"Atalia, anak."
Dinig kong boses na tumatawag sa akin mula sa isang babae. Hindi ko maimulat ang aking mga mata at tanging paggalaw lamang ng aking mga daliri ang aking nagawa.
Narinig kong may tinawag iyong babae ngunit hindi ko naintindihan. Ilang sandal ay may narinig akong yapak ng mga paa na papalapit sa akin. Naramdaman kong may humawak sa akin kaya sinubukan kong imulat ang aking mga mata.
Nilibot ko ang aking paningin at natagpuan ko ang aking sarili sa isang room na puro puti. May narinig akong hagulhol ng isang babae mula sa aking bandang kanan kaya napatingin ako doon.
"M-mama?" nanghihinang saad ko bago ako nawalan ng malay.
"Atalia, nakabalik ka na sa panahon mo. Nawa ay nalaman mo na ang kahalagahan ng mga bagay-bagay sa buhay mo."
"Baby, I love you so much!"
"Zion!"
"Anak? Atalia!"
Nakita ko si Mama na natatarantang niyakap ako habang si Papa ay patakbong lumabas sa pinto. Habol hininga akong napaupo habang pumapatak ang aking luha.
Nakabalik na nga ako.
May mga kasamang pumasok si Papa na mga nurse at isang doctor. May mga sinasabi silapero wala akong naintindihan. Patuloy lang ako sa pagiyak habang si Mama ay pinapakalma ako.
Ilang sandali pa ay umalis na iyong doctor at mga nurse. Pinahiga ako ni Mama habang hawak-hawak ang aking kamay.
Zion, sorry iniwan kita.
"Anak, anong nararamdaman mo?" Nagaalalang tanong ni Papa.
"Ma, Pa, anong nangyari sa akin?" lumuluhang tanong ko sa kanila imbis na sagutin ang tanong ni Papa.
"Kasi noong umaga ginigising ka naming pero hindi ka gumigising. Humihinga ka naman pero hindi ka nagigising kahit anong gawin naming. Nataranta kami ng Mama mo kaya sinugod ka na namin dito sa hospital. Halos isang buwan ka rin natutulog, anak."
Natulala na lamang ako sa kisame habang tumutulo ang aking mga luha. Narinig kong bumukas ang pinto at laking gulat ko kung sino ang pumasok.
"E-emman?"
Nakasakay ito sa wheelchair na tinutulak ng Mama niya. Ngumiti siya sa akin nang makalapit siya sa akin.
"Pwede ka bang makausap na tayong dalawa lang?" tanong sa akin ni Emman.
Narinig naman iyon nina Papa at Mama ni Emman kaya iniwan nila na kaming dalawa.
"Emman, una ka bang n-nawala doon?"
Umiling lang siya bago tumungo na para bang iniiwasan ang tingin ko.
Ibig sabihin ako ang naunang umalis.
"Bakit ka pala andito sa hospital?"
Pagiiba ko ng topic dahil baka umiyak na naman ako pagnarinig ang panahong iyon. Tumingin siya sa akin bago nagbigay ng isang malungkot na ngiti.
"Magkatulad lamang tayo ng pangyayari, Atalia."
Bigla naman pumasok sa isip ko na bakit mas matanda siya sa akin sa panahong iyon kung magkasing edad lamang kami sa panahon dito.
"Eh bakit mas matanda ka sa akin doon?" naguguluhang tanong ko sa kaniya
"Dahil pangarap kong makapagaral ng medisina kasama ang babaeng minamahal ko."
"Kapatid ni Z-Zion?"
"Gaga hindi! Para kang hotdogs." singhal niya kaya napanguso na lamang ako at hinintay siyang magsalita muli.
"Sa kasamaang palad naging kapatid ko siya sa panahon na iyon. Panahon kung saan ang minahal niya ay ang nagngangalang Zion."
Halos lumawa ang mata ko sa mga sinabi ni Emman. Hindi ako makapagsalita at nakatingin lamang ako sa kaniya.
Ako ang babaeng pinapangarap niya?
"Oo, ikaw ang babaeng mahal ko pero iba ang nasa puso mo na kailanman ay hindi magiging ako."
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...