Hindi ako bumili ng pagkain kasi gusto ko lang tumambay. Yung walang mahaharot sa paningin ko. Humalumbaba lang ako at inisip kung paano papatayin yung babaeng kayakapan ni Zion. Napakalandi nilang dalawa.
Ah nakakainis naman!
"Bakit bigla ka na lang umalis?"
Napatayo ako nang may magsalita sa likuran ko kaya wala akong nagawa kung hindi ako harapin ito. Tinaasan ko siya ng kilay para naman malaman niya na galit ako sa kaniya.
Teka hindi naman kami para umakto ako ng ganito ah.
"Anong pake mo?" mataray kong tanong pabalik sa kaniya.
"Atalia-"
"Zion! Bigla ka na lang umalis. Buti I found you na."
Napairap na lamang ako nang makalapit yung babae at tumabi pa talaga kay Zion para pumulupot. Hindi ko na kaya ang nakikita kong landian kaya dumaan ako sa gitna nila para naman kahit papaano ay maghiwalay sila.
Napaka ano talaga ng gaga mukha namang kalyo. Sarap pagpuluptin eh.
Naririnig ko ang sigaw ni Zion na tinatawag ako pero hindi ko siya nilingon at mas binilisan ang paglayo sa kanila. Dumiretso ako sa gate para makalabas dahil baka hindi ako makapagpigil ay paguntugin ko yung dalawa para mabasag ang bungo nila.
Bahala ka diyan gago ka.
Pinalabas naman ako ng guard dahil dinahilan ko ay may sakit yung kapatid ko at walang magaalaga which is totoo naman. Aalagaan ko na lang si Kuya para naman may magawa akong mabuti kesa dito. Sumakay na lamang ako ng taxi para mabilis makapunta sa bahay.
Nagtaka yung mga maid kung bakit umuwi ako kaagad,sinabi ko na lang ay walang importanteng gagawin kaya aalagaan ko na lang si Kuya. Matapos magpalit ng damit ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng lugaw. Hindi para raw kasi kumakain si Kuya kasi walang gana, hindi naman nila mapilit kaya ako ang mamimilit.
Habang sinasandok nung isang maid yung lugaw na niluto ko ay inopen ko yung IG ko. Ang daming message ni Zion, natawag na rin siya kaya pinatay ko muna yung cellphone ko. Nagtimpla muna ako ng juice bago umakyat para pakainin si Kuya.
Natutulog siya nang makapasok ako kaya inilapag ko muna yung pagkain para gisingin siya.
"Kuya, gising. Kukurutin ko yang utong mo pag hindi ka gumising."
"Atalia, masama pakiramdam-"
"Kaya nga andito ako para pakainin ka kasi hindi ka pa nakain." Saad ko habang hinihigit yung kamay niya para makabangon.Wala naman siyang nagawa kaya umupo siya at sumandal sa headboard.Nilagyan ko ng unan yung likod niya at hinawakan yung noo at leeg niya. Para naman siyang nagulat sa ginawa ko pero hindi ko pinansin at kinuha na lamang yung pagkain para pakainin siya.
"Oh ubusin mo lahat ito, okay?"
"W-what's that?" maarteng saad niya na tinutukoy yung lugaw na hinahalo ko.
Napaka arte ng putek akala mo tae yung ipapakain.
"Nakaka offend ka Kuya ah! Lugaw yan, niluto ko para sayo. Arte mo!" singhal ko sa kaniya.
Natahimik naman siya kaya sinubuan ko na siya ng lugaw. Para naman siyang diring diri kaya kahit mainit pa ay sinusubo ko na sa kaniya at hindi ko na hinihipan. Bahala siyang malapnos ang dila.
"Ano ba Atalia? Sinasaktan mo na ako eh." Singhal niya bago uminom ng juice.
Natigilan ako nang sinabi niya iyon kasi para akong nasaktan. Tumahimik na lamang ako inayos yung pagpapakain sa kaniya. Inubos niya lahat ng pagkain na hinanda ko kaya pinainom ko na siya ng gamot.
"May pasok ka ah. Bakit ka andito?" tanong niya nang makahiga siya at pinagkatitigan ako.
"Eh kasi nabadtrip ako kay Zion tsaka doon sa babae niya na biglana lamang sumulpot out of nowhere kaya umuwi na lang ako para alagaan ka."
"Okay."
Napanguso na lamang ako dahil sa sagot niya.Litse wala man lang thank you or advice na sinabi. Lumabas na lamang ako dinala na yung pinagkaininan niya sa kusina pagkatapos ay pumunta na lamang sa kwarto.
"Nakakainis naman itong araw na ito oh!"
Humilata na lamang ako sa kama dahil wala akong balak na buhayin yung phone ko at baka tumawag pa iyong kumag na maharot na iyon. Natulog na lamang ako kahit sobrang inis ang nararamdaman ko.
Nagising na lamang ako ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya kahit inaantok pa ay binuksan koi yon. Bigla na lamang nagising ang diwa ko nang makita si Zion doon.
"What are you doing he-"
Bigla na lamang niya akong niyakap at sinubsob ang mukha niya sa balikat ko. Wala akong nagawa hinayaan ko na lamang na yakapin niya ako kahit inis ako sa kaniya.
Ano ba yan parang sira eh.
"Atalia, sorry. She's Celine, my ex girlfriend but she's nothing on me anymore. Please baby kausapin mo na ako." Saad niya na nanatili pa ring nakayakap sa akin.
Inalis ko ang pagkakayakap niya kaya nagulat siya sa ginawa ko. Hinawakan ko yung mukha niya para itungo siya ng kaonti at nag tiptoe pa talaga ako para maabot siya at mahalikan sa noo dahil masyado siyang matangkad.
"Hindi naman ako galit sayo eh." Saad ko habang nakangiti sa kaniya.
Weh? Talaga lang ah.
Ngumiti naman siya na abot tenga at niyakap ako nang mahigpit. Napangiti na lamang ako at niyakap na rin siya nang mahigpit.
May narinig kaming umubo kaya napabitiw kami sa isat isa. Nakita ko si Kuya na masama ang tingin sa amin bago kami nilagpasan at bumaba. Napatawa na lang ako nang mahina bago hinila si Zion para bumaba. Dumiretso kami sa living room para manood ng movie.
"Ah wait kuha lang ako ng pagkain." Saad ko at dumiretso na sa kusina.
Kumuha ako ng junk foods at nagtimplang juice. Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Kuya.
"Hoy babae!"
Nilingon ko lang siya at hinintay na magsalita ulit.
"Kanina ang drama drama mo tapos ngayon kakabatiin mo agad? Ano ka kahoy na marupok?"
Tiningnan ko lang siya nang masama pero iniwan ako kaya pumunta na lamang ako sa living room. Nakita ko doon na nakaupo si Kuya na katabi si Zion kaya naman pumagitna ako sa kanila at inilapag yung pagkain.
"Kuya may sakit di ba? Bakit hindi ka magpahinga?" tanong ko sa kaniya habang inaabutan ng junk foods si Zion.
"Nanonood ako, bakit angal ka?"
Inirapan ko na lamang siya at nag focus na lang sa pinapanood. Walang nagsasalita sa amin nang bigla kong maalala na may klase pa pala kami sa mga oras na ito.
"Teka may klase pa, Zion ah!" singhal ko sa kaniya.
Napatingin naman siya kay Kuya bago ako bigyan ng pansin.
"Eh kasi I thought you're mad at me so I came here to say sorry. Don't worry wala naman ng class noong umalis ako kasi cut off because of the seminar."
Tumango na lamang ako at nagfocus ulit sa pinapanood ng bigla bumukas yung pinto. Niluwa nito si Kian at patakbong lumapit sa amin. Umupo siya sa hita ko kaya niyakap ko siya nang mahigpit at hinalik halikan.
"Asim naman ng Kian namin."panggigigil ko sa kaniya.
Mukha naman siya natutuwa sa ginagawa ko pero biglang inagaw ni Kuya si Kian.
"Change your clothes then you can join us." Paguutos ni Kuya na sinunod naman agad ni Kian.
Napailing na lang ako at sumandal sa balikat ni Zion na tatawa tawa sa aming magkakapatid.
BINABASA MO ANG
Dulo (COMPLETE)
Teen FictionMay mga pangarap talaga tayong gustong gusto nating makamtam pero kailangan muna nating dumaan sa hirap para maabot ang mga iyon. Ngunit paano kung isang araw na pagmulat mo ng iyong mga mata ay nasa kamay mo na ito. Nakamtam mo nga ang mga pangarap...