"Atalia, bakit?" pangaagaw pansin sa akin ni Zion.
Napalingon naman ako sa kaniya at pumikit nang mariin. Napahawak na lamang ako sa sentido ko dahil nakaramdam ako ng hilo. Naramdaman ko na may humawak sa magkabilang braso ko and I found out that's my Kuya and Zion.
"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Kuya.
Umiling na lamang ako at tumuwid nang tayo. Naningin na lamang ulit ako ng mga keychain pero ang nakita ko kanina ay hindi mawala sa isip ko.
Anong ibig sabihin ng pangitain na iyon?
Natapos kami nang pamimili at an gang nabili ko ay tigdalawang keychain, shirt, at bracelet. Tigdalawa ang binili ko kasi para kay Zion yung isa. Ibibigay ko sa kaniya ang mga iyon sa Christmas. Next week naman na iyon kaya baka may maidagdag pa ako.
Habang nasa byahe pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko kaya natulog na lang ako. Nagising na lamang ako nang tapikin ako ni Zion. Nasa tapat na pala kami ng bahay niya.
"Kita na lang tayo bukas sa school? Hanggang Wednesday pa naman ang klase, ano?"tanong ni Zion sa akin na tinanguan ko naman habang nakangiti.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit tinatamad akong magsalita. Mukha naman siyang nagtaka sa inasta ko kaya niyakap ko siya nang mahigpit.
"I love you!" bulong ko sa pagitan ng yakap ko sa kaniya.
Nakita ko naman na ang gulat sa mukha niya ng pakawalan ko siya sa pagkakayakap. Tinawanan ko lamang siya at mukhang hindi pa rin natatauhan ang mokong. Buti na lang nagsalita si Mommy na aalis na kami kaya natauhan ang gagi. Kumaway muna ako sa kaniya bago ko sarhan ang pinto at sinimulan nang paandarin ang van namin.
Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto dahil pakiramdam ko ay sobra akong napagod. Naligo muna ako at nagbihis bago itabi yung mga gamit ko. Pagkatapos nang pagliligpit ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sofa dahil doon ako namahinga ng kaonti.
Nagising ako ng 6:30am na masakit ang likod dahil nga nakatulog ako sa sofa. Naligo at naggayak ako ng mabilis dahil baka mapagalitan ako ni Kuya.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako sa kusina pero si Kian at yung mga maid lang ang andoon. Nang naupo ako sa tabi niya ay nagulat ako kasi niyakap niya ako nang mahigpit. Naguguluhan man niyakap ko na rin siya.
"Bakit Kian? May problema ba?" tanong ko sa kaniya nang bitawan niya ako. Hinawakan ko ang mukha niya at kitang kita ko sa mga mata niya ang takot at kalungkutan.
"Ate kasi kagabi I was about to take a water when I heard a murmured on Kuya's room. Tiningnan ko lang naman po kung anong nangyayari kay Kuya eh. Then I saw Kuya sleeping but he was crying then sinasabi niya na iiwan niyo kami nina Mommy at Daddy. Totoo ba iyon Ate or it's just a dream?" naluluhang saad ni Kian.
Wala akong masabi kahit isang salita dahil pakiramdam ko ay dinudurog ako. Niyakap ko na lamang siya nang mahigpit at pinigilan ang sarili ko na maiyak.
"P-panaginip lang i-iyon ni Kuya, o-okay? W-walang a-aalis." Paliwanag ko sa kaniya kahit nahihirapan akong bitawan ang mga iyon.
Bakit ba kasi pahiram lang ang lahat ng ito? Pero anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?
"Ah iha ihahatid na lang kayo ni Kian ng driver niyo kasi hindi makakapasok ang Kuya Kenzo tapos ang mommy at daddy niyo ay may inaasikaso."
Napalingon naman ako sa katulong na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.
"Bakit po hindi papasok si Kuya?"
"Nilalagnat eh." Saad ng maid.
Tinanguan ko na lamang siya at tinulungan na kumain si Kian. Natapos kaming kumain kaya pinauna ko na muna si Kian sa kotse. Titingnan ko muna si Kuya bago ako pumuntang school.
Patakbo akong pumunta sa kwarto ni Kuya at kumatok na muna pero walang tumutugon kaya pumasok na lamang ako. Nakita ko si Kuya na balot na balot sa kumot kaya pinatay ko yung aircon niya sa kwarto.
"Kuya are you okay?" tanong ko habang tinatapik siya.
Minulat naman niya ang mata niya at tinanguan ako. Tinitigan ko ang mga mata niya at parang sobrang familiar ng mga matang iyon sa akin.
"May pasok ka diba?"
Napakurap naman ako nang marinig na magsalita si Kuya. Tinanguan ko siya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama niya.
"Tiningnan lang kita pero aalis na rin ako. Sinabihan ko na yung maid na pakainin ka. Sige Kuya alis na ako."
Hindi naman na siya nagsalita kaya iniwan ko na siya doon at pinuntahan si Kian na naghihintay sa kotse. Pinaandar naman na ng driver yung kotse para ihatid na kami. Buti na lang at hindi traffic papunta sa school ni Kian kaya nakarating din ako kaagad sa school.
Halos takbuhin ko na ang classroom ko para lang hindi malate pero sa kamalas malasan ay may nakabunggo ako. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa sahig pero tumayo ako agad na inayos ang sarili. Bubulyawan ko na sana yung nakabunggo sa akin ng bigla siyang nagsalita.
"I'm sorry hindi ko sinasadya. Nagmamadali rin kasi ako." Paliwanag ng babae na tinanguan ko lang.
Mukha siyang taga ibang bansa kasi parang hindi sanay magtagalog. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Tiningnan ko ang kamay niya pero inalis niya iyon
"Ah sorry ano kasi transferee kasi ako tapos hinahanap ko yung Grade 10 section A. Alam mo ba yun?" nahihiyang tanong niya.
So magiging kaklase ko pa talaga siya?
"That's my section. Sumunod ka na lang sa akin." Saad ko at nauna na nang maglakad.
Dinig na dinig ko naman ang tunog ng heels ng sapatos niya pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin.
"Ah this is the room?"nagtatakang tanong ng babae na nasa llikuran ko.
Tinanguan ko na lamang siya at naupo na sa katabi ni Zion pero ang mata niya ay nasa likuran ko.
"OMG Zion?!" sigaw mula sa likuran ko at bigla na lamang akong hinawi para makadaan siya.
Niyakap niya si Zion at mukhang gulat na gulat pa rin ang mokong. Buti na lang talaga wala kaming teacher sa first subject kaya naisipan ko na pumuntang canteen dahil mukhang wala akong makakausap. Sayang ang effort ko makarating lang ng maaga 'e.
Mag enjoy ka diyan haliparot ka.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I decided na pahabain pa ang pagsasama nina Atalia at Zion so yun enjoy reading. Hope you like it. Keep safe my hearts!
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...