Nakatulala lang ako sa kaniya na hindi man lang niya ako napapansin kasi pinapagalitan siya ng Tatay niya. Ayan nakaugalian kasing late lagi pati sa celebration ng Ate late din.
Naupo naman siya sa harap ko at saka lang ako napansin nang tumikhim ako.
"Atalia?" gulat na tanong sa akin na naging dahilan nang pagtingin sa aming dalawa ng pamilya namin.
"B-bakit ka andito?" dagdag pa niya pero na natili lang akong tahimik dahil sa gulat.
"Parang dati lang noong seven years old kayo ay magkalaro kayo tapos ngayon ang lalaki niyo na. Ay wait Zion saan ka nga pala nagaaral ngayon?" saad ni Mommy na para bang may ibig sabihin siya sa mga salitang binibitawan niya.
"Ah sa LP po. Actually classmate ko po si Atalia." Nakangiting saad ni Zion at kumuha nan g pagkain niya.
"Oh really? That's good para mapabantayan ko siya sayo. Kasi naman yang batang yan kung sino-sino ang nakakasama. Kahapon umalis yan, classmate niya raw ang kasama niya." Dirediretsong saad ni Mommy pero nakangiti pa rin.
Kung alam mo lang Mommy na siya ang kasama ko baka matuwa ka pa.
"Ah a-ako po yung kasama n-niya kahapon n-nag mall lang naman p-po kami."
Nabitawan ni Mommy at Tita Katyhrine yung hawak niya kutsara habang si Kuya naman ay nasamid pati sina Daddy at Tito ay tumigil sa paguusap. Halatang gulat sa sinabi ni Zion. Para ngang si ate Zyrille, ate ni Zion ang hindi nagulat kasi nakangiti pa.
"You- what?" gulat na tanong ni Tita Kathyrine kay Zion na pasulyap sulyap sa akin.
"Nagpatulong po kasi ako sa kaniya sa pagbili ng regalo para kay Ate. Wala naman po akong ibang mahihingian ng tulong bukod sa kaniya kasi siya lang ang ka close ko dito. My friends are not here Ma and besides puro lalaki kaibigan ko." Mahaba habang paliwanagan ni Zion na sinangayunan ko.
Buti na nga lang talaga nawala na sa amin ang topic kaya nakahinga ako ng maluwag. Kumakain lang ako nang tahimik ng biglang bumulong sa akin si Kuya.
"Harot mo." Natatawang bulong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Inirapan naman niya ako kaya tahimik lang ako ulit dito sa upuan. Napagdesisyunan naman nina Daddy na sa living room na lang sila magusap kaya kami ni Kuya, Ate Zyrille, ay Zion ay nagpunta sa pool area. May dalang wine si Ate Zyrille pero ayaw ko uminom kahit wine lang yun.
"Sure kayo ayaw niyo uminom, Zion, Atalia?" tanong ni Ate Zyrille na inilingan lang naming ni Zion.
Lumapit kami ni Zion sa pool at tinubog ang aming paa doon samantalang sina Kuya at Ate Zyrille ay naiwan doon sa mini table na at umiinom nung wine. Hindi naman sila nag uusap parang mga sira lang.
"Wala man lang akong alam na malapit pala family ko sa family mo tapos magkalaro pa pala tayo noon." Natatawang saad ni Zion nanakatingin lang tubig ng pool.
"Don't worry ako rin naman." Natatawa kong tugon sa kaniya.
Tumahimik na lang kami habang akonaman ay nilalaro yung tubig. Ang awkward na wala man lang kaming pinaguusapan. Wala kasi akong maitopic tapos siya naman parang walang pake , hindi man lang mag open ng topic.
"Nga pala natapos mo na ba yung assignment natin?" tanong ko nang mabawasan man lang ang katahimikan sa pagitan naming.
Ang mema ko ata.
"Ah yup, ikaw ba?" tanong niya pero nakatingin na sa akin. Nahiya naman ako kaya tumango na lamang ako.
Ang arte mo Atalia,sobra.
"Atalia, Kenzo let's go. Tomorrow is Monday, you have classes." Tawag ni Daddy kaya naman awtomatiko kaming napatayong apat.
Umuna na sa paglalakad si Kuya kaya naman sumunod na ako. Hinatid kami hanggang sa grahe nung pamilya ni Zion at doon na nagpaalam.
"Thank you po sa pagpunta."nakangiting paalam ni ate Zyrille matapos yakapin ni Mommy at Daddy.
"Thank you din, Iha. Kathyrine thank you. Bye!" saad ni Mommy at pumasok na sa kotse na sinundan naman ni Daddy, Kuya, at Kian.
"Thank you po ulit." Saad ko na nakangiti sa kanila bago pumasok sa kotse.
"Take care!" huling sabi ni Tita Kathyrine bago paandarin ng driver namin yung kotse.
Sumulyap ako kay Zion na nakatingin nang diretso sa mga mata ko kahit nakasara naman yung bintana. Biglana lamang binalot ng sakit yung puso habang tinitigan siyang papalayo sa akin. Tumungo na lamang ako at hinawakan ang puso ko kasi pakiramdam ko may pumipigil sa pagtibok nito.
Bakit ako nasasaktan?
Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto para maghalf bath. Pakiramdam ko sobra akong napagod sa araw na ito kaya kailangan ko ng pahinga. Matapos kong maghalf bath at magbihis, dumiretso ako sa kama para matulog na pero yung nangyari kanina nung paalis kami kina Zion ay na alalako na naman.
"Bakit ko ba kasi naramdaman yun? Abnormal na yata ako." Bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung cellphone para istalk si Zion sa IG tutal ay hindi pa ako makatulog. Halos mabitawan ko yung cellphone nang makita yung mga post niya. Last time I check his account ay wala pa siyang ni isang napopost tapos ngayon tatlo na.
"Anak ka ng nanay mo Zion." Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnaN yung mga picture ko na puro nakatalikod.
Yung unang picture ay noong sabay kaming kumain ng lunch, yung pangalawa ay noong tinulungan ko siyang bumili ng regalo, at yung huli ay yung kanina lamang sa bahay ni.
Yare ka sakin bukas lalaki ka amp shemay talaga.
Tinago ko lang yung cellphone ko at pinilit ang sarili na makatulog.
Nang magising ako nang 6am ay naggayak na agad ako. Mahirap na baka iwan ako ni Kuya wala akong masasakyan. Napangiti ako sa sarili ko nang makita ko sarili ko sa salamin. Matapos pagmasadan ang sarili ay bumaba na ako papuntang kusina. Kompleto naman na sila doon at mukhang ako na lamang ang hinihintay.
"Good morning!" bati ko sa kanila nang makaupo ako sa bangko ko.
Nilagyan naman ako ni Kuya ng pagkain kaya kumain na rin ako. Kumakain na kasi sila baka iwan ako ni Kuya.
"Mukhang good mood ang prinsesa namin ah. Kayo na ba ni Zion?"
Muntikan ko nang maibuga yung pagkain na nasa bibig ko dahil sa sinabi ni Mommy. Inabutan naman ako ni Kuya ng tubig kaya medyo nahimasmasan ako.
"Magkaibigan lang po kami." Saad ko at kumain na lang ulit.
Teka magkaibigan na ba kami?
Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami ni Kuya. Baka raw malate siya 'e ang aga pa. Hindi naman na ako nagreklamo at sumunod na lang sa kaniya.
Gusto ni Kian na katabi ko siya sa kotse kaya naupo ako doon sa likuran. Nagmukha tuloy driver namin si Kuya. Nang maihatid naming si Kian sa school niya ay lumipat na ako sa katai ni Kuya para hindi naman magmkhang kawawa.
"Atalia?"
"Bakit?"tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa nilalarakan ko papuntang room.
"Ayaw kong magkaboyfriend ka." Dirediretsong saad ni Kuya.
Awtomatiko akong napatigil at humarap sa kaniya na nasa likuran ko na.
"Kuya pati ba naman ikaw?" nakangusong saad ko.
"A-anong pati ako-"
"I mean ayaw kong pinagsasabihan ako sa mga boyfriend boyfriend na ganiyan. Huwag kang magalala Kuya wala akong papatulan." Saad ko at iniwan na siya doon.
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...