Umalis na rin ako doon pero hindi ko mahanap yung canteen dahil sa sobrang lawak ng school kaya bumalik na rin ako sa room. Laking gulat ko nang makita kung sino ang nakaupo sa tabi ng upuan ko.
Shemay anong ginagawa nya dito? Kaklase ko siya?!
"So kaklase pala kita?" kaagad kong tanong nang makalapit ako sa aking upuan.
Shataks kaklase ko na nga, katabi ko pa.
"Oh hi! Transferee lang ako." Nakangiting saad niya.
"Okay. By the way I'm Atalia." Pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay sa kaniya na agad naman niyang tinaggap.
"Zion Lifferd Cohen, pero tawagin mo na lang akong Zifferd para unique." Natatawang pagpapakilala niya.
Napangiti naman ako at binitawan na yung kamay niya bigla kasing dumating yung proof namin so umayos kaming lahat ng upo at tumahimik. Shemay may sasabihin mo yung love ko 'e.
So yeah, natapos ang klase na may natutunan ako. Syempre katabi ko si crush ehe! Oo siya na ang new crush ko.
Nauna na akong lumabas kasi mag sinusulat pa si Zion. Baka pagnag stay pa ako dun, ang sabihin ay hinihintay ko sya. Aba anong akala nya? Hinihintay ko talaga siya pero kakahiya kaya sa labas ng room na lang ako nagpulbo at liptint pero nung pagkaharap ko putek andun sya sa tapat ng pinto nakatingin sakin.
"Cute mo pala. Teka may kasabay ka ba kumain ngayong lunch? Pasabay ako sayo ah? Wala akong kasama 'e." saad ni Zion at hinigit na ako papuntang canteen.
Hala teka? Ano daw sabi? Cute daw ako. Shemay hala kinikilig ako putek. Teka baka sa susunod magandahan naman sya sakin, tapos maa-attract, tapos manliligaw, tapos magiging kami, tapos di nya ako iiwa-
"Hey! Kanina ka pa tulala dyan. Eto oh binili na kita ng kahit ano, kumain ka na. Don't worry libre ko yan sayo" nakangiti nyang sabi.
My ghaaad cassie! Binili pa nya ako ng lunch ko. So dapat na ba akong mag assume? Teka ano pala sasabihin ko? Putek bakit kinakabahan ako? Gagi taena di ko na kaya!
"Nga pala sorry kanina nung nabunggo kita.Hinahanap ko kasi phone ko sa bag tas hindi kita napansin." saad nya sabay kain nung pasta.
"Ah ano okay lang yun. Di rin naman kasi ako nakatingin nun tsaka thank you dito sa binili mo."
Tae tae nahihiya ako, bakit ganon? Nako Atalia umayos ka dyan. Sasapakin talaga kita.
"Okay ka lang? Bakit ang tamlay mo?" tanong niya sakin na diretsong nakatingin sa mata ko.
Jusko! Ano ba yan nakakailang talaga.
"Ah oo! Tinatamad lang siguro ako pumasok tapos may klase pa tayo mamaya. Tapos meron na naman bukas."
Gagi kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito sinabihan mo kasi ako ng cute.
"Huh? 'E cut off na tayo tsaka friday na ngayon, walang pasok bukas." tumatawang paliwanag niya sakin na nakapagpantig ng tenga ko. Taena Atalia napaghahalataan ka. Ang harot harot mo! Umayos ka nga!
"Oo nga pala. Ah ayt sige una na ako. Nagtext na sakin si Kuya, inaantay na nya ako sa parking lot 'e. Thank you ulit ah? Bye!"
Agad naman akong tumayo at akmang aalis na ng hawakan nya yung wrist ko. Jusko marimar! Binitawan naman nya agad ng mapansin nyang nakatingin ako sa kamay nya. Ang lambot ng kamay nya ah.
"Ah ano, may gagawin ka ba bukas?" tanong nya sakin pero hindi sya ngayon nakatingin sakin ngayon.
"Wala naman siguro. Bakit?" Teka aakitin nya ba ako mag date? Shemay yes I do! HAHAHA
"Pwedeng samahan mo ako sa mall? Magpapatulong sana ako sayo bumili ng pang regalo kay Ate. Wala kasi akong ka close dito kasi bagong lipat lang kami dito sa Pilipinas."
Magsasalita na sana ako ng biglang may sumigaw.
"Atalia!" rinig ko sigaw mula sa likuran ko. Teka kilala ko 'to pero bakit siya andito?
"Atalia" rinig kong sigaw mula sa likuran ko. Laking gulat ko kung kanino nag mula ang tinig na iyon. Siya yung matandang babaeng nabunggo ko nung papunta ako sa school.
Bigla na lamang itong tumalikod at nag simulang maglakad palayo sakin. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya kahit na rinig kong sumisigaw si Zion. Hindi naman na nya ako sinundan at madali kong na abutan ang matandang babae.
"Sandali lang po!" Saad ko nang mahawakan ko ang kaniyang braso. Ang lakas talaga ng kutob ko na may kinalaman sya kung bakit ako nandito sa mundong ito. Gusto ko ng bumalik kung saan ako nagmula pero parang may pumipigil sakin.
Tiningnan ako ng matandang babae sa mata na nakapag patindig ng aking balahibo. Susko katakot ah.
"Sa pagpili mo ng magiging desisyon mo, piliin mo ang sinasabi ng isip at puso mo. Wag laging iisa lang dito dahil ito ang magiging dahilan nang pagguho ng mundong binuo mo at kapag natutunan mo na ang mga bagay-bagay muli kang makakabalik sa panahong iyong kinagisnan."
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Natulala na lamang ako at di alam ang gagawin hanggang sa may humawak sa braso ko.
"Zion." Saad ko nang makita kung sino ang humawak sakin. Pag tingin ko sa aking harapan wala na duon yung matandang babae. Nakakaiyak paano na ako makakabalik kina Mama at Papa.
"Anong nangyari? Bakit bigla ka na lamang tumakbo?"
"Gusto ko ng umuwi." Saad ko at bigla na lamang akong naiyak.
Ma, Pa tulong.
"Ate?"
Nakatingin ako sa lalaking tumawag sakin. Teka kapatid ko daw pala ito.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Dagdag pang tanong ng Kuya ko daw nang makalapit sa akin.
"Ah wala po, Kuya. Tara na!" Hinigit ko na yung nakakabata kong kapatid daw. "Ay Zion, una na kami. Salamat dun sa libre mo. Ingat ka." Pamamaalam ko kay Zion nang maalala kong kasama ko nga pala sya.
Nang makarating kami sa sasakyan ng Kuya ko daw agad kong sinalpak yung earphone sa tenga ko at nagpatugtog ng malakas para kung sakaling magtanong yung dalawang kapatid ko daw ay makaligtas ako. Pero makalipas ng ilang minuto nakita ko sa aking peripheral vision ko na nagsasalita yung Kuya ko daw pero di ko iyon pinapansin.
Nakarating kami ng bahay na di ko tinatanggal yung earphone sa tenga ko. Dumiretso na ako dun sa kwarto kung saan ako nagising sa mundong ito. Ginawa ko na lamang yung mga school works ko at di na lumabas pa ng kwarto kahit may iilang katulong na kumatok sakin dahil kakausapin daw ako nung Kuya ko daw.
"Alas otso na pala." Bulong ko sa aking isipan at pumunta na sa banyo dahil hindi pa pala ako nag bibihis. Naka uniform pa pala ako.
Lumabas akong naka tapis lamang dahil hindi naman ako marunong gumamit nung bathrobe. Nakita kong may tumatawag sa aking cellphone.
"Hello?" Saad ko kasi unknown number yung nakalagay sa phone ko.
"Tuloy tayo bukas ah? Good night."
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...