Shit!
Parang gustong umiyak ni Lyn nang Makita ang dalawang linyang pink sa pregnancy test strip.
"Putang ina! Putang ina talaga!"
Sinigaw na ni Lyn ang pagmura.
Napa-upo siya sa toilet seat na may cover na.
Pinikit ang mata.
Shit, buntis ako.
Buntis ako!
Hindi makapaniwala si Lyn sa kanyang katangahan.
Parang gusto niyang batukan ang sarili o iumpog ang ulo sa pader.
Ako, si Julia Lyn Garcia Villegas, ay isang libo't isang tanga!
Actually, simula pa lang nang naramdaman niyang nagiging matakaw siya about four weeks ago ay kinabahan na siya.
Hindi niya maintindihan kung bakit dati ay ni hindi nga niya maubos ang isang pirasong siopao sa Henlin ngayon ay kulang pa sa kanya ang dalawa.
Then, kahit na kumpleto naman ang tulog niya, lagi siyang nagiging antukin.
And then, ngayon, nang ang dati niyang super regular na period ay ma-delay, naisip na niyang kailangan na ngang bumili ng pregnancy kit. Tatlo, para sigurado.
At yun na nga, all three kits revealed the same result. Buntis siya!
Well, wala naman sanang kaso yun. 30 na siya. Old maid na actually. Halos ipamigay na nga siya ng nanay niya. Nasa tamang gulang na siya. Stable naman ang profession niya bilang isang abogada. May condo na siya sa isang exclusive na condo building para sa mga mayayaman. May isang SUV at isang kotse. May resthouse sa Tagaytay at nakapag-ipon na siya to give her a comfortable retirement.
Naiinis lang siya, dahil sa tinananda-tanda na niya, ngayon pa siya mabubuntis.
'Tang ina kasing lalaki yan.
Pero hindi pa rin mawala sa isip ni Lyn na kasalanan niya. It was her rest period from taking pills as advised by her OB, pero lumabas pa rin siya kaya't nangyari tuloy ang hindi inaasahan.
She had always been of the opinion that it is the female's responsibility to take care of her body and that includes contraception. Masyadong mahahalay ang mga lalaki pagdating sa sex kaya't hindi ito dapat ipagkatiwala sa kanila.
And she screwed in that responsibility.
For once in her long promiscuous life, someone finally caught her unaware and the thing is, she doesn't even know his name.
Fuck! Fuck! Fuck!
Anong sasabihin niya sa anak niya pag-nagtanong kung sino ang ama niya?
Jesus Christ!
Huminga si Lyn nang malalim at tumayo na sa kinauupuan. She got a hold of herself and started her morning routine. She has to go to the office. She has to go on with her life. And yes, although confused pa siya sa bagong diskubreng sitwasyon, she made the decision, she will keep the life that is starting in her womb. She will have her baby.
BINABASA MO ANG
FROM LUST TO LOVE (Reluctant Bride No. 2)
General FictionPara kay Julia Lyn, perpekto na ang buhay niya. Naabot na niya ang kanyang mga simpleng pangarap. Bahay, kotse, pera. And sex every Friday. Okay na yun. No strings attached. No complications. No drama. Pero paano kung may makilala siya na ma...