya ah?"
"Okay." Maikli kong saad.
Napansin kong napabuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kaniya. Kitang-kita sa mukha niya na parang naguguluhan sa nangyayari.
Bahala ka diyan magisip nang magisip hanggang sa mabiliw ka.
Buti na lamang ay dumating na iyong teacher naming kaya hindi na ulit ako kinulit ni Zion. Tahimik lang akong nakatingin sa unahan na parang bang may na iintindihan ako kahit wala naman talagang pumapasok sa isip ko. Pasalamat na lang talaga ako't hindi ako natatawag sa recitation.
"Atalia, let's go? Break time na." aya sa akin ni Zion.
Tiningnan ko siya sandali pero umiling lang ako. Umalis naman na siya sa harapan ko at kitang kita ko na sumunod sa kaniya si Celine. Napailing na lamang ako kasi hindi man lamang siya nagtanong kung anong problema ko o kung galit ba ako sa kaniya. Nakakainis lang kasi hindi niya nagawang tanungin ako.
Manhid mong putek ka!
Kinuha ko na lamang iyong mga notebook ko para tingnan kung anong ginawa doon ni Zion. My jaw dropped when I saw his hand writing on my notebook. Chineck ko pa iyong iba at nakita kong sinulat niya yung mga lesson namin kahapon.
"Taena ka naman eh! Nakakainis ka talaga."
"Huh?"
Napatingin ako sa tabi ko at nakitang ko iyong president namin na nakatingin sa akin.Umiling lamang ako habang nakangiti. Napalakas ata iyong bulong ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano kasi naman 'e nakaka guilty.
Okay lang yan mago-open up na lang ako mamaya tutal sabay kaming magla-lunch.
Bumalik na si Zion na kasabay pa rin si Celine pero hindi ko na sila tiningnan pa hanggang sa makaupo sila. Dumating na rin naman iyong teacher naming kaya nakinig na lamang ako. Nag sulat na lamang ako para kahit papaano ay mawala sa isip ko na magkasama si Zion at Celine.
Ah anong bang nangyayari sa akin? Masyado na akong affected 'e.
"Atalia, papuntang cr lang ako ah? Hintayin mo ako dito, babalikan kita." Saad ni Zion.
Tinanguan ko lamang siya bago siya nawala sa paningin ko. Nag ayos na lamang ako ng sarili bago lumabas para doon na lamang hintayin sa harap ng comfort room si Zion.
Nainip ako kakahintay kaya nag cellphone na lamang ako. 15 minutes na akong nakatayo dito at wala pang dumadaan sa harap kong Zion. Panigurado namang hindi kami magkakasalisi kasi mabilis akong nakasunod sa kaniya. Busy ako sa kakascroollng biglang tumawag si Zion.
"He-"
"Hello, Atalia? Ano kasi 'e sorry hindi tayo magkakasabay ngayon na maglunch. Baka hindi na rin ako makapasok ng afternoon class. Si Celine kasi 'e. Sorry baby ba-"
Pinatay ko na agad iyong tawag at bumalik na lamang sa room. Para akong namamanhid sa selos at galit. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pero ang alam ko ay nasasaktan ako.
Ang babaw ko pero bakit pakiramdam ko ay wala akong halaga sayo, Zion?
Dumating na iyong first teacher naming sa afternoon class pero walang Zion at Celine na sumulpot. Napatulala na lamang ako sa black board habang tumatakbo sa isip ko kung anong ginagawa ni Zion at Celine, at kung bakit sila magkasama.
Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan at kinalma ang sarili. Ang hirap pa lang pigilan ang luha para akong dinudurog unti-unti.
Natapos ang klase at umuwi na agad ako. Hindi ko na hinintay si Kuya dahil alam kong galit pa rin naman siya sa akin kahit sabihin niyang hindi siya galit.
Pagkatapos kong magbihis ay natulog na lamang ako para iwaglit ang nararamdama kong sakit.
Taena, Zion ikaw pa lamang ang nakasakit sa akin ng ganito.
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...