Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa sinabi ni Kuya. Matapos niya kasing sabihin na siya si Emman ay halos walang nakapagsalita sa amin kaya umalis siya sa kwarto ko. Naiwan akong nakatulala doon at hindi malaman kung ang magiging aksyon.
Siya si Emman, ang kaklase ko sa reyalidad ngunit bakit siya naririto?
Hapon na at dadating ang pamilya ni Zion sa bahay dahil inimbita sila ni Mommy. Magkakaroon daw kasi ng maliit na salo-salo para sa kaarawan ko. Hindi ko naman alam kung malulungkot ako o matutuwa dahil kaawaran ko ngunit maiiwan ko sila.
Habang naliligo ay napaisip ako kung tama ba iyong sinabi ni Kuya na hanggang ngayon na lang kami dito. Tinitigan ko lang ang sarili sa salamin habang may mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Sandali ko muna iyong winaglit sa isipan ko at tinapos ang paliligo.
Ibig sabihin hindi na ako makakabot ng pasko dito.
Habang nakaharap sa salamin at nagaayos ng buhok ay nakaramdam ako ng hilo. Parang umiikot ang mundo ko sa sobrang hilo na katulad na katulad ng nararamdaman ko noong nawalan ako ng malay sa school. Napaupo na lamang ako sahig habang hawak-hawak ang aking ulo.
"Atalia." Rinig kong tawag sa akin ng boses ng babae mula sa akin likuran.
Napatingin ako sa bandang likuran ko at natagpuan doon iyong matandang babae na naging dahilan kung bakit ako naririto.
"Huling sandali mo na dito. Konting oras na lamang, Atalia makakabalik ka na." saad nito bago naglaho sa aking paningin.
Kusang tumulo ang mga luha ko at napahawak na lamang ako sa aking puso dahil sa sakit na nararamdaman.
Hindi ko pa kaya.
Narinig kong may pumasok sa kwarto ko ngunit patuloy pa rin ang pagluha ko. Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa akin.
"Atalia, bakit?" nagaalalang tanong ni Emman.
"E-emman, hindi pa a-ako handang i-iwan sila."
Humigpit ang yakap niya sa akin at sinubsob ko na lamang ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi siya nagsalita at hinayaan na lamang ako na umiyak sa dibdib niya habang siya naman ay tinatapik ang aking likod.
Oo gusto ko na makabalik sa panahon ko para makasama sina Mama pero ayaw kong may maiiwan ako dito na naging pamilya ko. Ayaw ko pang umalis sa panahon nagturo sa akin kung paano makuntento sa kung anong meron ako.
Halos kalahating oras ang tinagal bago ako tumahan sa pagiyak. Nang umalis si Emman sa kwarto ko ay kinuha ko ang diary ko para isulat lahat-lahat tungkol sa akin. Gusto kong malaman nila kung ano at sino ako kapag nawala na ako.
Matapos ang ilang minute na pagsusulat ay iniwan ko na iyong diary sa kama ko para madali nila makita. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas dahil nasa kusina na raw lahat. Halatang umiyak ako pero hindi ko na itinago iyon. Magpapalusot na lamang ako at sigurado naman na tutulungan ako ni Kuya.
"Atalia, my princess! Happy birthday anak!" masayang bati sa akin ni Mama bago ako yakapin.
Ganoon rin ang sinabi ng iba ngunit si Zion lamang ang nanatili sa kaniyang upuan na katabi ko. Pagkatapos ng yakapan ay naupo na ako sa gitna ni Emman at Zion.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Zion nang makaupo ako.
"Baby, h-happy birthday." Nakangiting saad nito ngunit malungkot ang tinig niya.
"Usap tayo pagkatapos kumain." Dagdag pa nito.
Nagsimula na kaming kumain at puro tawanan ang maririnig sa kusina.Hindi naman ako gaano makapagsalita kasi nalulungkot. Hindi ko nga naalala na birthday ko pala kung hindi lang sinabi sa akin ni Kuya o Emman.
Natapos kaming kumain kaya napagdesisyon kong magusap na lamang kami ni Zion ay sa garden kasi nasa living room sina Mommy. Tahimik lang kaming nakaupo sa isng bench habang nakatingin sa buwan at mga bituin.
"Sa pagalis mo titingnan ko na lamang ang buwan dahil sinisimbilo nito ang ating pagtatagpo kung saan parehas tayong nasa panaginip mong nagmamahalan ngunit hindi tinadhana."
Awtomatiko akong napayakap sa kaniya nang bumuhos ang aking luha dahil sa sinabi niya. Ang bigat-bigat sa dibdib ng mga salitang binitawan niya.
Naramdaman kong humihikbi na rin siya kaya humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nasa tamang tao na ako 'e maling panahon nga lang.
"Always wear that necklace and ring that I gave you so you can still feel that I am always at your side, loving you." He said while staring on ring that I am wearing.
"Zion, ito ang huli sandali-"
"Alam ko na, Atalia. Narinig ko kayo ng Kuya mo na kung saan ay kakilala mo pala siya sa panahon mo." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinakpan na lamang ang aking mukha gamit ang aking palad. Ayaw kong makita niyang ang itsura kong umiiyak ako at ayaw kong makita siyang lumuluha dahil sa sakit na kagagawan ko.
Naramdaman kong tumayo siya kaya napatingala ako sa kaniya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap. Pagkatayo ko ay niyakap niya akong sandal. Napatitig ako sa mga mata niyang lumuluha nang hawakan niya ang mukha ko.
"Pagkatandaan mo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko kahit mawala ka sa tabi ko. I love you, my Atalia."
Napangiti ako sa gitna ng aking pagluha dahil sa sakit na aking nararamdaman. Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko ngunit sadyang bumubuhos ito kasabay nang pagkawasak ng puso ko
Mahal ko, patawad.
"Pangako kong ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pagbabalik ko sa panahon ko. Mahal na mahal kita, Zion."
Lumapit ang mukha niya sa mukha ko at ramdam na ramdam ko na ang hininga niya. In just a second I felt his lips pressed against mine. Hindi agad ako nakagawa ng ano mang kilos ngunit sa pagtugon ko sa halik niya ay ang paglamig ng paligid at pagkamanhid ng aking buong katawan.
I'll keep you on my heart, my Zion. Goodbye, baby.
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...