"Oh ayan hindi ba sabi mo hihintayin mo na may magbigay sa iyo niya kaya huwag mong aalisin yan para maalala mo ako sa oras na iiwan mo na ako."
Nalungkot ako bigla dahil sa sinabi niya pero agad yung nawala ng biglang halikan niya ako sa noo. Dahil sa halik na iyon pakiramdam ko nasa safe zone ako. Pumikit na lamang ako at pinakiramdaman ang labi niya.
Shemay bakit ganito ang epekto mo sakin Zion? Huwag mo naman akong sanayin.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang aking magulang. Nakita ko silang nakatingin kay Zion at sa mga hawak. Halatang gulat at nagtataka sila kasi andito si Zion at kung bakit may ganito akong hawak.
Akala ko ba out of town?
"Oh anak may bisita ka pala. Gabi na ah." nakataas na kilay na saad ni Daddy na agad rin naman na sinuway ni Mommy nang mapansing nag iba ang tono ng boses nito.
Naupo silang dalawa sa sofa na kaharap namin at hindi inaalis ang mga mata sa aming dalawa ni Zion at sa mga dala ni Zion para sa akin.
"Ah binisita lang po ako." Paliwanag ko sa kanila.
"Good evening po Tita, Tito."
Tumayo naman si Zion para kamayan sila pero niyakap siya ni Mommy tapos si Daddy matalim ang tingin na nakatingin sa kaniya habang nakikipag-kamay.
"Boyfriend ka na ba ng anak ko, Zion?" tanong ni daddy habang nakatingin sa bouquet.
Jusko kinakabahan ako ah!
"Hindi pa po. Magkaibigan lang po kami." saad ni Zion na nakangiti at tumingin sa akin pero agad akong tumungo dahil sa hiya.
Pa? Anong pa ka dyan?! Ibig sabihin may balak?
"Ay nako iho wag mong pansinin yang asawa ko at may toyo iyan. By the way pupunta kaming buong pamilya sa Tagaytay bukas, sumama ka ha? Ipagpapaalam na lang kita kay Kathyrine. Osya maiwan na namin kayo dyan, magpapahinga na kami." saad ni Mommy at hinila na si Daddy pa akyat.
Narinig ko naman na tumawa si Zion kaya napatingin ako sa kaniya.
Sana ganyan kami kasaya kung mananatili ako at hindi ko siya iiwan.
"Paano ba yan gusto-gusto yata talaga ako ni Tita para sayo ewan ko nga lang Tito." natatawang saad niya nang maglaho sa paningin namin parents ko.
"Ewan ko sayo, Zion. Ang mabuti pa umuwi ka na kasi gabi na." saad ko
"Kadadating ko pa nga lang, pinapaalis mo na ako."
Inirapan ko na lang siya at hinayan na magstay dito hangang sa gusto niya. Napagdesisyonan naming na manood na lamang ng movie pero wala akong maintindihan kasi naiilang ako sa presensya niya. Kasi naman ang lapit namin sa isat isa.
"Atalia?"
Napalingon naman ako ng bigla niya akong tawagin. Tiningnan ko lamang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"I'm sorry about last night." Saad niya nanakatungo.
"Ang alin duon?" naguguluhan kong tanong.
Hindi ko naman kasi alam kung anong inihihingi niya ng tawad. Yung bang dahil sa nararamdaman niya o sa pagbabasa ng diary ko? Tiningnan naman niya ako sa mata na para bang binabasa ang nasa isip ko kaya tumingin na lamang ako sahig at pinaglaruan ang daliri ko.
"Sa pakikialam ng gamit mo but I what I said that night are all true."
Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang ibig niyang sabihin mahal niya talaga ako pero bakit ako?
"Kaya pwede bang hayaan mo akong mahalin ka habang nandirito ka pa sa tabi ko?"
Awtomatiko naman ako napatingin sa kaniya at halatang halata sa mukha na gulat na gulat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin. Ang alam ko lang ay yung puso ko ay parang tumatalon sa saya na ewan.
Zion, bakit ka ganiyan?
"Hayaan mo lang akong mahalin ka kahit hindi mo suklian-"
"Mahal din kita!" pagpuputol ko sa sinasabi niya.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi basta ang alam ko lang iyon ang sinisigaw ng puso ko at sinasabi ng utak ko.
Hindi ko na alam susunod na nangyari basta nakita ko na lang ang sarili namin na yakap-yakap ang isat isa. Napangiti na lamang ako na abot langit habang nasa bisig niya.
Ayaw kong iwan ka, Zion pero mukhang hindi tayo para isat isa.
Lumipas ang dalawang oras bago siya umalis sa bahay. Sa pilitan pa nga ang pagpapaalis ko sa kanya kasi naman baka kung ano isipin ng magulang ko lalo na't may dala-dala pa siyang bulaklak, teddy bear, at chocolates. Baka isipin na more than friends kami.
Pumunta na ako sa kwarto nang makaalis sa bahay si Zion. Nag half bath ako at nagsuot ng short at sando. Habang iniisip ko kung anong manggyayari sa aming dalawa ni Zion pag nawala na ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pag iisip.
"Ate wake up! Ikaw na lang ang hinihintay, andito na si Kuya Zion."
Bigla akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang sinabi ng bunso kong kapatid na si Kian. Napatingin naman ako sa orasan at 4am pa lamang kaya hinanda ko na muna iyong susuotin ko bago maligo.
Jusko ang aga naman.
"Oo sandali maliligo lang ako." saad ko at patakbong pumasok sa banyo.
Mabilis ang naging kilos ko at agad na bumaba papuntang living room. Nagsuot lang ako ng high waist pants, off shoulder, at white shoes. Nadatnan ko namang nakaupo si Zion at kinakausap nina Daddy at Kuya. Umupo ako sa tabi ni Zion at ngumiti sa kanya bago hinarap ang pamilya ko.
"Ang aga mo naman ata." saad ko na nakatingin sa akin na Zion.
"I'm just excited to see my baby." Bulong sa akin ni Zion na lumapit pa talaga sa tenga ko.
Taena ang aga-aga pinapakilig ako amp.
"Anong pinagbubulungan niyo dyan?" mataray na tanong ni Daddy na nakaagaw sa amin ng pansin.
Buti na lang dumating na si Mommy at Kian para sabihin na aalis na kami. Kung hindi dumating si Mommy baka mapaamin ako ng wala sa oras.
Huh? 'E hindi pa naman kami ah. Echosera ka, Atalia!
"Sakay na kayo para makarating tayo ng maaga. Isang kotse na lang gamitin natin." saad ni mommy kaya nagsipasukan na kami sa van.
Habang nasa byahe nakaramdam ako ng hilo. Siguro dahil hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa sobrang excited ko. Pumikit ako nang mariin dahil para talagang umiikot ang paligid ko kahit diretso lang naman yung daanan na dinaraanan namin.
Anong nangyayari sa akin? May sakit ba ako?
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...