Chapter 2

19 4 0
                                    

"Oo kung papayag ka."

Hindi na lang ako nagsalita dahil baka kung ano pa masabi ko. Baka isipin niya na crush na crush ko siya nako mahirap na.

Napatingin naman ako relo ko at nakitang late na ako ng 5 minutes sa next subject ko. Tumayo naman na ako agad na nakapagpagulat kay Josh.

"B-bakit? May problema ba?"

"Late na ako 'e. Thank you Josh! Next time na lang ulit!" sigaw ko at tumakbo na papalayo sa kaniya.

Jusko patay ako sa TLE teacher ko pero bayae na mabait naman yun.

Pagkarating ko sa room ay nag d-discuss na yung teacher at nakaharap sa board kaya naman sa likuran na pintuan ako dumaan at dahan-dahan na umupo sa upuan ko. Buti na lang hindi ako napansin pero yung mga kaklase ko tatawa tawa pa.

Mga haeop!

"Oh bakit late ka?" mahinang tanong ni Emman habang hinahalungkat ko yung bag ko para hanapin yung ballpen ko pero hindi ko masyadong na intindihan yung sinabi niya.

"Huh?"

"Hot sauce!" singhal niya sa akin.

Amputek nagtatanong ako nang maayos 'e.

Sinamaan ko naman siya nang tingin pero binalik na niya yung tingin niya sa board. Kaya nakinig na lang din ako sa teacher namin. Lagi pa man din yang pa memorize ng kung ano ano pero hindi ko ginagawa kasi tropa ko yung leader ko.

"Pagayahin mo ako bukas sa test ah." Pag susumamo ko kay Emman habang sinusundot yung tagiliran niya gamit yung ballpen ko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin at saka nilabas yung dila niya para asarin ako. Akmang hihilahin kona yung dila niya ng bigla niyang paluin yung kamay ko.

"Bad hand!" singhal niya sa akin at kinuha yung note book ko para magpinta na naman.

Lagi naman siyang ganiyan pagbored sa klase. Imbis na pintahan ay yung notebook niya ay yung notebook ko ang pinagdidiskitahan.

Hinahayaan ko lang naman siya kasi maganda naman lagi yung pinipinta niya kahit puro mukha. Hindi ko naman maipagkakaila na magaling siyang magpinta kasi nga nasa Special Program in the Arts kaming section. Hindi lang naman puro pagpipinta ang nandito kasi binubuo kami ng mga writer, dancer,instrumentalist, singer, actress, painter, photographer at yung iba pang mga may kinalaman sa media arts.

Inalis ko naman yung tingin ko sa kaniya at tumitig sa module na hawak ko. Mula grade 7 ay kami na ang magkakaklase at ngayong grade 10 na kami ay maraming nagbago. Parang dati lang ay mga mukha kaming uhugin at nagkakahiyaan pa pero ngayon halos ibang iba na.

Ilang buwan na lang ang natitira pero hindi ko pa kayang bitawan ang section na ito.

Natapos naman ang klase at konti lang ang aking natutunan. Bahala na magbabasa na lang ako mamaya.

"Hoy nakita kita kanina ah. Kasama mo yung Josh!" saad ni Emman na para bang may gustong iparating.

"Oh 'e ano naman sayo?" mataray kong singhal sa kaniya at pinagpatuloy na ag pag aayos ng gamit ko.

"Lalakero ka talagang babae ka."

Sinamaan ko naman siya ng tingin at kinurot yung braso niya.

"Mama mo!"

"Ay mama mo rin." Tatawa tawang sagot niya at iniwan na ako.

Yung haeop na yun talaga oh ang sarap patayin. Lagi na lang niya akong binabatan ng ganiyan kaya naman yung mga kaklase ko ay halos asarin at ipagtulukan ako sa kaniya.

Habang nasa hallway ay na isipan kong tumambay muna pero hindi ko alam kung saan. Luminga linga muna ako sa paligid at na isipan na sa field na lang magpalipas ng oras.

Pumunta naman sa field nang magisa at umupo sa pinakatabi. Ayaw ko muna umuwi baka kasi mamaya inaaway na naman ni Mama si Papa dahil wala na naman kaming pera. Lagi namang ganon puro pera na lang. Minsan nga iniisip ko na pera na lang ang nagpapaikot ng mundo ng bawat tao.

Nilalaro ko yung mga dahon na nahulog galing sa puno ng bigla humangin ng malamig. Napatingin ako bigla sa aking kanan at may nakita akong lalaki na medyo matanda sa akin ng konti na nakatingin sa akin at sa likuran niya na malayo sa kaniya ay may isa pang lalaki na ka age ko lang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang nakatingin din yung lalaking ka age ko kaya dali-daling naglakad pa alis sa field.

Baka kasi rapist yun or what kaya umalis na ako kahit ayaw ko paumuwi sa bahay.

Jusko grabe makatingin yung isa ah pero bakit natakot ako duon sa lalaking nasa likuran niya?

Habang naglalakad na ako pauwi hindi matanggal sa isip ko yung nangyari sa field. Ewan pero may pakiramdam akong kakaiba.

"Oh ginabi ka yata, anak? " kaagad na tanong ni Mama nung nakapasok ako sa bahay.

Nilibot ko yung paningin ko at napansing wala pa si Papa.Siguro nag over time na naman.

"Tumambay pa po kasi ako sa field, Ma" saad ko habang nagtatanggal ng sapatos at medyas.

"Ano naman ginawa mo dun? "

"Nag muni -muni lang po. Sige na Ma, gawin ko lang assignment ko. Mamaya na ako kakain. " Saad ko at nagmadaling pumasok sa kwarto. Baka kasi magsalita na naman si Mama 'e tinatamad ako mag salita ngayon.

Humiga ako sa maliit kong kama at tumingin sa kisame. Napaisip ako kung bakit ganito ang aking buhay. Ngayon, masasabi ko na kabilang ang aking pamilya sa hindi mayayamang pamilya. Ang meron lang kami ay maliit na bahay na gawa sa kahoy. Dalawa lang ang kwarto, isa kina mama at papa, at isa naman sakin. Kaya laking pasalamat ko na wala akong kapatid kasi wala akong kaagaw sa lahat.

Pagpasok pa lang ng pintuan ang bubungad sayo ay sobrang liit na salas at kusina. Madalas wala kaming pera kasi si Papa ay dizzer sa isang grocery store malapit sa palengke. Si Mama naman labandera.

Sandali akong pumikit at hindi ko naman na malayan nang dahil sa pag iisip ay nakatulog na pala ako.

"Atalia, anak gising na. "

Ano ba yan ang aga aga pa 'e. Inaantok pa ako kaya hindi ko yun pinansin at nanatiling nakapikit. Bahala siya diyang mapaos basta tutulog ako.

"Atalia? " paulit-ulit na tawag sakin ng boses ng matandang babae.

Wait, ano matanda?! E wala naman dito sina Lola ah. Bagamang si Mama 'e matinis boses nun. Agad kong minulat ang aking mata at nakita ko ang isang matandang babae.

"Sino ka?!"

Dulo (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon