"Ate, wake up."
Nagising ako na may tumatapik sa akin. Nakita ko si Kian na binubuksan ang kurtina ng bintana ng kwarto.
"Ate, you should take a bath na because it's already 7am."
Awtomatiko naman ako napamulat at dali-daling tumakbo papuntang banyo. Muntikan pa akong madulas buti na lang ay napahawak ako sa door knob ng pinto. Hindi kona alam kung maayos pa ba ang paliligo ko kasi napakabilis kong natapos. Pati sa pagbibihis ay ang nilis ng aking kilos.
Matapos kong igayak ang sarili ko ay bumababa na ako. Wala naman na sa kusina sina Kuya kasi nasa kotse na raw kaya kumuha na lamang ako ng sandwich at tumakbo papuntang kotse.
"Anong ginawa mo kagabi at mukhang late na late ka naman atang nagising?" salubong sa akin ni Kuya nang makapasok ako sa kotse niya.
"Wala naman. Siguro napagod lang ako kahapon." Sagot ko sa kaniya habang ngumunguya ng sandwich.
"Atalia, sinasabi ko sayo ayusin mo iyang pagaaral mo. Ayaw ko nang ipagtanggol ka sa teacher mo dahil diyan sa katamaran mo." Nanenermong saad ni Kuya.
"Opo Tatay." Pangaasar ko sa kaniya kaya inirapan niya ako.
Nakarating na kami sa school kaya hinintay ko siyang makababa ng kotse para sbay kaming maglalakad. Same way lang naman dadaanan naming kaya hintayin ko na siya.
"Oh bakit hindi ka pa umaalis diyan?"
"Hinihintay kita eh."
Sandali naman siyang napatulala sa akin bago siya natauhan at nagsimula nang maglakad.
Ano na naman problema noon?
Nilakihan ko ang mga hakbang ko para masabayan siya sa paglalakad. Tiningnan ko siya na diretso ang tingin. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya. Napaka familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"What?" iretableng tanong niya na mapansing nakatitig ako sa kaniya.
Inilingan ko lamang siya at tumingin na nang diretso sa unahan. Nang magkahiwalay na kami ng daraa ay tinitigan ko muna ang kaniyang likuran.
Sobrang pamilyar talaga pero baka hallucination ko lang?
Umiling na lamang ako bago tumalikod at lumakad papuntang room. Wala pang teacher nang makapasok ako sa room. Tahimik lang akong naupo habang ramdam ko ang titig sa akin ni Zion. Nagsalpak na lamang ako ng earpods at nagpatugtog nang malakas.
Hanggang maari ay ayaw ko muna siyang kausapin dahil baka may masabi akong hindi maganda at maging sanhi pa ng galit niya sa akin. Tsaka baka sabihin niya ang sikreto ko kina Mommy.
Teka mapagkakatiwalaan ko ba siya?
Napaharap naman ako sa kaniya at tinanggal ang earpods sa tenga ko. Gusto kong itanong sa kaniya kung may napagsabihan ba siya ng lihim ko.
"Zion-"
Hindi ko naman na ituloy ang sasabihin ko nang pumasok na yung teacher naming. Tinikom ko na lamang ang aking bibig dahil nagsimula nang masalita yung teacher namin. Mamayang lunch ko na lang itatanong kung hindi siya busy. Mahirap na baka istorbo lang ako.
Natapos ang two subject at recess na pero nakaramdam ako ng hilo kaya sinubsob ko ang mukha ko sa table para pumikit. Heto na naman tayo sa hilo baka mamaya makita ko na naman iyong matanda.
Jusko huwag naman muna ngayon ang dami ko pang iniisp 'e.
"Atalia, are you okay?"
Napatingala ako nang maramdam kong may humawak sa balikat ko. Nakita ko si Zion na mukhang nagaalala pero tinanggal ko ang kamay niya sa akin. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero tumayungko siya sa harapan ko at tiningnan ako sa mga mata.
Para niyang binabasa ang nararamdaman ko kaya umiwas ako ng tingin. Kami lang dalawa ngayon ang nasa classroom dahil nasa labas ang mga classmate namin para kumain.
"Are you mad at me, baby?"
"Huwag mo nga akong tawaging baby. Mukha ba akong sanggol? For your information hindi mo ako madadala sa mga ganiyan words mo kasi una sa lahat hindi ako kasing rupok ng mga babae mo, pangalawa hindi na ako maniniwala sayo, at panghuli wala kang pake!" singhal ko sa kaniya.
Huminga pa ako nang malalim dahi pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin. Dirediretso a naman kasi ang pagsasalita ko.
"What's wrong? May nagawa ba ako?"
"Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo kung bakit ako nagkakaganito?!"
"Kahapon ko pa ginagawa yan Atalia pero wala akong makuhang sagot! Anong bang problema ha?"
"Problema? Ikaw! Sabi mo mahal mo ako tapos kahapon pinaghintay mo ako sa wala."
Tumitig lang siya sa akin na para bang naghahanap pa ng isasagot niya. Pinipigilan ko ang pagiyak ko dahil gusto kong malaman niya na malakas ako, na kaya ko kahit ang sakit sakit na.
"Naghintay ako sa labas ng comfort room para hintayin ka pero yun pala kasama mo ang ex mo. Alam mo bang nakakababa ng sarili ang ginawa mo kasi ako yung andito na matiyagang naghihintay sayo pero iba yung pinili mong samahan."
Tumungo lamang siya at nahihirapan na akong huminga kasi pakiramdam ko anytime tutulo ang luha ko.
"Sorry ah ang babaw ko at kung ayaw mo sa tulad ko you're free to leave pero sana sa pagalis mo huwag kang magsasalita tungkol sa sikreto ko dahil hindi lang ako ang masasaktan mo." Saad ko bago tumayo at kinuha ang bag ko.
Dirediretso lang akong naglakad kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sarili kong mga paa. Nakarating ako sa garden ng school at doon ko binuhos ang lahat ng sakit. Nahihilo ako pero hindi ko ininda iyon dahilnilalamon na ako ng lungkot at sakit.
Mawawala rin naman ako dito sa mundong ito pero bakit kailangan ko pang masaktan kung masasaktan din ako bandang huli?
Ako lamang ang tao dito sa garden kaya wala akong pakealam sa itsura ko dahil wala naman makakakita. Halos dalawang oras akong nanatili sa garden bago ko na isipang bumalik na sa room kasi lunch na. Nag cutting pa talaga ako ng dalawang subjects.
Patay ako nito kay Kuya kapag nalaman niya.
Nang tumayo ako ay pakiramdam ko ay lumalala ang hilong nararamdaman ko. Nakahawak lang ako sa ulo habang naglalakad kasi pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay. Bigla akong hindi makahinga kaya naramdaman kong napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang ulo ko.
"Atalia!" rinig kong tawag sa akin ng isang lalaki bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Emman.
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...