Chapter 6

2 0 0
                                    

"Ikaw."

Namilog ang mata ko dahil sa lumabas sa bibig ko. Myghad mouth hindi na tayo bati. Kita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin s'ya sa akin na nanlalaki ang mata.

"A-ano-"

"I mean ikaw anong gusto mo? Tulad na lang ulit tayo." pambawi ko na kinaayos ng aking paghinga. Muntik na ako doon ah.

Pinaupo na muna n'ya ako sa vacant table for two. Habang nakatayo s'ya doon at umo-order, pasimpleng kinuhaan ko s'ya ng litrato.

Likod pa lang ulam na. Yum

Nakita ko namang papalapit na s'ya kaya tinago ko na yung cellphone ko at agad na ngumiti sa kan'ya.

"Hintayin lang daw natin ng konti." saad niya at tumango lang ako habang nakangiti. Nahihiya ako bigla lintis pero sa kaniya parang normal lang.

"Ubusin mo yan ah." nakangiting saad n'ya habang inilalapag nung server ang mga pagkain. Para naman kaming bibitayin sa sobrang daming inorder n'ya. Mukha ba akong matakaw?

Nagsimula na s'yang kumain kaya kumain na rin ako. Kakahiya naman kasi kung ako pa mauuna eh palibre lang naman ako.

Pati ba naman dito sa mundong ito mukha akong mahirap.

"Thank you ah," saad niya habang nakatingin sa akin na may nginunguyang pagkain.

"Wala yun. Nag enjoy naman pati ako. Thank you rin," saad ko at tumingin sa pagkain ko. Nahihiya kasi akong tumingin sa kaniya.

"Always welcome. Buti na lang nag enjoy ka kasi naman nakakahiya sayo kasi inabala kita tapos feeling close ko pa." saad niya pero di ko narinig yung huli niyang sinabi kasi biglang humina boses niya.

Tumango lang ako at tinapos ang pagkain. Binalot kami sandali ng katamihikan at di na rin ako nagsalita pero agad din nabasag ng bigla siyang nagsalita.

"Atalia, may boyfriend ka ba?"

Naibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi ni Zion. Huminga ako ng malalim at hindi pinahalata na kinakabahan ako.

Myghad what is the meaning of that?

Don't tell me liligawan niya ako?! Char

"O-okay ka lang? Sorry, nabigla ba kita? I mean nagtatanong lang naman ako eh." paliwanag n'ya habang inaabot sakin ang tissue na kinuha ko naman agad.

"Okay lang. Wala akong boyfriend! Malabo yata magkaroon ako ng ganon kasi ang katulad ko ay hindi kagusto-gusto at walang maipagmamalaki." saad ko na hindi tumitingin sa kanya.

Kahit naman crush ko si Zion, hindi ako ganon ka-assuming na may crush rin s'ya sa akin. Slight lang na assuming kumbaga. Tsaka totoo lang na hindi ako kagusto- gusto.

"Nagtatanong lang naman eh." depensa n'ya sa akin.

"Kung meron man dadating ay hindi ko siya papatulan kasi lahat ng tao umaalis, nang iiwan. Sa sitwasyon ko kasing ito alam kong anytime mawawala ako ng parang bula." paliwanag ko sa kanya ng maalala ko na hindi nga pala talaga ako taga rito.

Tumahimik naman siya at napansin kong mula sa bintana na madilim na kaya niyaya ko na s'yang umuwi na sinunod naman n'ya. Bigla kasi akong nakaramdam ng lungkot na hindi malaman kung saan nagmula.

Habang nasa naghihintay ng masasakyan walang nagsasalita sa amin hanggang sa binasag na n'ya ang katahimikan.

"Sorry sa tanong ko kanina. Nawala ka yata sa mood dahil dun. Na curious lang naman ako eh."

Tumingin ako sa mata n'ya na puno ng guilt.

"Wala yun. Sumama lang talaga pakiramdam ko. Bawi ako next time, promise." saad ko na agad ring nagpaalam ng may dumating na jeep.

Habang nasa byahe tulala lang ako sa kawalan habang iniisip kung kailan ba ako makakabalik sa panahon ko. Miss na miss ko na sina Mama at Papa baka nag aalala na sila sa akin. Bakit ba kasing ginagawa ko dito at bakit ako nandito?

Nakarating ako sa bahay na tulala pa rin at wala sa sarili. Na abutan kong tulog na silang lahat pero yung Kuya ko ay nasa sala, nag babasa ng libro. Siguro habang nandito ako tatanggapin ko muna kung ano ang meron ako.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong n'ya sakin.

Umupo ako sa tabi n'ya at tiningnan s'yang nag aalis ng salamin. Ang swerte nila kasi may ganito silang pamilya. Mayaman pero hindi napapabayaan ang pagsasama-sama.

"Wala kasi akong masakyan eh. Tsaka napasarap yung kwentuhan namin ni Zion." paliwanag ko na hindi tumintingin sa kanya.

"Sa susunod kasi tumawag ka para nasusundo kita. "

Hindi na ako nagsalita at sandali kaming binalot ng katahimikan.

"Kuya Kenzo, mahalaga ba ako sa inyo?" tanong ko ng biglang pumasok sa isip ko sina Mama at Papa.

Kamusta na kaya sila?

Humarap s'ya sakin at tiningnan ako sa mata na para bang naguguluhan sa tanong ko.Hindi naman siya agad nakasagot at na natiling nakatingin sa mga mata ko.

"Huh? O-oo naman kahit sobrang tigas ng ulo mo. Bakit ka ba ganiyan makatanong? May problema ba?"

Tumungo lang ako para maiwasan ang mga tingin niya.Pakiramdam ko naiiyak ako kasi nag aalala ako kina Mama at Papa.Gustong gusto ko na silang makita. Imbis na sagutin ang tanong n'ya, nagtanong na lang ulit ako sa kan'ya.

"What if mawala na lang ako bigla tapos hindi na pala ako maka-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla n'ya akong yakapin. Naguguluhan akong napatingala sa kanya. Pinag katitigan ko s'ya at parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko na iyon inisip kasi parang nalunod ako sa yakap niya.

"Kung mawala ka man hahanapin ka namin. Mababaliw kaming lahat pag nawala. Ikaw ang natatangi naming prinsesa kaya hindi kami papayag na mawala. Mawawala ka pero mahahanap kita, tandaan mo yan." saad nito at pinakawalan ako sa pagkakayakap sa niya.

I felt that my heart is melting. Gusto-gusto ko ng ganitong pakiramdam na may kapatid na tinuturing akong prinsesa pero sa panahon ko sina Mama at Papa lang ang tumatrato sa akin ng ganon.

"Mabuting pang matulog ka na at may pasok ka pa bukas. Kapag late ka, iiwan talaga kita." saad n'ya habang tinutulak ako papuntang hagdanan.

I chuckled and run going to my room. Nang maisara ko ang pinto ng aking kwarto, sumandal ako rito at pinagkatitigan ang buong kwarto.

Ang tagal kong pinangarap yung ganito tapos sa isang pagkakamali ko lang nagkameron ako ng lahat ng gusto ko. Cellphone, magandang bahay at kwarto, kaibigan, at mayamang pamilya pero parang parusa na rin sa akin ito kasi alam kong masasanay akong ganito at darating naman ang panahon na mawawala ang lahat ng ito at babalik ako sa panahon kung saan namulat ang aking mata.

Huminga muna akong malalim bago pumunta sa banyo paa mag half bath at mag bihis. Nahiga ako sa kama ng matapos kong magbihis at tumulala lang sa kisame. Iniisip ko yung mga sinabi ni Zion tsaka ni Kuya Kenzo. Pakiramdam ko kasi may iba eh. Hindi ko lang masabi kung ano yuon dahil kahit ako naguguluhan. Bigla namang tumunog yung cellphone ko at may nag text sa aking unknown number.

Sino naman kaya ito? Gabing gabi na eh.

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon