Chapter 13

0 0 0
                                    

"Atalia, okay ka lang?" Tanong ni Zion na nasa katabi ko ngayon. Napatingin naman ako sa kanya sabay iling

"Nahihilo lang ako. Siguro dahil kulang lang ako sa tulog." Ngumiti naman siya sabay tapik sa balikat niya.

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko at napatitig na lamang ako sa mga mata niya dahil hindi ko na alam ang isasagot. Para namang biglang bumagal ang pagikot ng mundo ko nang bigla niyang ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

Shemay what's happening to me? Ganito na ba talaga epekto niya sa akin?

"Take a nap para mamaya ay maganda na ang pakiramdam mo pamamasyal." Saad nito pero na natili akong nakatulala sa kawalan.

Pinilit ko na lamang ipikit ang mga mata ko. Isinantabi ko muna ang epekto sa akin ni Zion dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kaya ang hilong nararamdaman ko.

Hindi pa ako handang masaktan ng lubusan?

"Atalia, Zion gising na andito na tayo." Gising sa amin ni Mommy habang tinatapik ang balikat ko.

Napabalikwas naman ako nang mapansin ko ang posisyon namin ni Zion. Kasi naman nakayakap ako sa braso ni Zion tapos yung isa kong kamay ay hawak niya habang nakapatong pa rin yung ulo ko sa kaniya tapos yung ulo niya nakapatong din sa ulo ko.

Ano ba yan putek?! Shemay bakit ganon? Omaygaaad!

Dali-dali akong bumaba ng kotse at sinundan yung dalawa kong kapatid na naglalakad. Naabutan ko naman sila dahil mabagal lang yung lakad nila kasi may dala si Kuya na basket na may nakalagay na mga pagkain at hinihintay naman niya yung bunso namin na maliit lang ang hakbang. Napansin naman ako ni Kuya na tumabi sa kaniya at tumingin sa akin ng masama.

Abugh inaano ko na naman ito?

"May gusto ka ba sa Zion na yun?" tanong niya habang diretso pa ring naglalakad. Nagulat naman ako sa tanong niya at tiningnan ang mga mata niya. Ewan ko na papraning na ata ako kasi nakikita ko na parang nasasaktan siya.

"Hindi ko alam, Kuya pero tuwing malapit siya sa akin kinakabahan ako at bumibilis ang tibok ng aking puso." Pagaamin ko sa nararamdaman ko habang nakatingin sa paligid ko na sobrang dami ng tao.

Kita ko naman peripheral view ko na tumingin siya sa akin at bumilis ng paglalakad. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lamang kasabay si Kian. Bigla na lamang akong nasaktan ng hindi ko malamang dahilan.

Ang weird ko ngayon eh lintis.

Nasa isang bench na lang kami na upo dahil puno na yung ibang cottage ata tawag doon. Pinaggigitnaan naman ako ni Kuya at ni Zion habang nasa tapat namin sina Kian at parents ko.

"Dito na lang tayo tutal wala tayong pupwestuhan doon." saad ni Mommy at inabot naman sa akin ni Daddy ang snacks na dala namin. Nagpaalam naman ako sa kanila na pupunta lang ako sa comfort room at sumunod naman sa akin si Zion.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa hanging bridge.

"Oo naman. Picture-an mo nga ako!" sabi ko kaniya sabay abot sa kaniya ng cellphone ko.

Nakailang take kami ng picture hanggang sa naumay ako at nagdiretso na kami sa cr. Hinintay lang niya ako sa labas at naglakad na pabalik kina Mommy. Natutuwa akong pagmasdan ang mga bata na masayang naglalaro.

"Atalia!"

Napalingon naman ako sa kaniya na medyo malayo sa aking likuran. Mukha tuloy siyang batang iniwan ng kasama. Pinagkrus ko lang ang braso ko at hinintay siyang magsalita ulit. Mukha na ata akong matary dahil nakataas pa ang right eyebrow ko.

"I love you!"

Napatulala lang ako sa kaniya bago tumingin sa paligid namin. Ang iba ay nakatingin sa amin na parang kinikilig pa. Dahil sa kahihiyan patakbo akong lumapit kay Zion at hinila na siya pabalik kina Mommy.

"Kung ano-ano pumapasok diyan sa kokote mong lalaki ka." Singhal ko sa kaniya habang hila-hila siya.

Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. Nasa gitna kami ng hanging bridge at walang ibang dumadaan kaya hindi kami nakakaabala.

Para naman akong naging tuod nang hawakan niya ang mukha ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Nakadikit na ang noo niya sa noo ko at nararamdaman ko na rin ang paghinga niya kaya konting lapit pa ay mahahalikan na niya ako.

"Gusto ko alam ipaalam sa lahat na ikaw ang mahal ko at tanging mamahalin sa panahong ito hanggang sa mamatay ako."

Napangiti na lamang ako dahil sa kilig pero kinurot ko yung utong niya at iniwan na siya doon magisa. Narinig ko ang pagaray niya pero hindi ko pinansin. Dirediretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kina Mommy.

Bahala siya diyan basta kinikilig ako lintis.

"Oh asan si Zion?" tanong ni Mommy pero hindi ko pinansin.

Nakasunod naman agad si Zion na tatawa tawang umupo sa tabi ko. Inirapan ko lang siya at kumain na lamang ng junk foods. Bahal siya diyang magmukhang baliw.

Nagaya naman si Kian na maguli kaya iyon ang ginawa naming kesa naman umupo lang kami doon. Puro kami tawanan at picture kung saan-saan.

Sana ganito rin kami nina Mama at Papa.

"Daddy, gusto kong sumakay doon sa horse." Kian said while pointing the horse.

Ayaw naman pumayag ni Daddy pero pinilit ni Mommy. May kasama naman siya kaya safe. Pinanood lamang namin nina Mommy si Kian na tuwang tuwang nakasakay doon sa kabayo. Pinapalo pa niya na para bang maalam talaga siyang sumakay sa kabayo.

"Galit pa ba ang baby ko?"

Tiningnan ko naman nang masama si Zion dahil sa binulong niya sa akin. Pinagsingkitan ko siya ng mata pero nanatili siyang nakangiti na para bang trip na trip akong asarin.

"Eh kung kurutin ko ulit kaya yang utong mo?"

"Joke lang! Hindi na mabiro eh." Saad niya at ginulo ang aking buhok.

Napangiti naman ako dahil doon pero napansin ko si Kuya na nakatingin sa amin pero agad ding umiwas nang mapansing nakatingin ako sa kaniya.

Okay lang kaya si Kuya?

4pm na kaya napagdesisyonan namin na mamili na ng souvenir para makauwi na. Magkakasama kaming tumitingin sa isang store ng pang souvenir ng biglang umihip ang malakas na hangin. Awtomatiko akong napatingin sa likuran ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

I saw myself lying on bed while crying with the old woman who brought me here.

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon