PALABAS na ako ng kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko lang iyon saka ibinulsa bago tuloyang lumabas. Nasa hagdan pa lang ako ng marinig ang boses ni mommy, may kausap siya sa phone at mukhang galit.
"Morning mom." tango lang ang na tanggap kong sagot.
Hindi ko na lang iyon pinansin at lumabas na ng bahay. Pagsakay ko sa kotse ay agad na pinatakbo ni manong papuntang school.
I'm a sr high student already, hindi na napansin ng parents ko iyon dahil masyado na silang naging busy sa trabaho simula noong ipasok nila ako sa school at hindi na homeschooled. Pabor na rin sa akin iyon dahil nakakalabas na ako ng bahay na walang kasamang body guard. Iyon nga lang, may kasamang driver.
Pagpasok ko ng school gate ay maraming mata agad ang nakatingin sa akin. Kasabay noon ang mga bulongan nila na rinig naman, psh.
"Good morning class, I am May Santos your class adviser for the whole year."
Pakilala niya sa amin, I bet she's still in her med twenty's. She's young for a class adviser. Although ganoon din naman yong naging class adviser ko dati noong first year highschool ako. Pero seguradong gurang na iyon ngayon."For now we will do the setting arrangement and then the rules and regulations." binuklat na niya ang class record niya at bumaling sa amin.
"If I call your name please stand up."
Sunod-sunod na ang naging pagtawag ni Ms. May pati na rin ang paglipat ng upoan ng mga kaklase ko na natawag.
"Ms. Takahashi, sa likod ka ni Mr. Cruz."
Agad na akong na upo sa likurang upoan na nasa likuran lang ni Lucas na katabi ng bintana. Maya-maya pa ay halos mabingi ako sa lakas ng tilian ng mga babae kung kaklase ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Psh."And why are you late, Mr. Del Fierro?" mataray na tanong ni Ms. May sa bagong dating.
"Deans office ms." walang ganang sagot niya.
"Take your set beside Ms. Takahashi."
Walang salitang naglakad na siya papunta sa diriksyon ko saka na upo sa tabi ko. Liningon naman siya agad ni Lucas.
"Bakit ngayon ka lang bro?"
"Pinatawag ako ni tita."
"Ano daw sabi?" sabat ni Jake
"Hindi ka rin tsismoso e no?" bara ni Lucas
"Umayos na nga kayo. Mamaya na iyang tanong niyo." masungit na sita ni Kieffer sa dalawa.
Umayos naman na sila ng upo at humarap na sa unahan. Dumaan ang ilang oras ay sunod-sunod na ang pagpasok nang mga subject teachers. Hanggang sa tumunog na ang bell for lunch break. Tumayo na ako at kinuha ang bag saka lumabas ng classroom. Every first day of school ay walang break time ang lahat dahil puro introduce yourself lang naman daw ang ganap namin. Nakakagutom din kaya ang magpakilala ng paulit ulit.
Matapos makapag-order ng pagkain ay dumeritso na ako sa pwesto ko simula noong unang tapak ko pa lang dito. Nasa dulo iyon ng canteen malapit sa wall glass kung saan kita ang field. Halos mabingi na naman ako sa tilian ng mga babaeng estudyante, kung makatili akala mo artista ang dumating.
"Kyaaaa the lucky three is here." sigaw nung malapit sa pinto.
"Jake baby you're so cute."
"Lucas be mine."
"O my gosh merry me lucky three."
"Kieffer you're so hooooottttt."
At marami pang iba na halos hindi mo na maintindihan dahil sa sabay sabay nilang sigaw at tili.
"SHUT UP BITCHES, LUCKY THREE IS OURS!" malakas na sigaw ni Hanna.
The campus queen bitch. Pero salamat sa kanya dahil hindi ako tuloyang nabibingi. Hindi ko na pinansin pa ang na sa paligid, tinapos ko na lang ang pagkain ko at agad na bumalik ng classroom. Hindi rin nagtagal ay nagsipasokan na ang mga kaklase ko. Sumunod ang first subject teacher namin this afternoon at simula na naman ng introduce yourself portion.
Pagdating ng bahay ay pagod akong bumaba nang sasakyan. Wala naman masyadong ginawa kanina sa school pero pakiramdam ko sobrang na drain ang energy ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay wala akong na datnang babaeng nakaupo sa sofa habang nagkakape."Wala si mommy?" tanong ko sa kawalan, nang may mapadaang katulong.
"Manang si mommy?"
"Umalis po young miss." magalang niyang sagot.
"Saan po pumunta?"
"Ang dinig ko po ay pupuntahan ang daddy niyo sa Japan young miss." napatango na lang ako.
"Salamat ho manang." yumuko muna ito bago umalis sa harapan ko.
Dumeritso na ako sa kwarto ko, inilapag sa study table ang bag at agad na naghanap ng pampalit. Nag-aalala ako para kay dad dahil hindi naman ugali ni mom na puntahan siya sa Japan unless may masamang nangyari. Simula kasi ng magkaisip ako ay alam ko na kung ano ang mundong ginagalawan ng parents ko. Iyon din ang dahilan kung bakit ako homeschooled dati at hindi makalabas ng bahay ng walang kasamang sandamakmak na body guards.
Naputol ang pag-iisip ko sa nakaraan ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Kailangan mo?" bungad ko sa tumawag.
"I miss you too Grae." masayang sabi niya.
"Oh, kailangan mo nga?" bored kong sagot.
"Mangangamusta lang." sa tuno ng pananalita niya alam kong nakanguso na naman ito.
"Okay lang." sagot ko at na higa sa kama.
"I mean sa school na pinapasukan mo?"
"Still the same." kibit balikat kong sagot, as if he can see me.
"Tsk, sabi ko naman sayo lumipat ka na sa school na pinapasukan ko e." napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
"Pang-ilang beses mo na nga bang sinabi iyan Nathan?" tanong ko habang nag-iisip.
"I'm serious here Grae." na pa irap na lang ako.
"Nathan, kahit saang school ako lumipat ganoon at ganoon pa rin ang magiging tingin nila sa'kin. Isang freak. At isa pa, all boys school ang pinapasokan mo Nate." litanya ko.
"Nandoon naman ako Grae. Ako ang bahala sayo." na pa buntong hininga na lang ako.
"Salamat na lang Nate, but I'm fine. Hanggang pagpaparinig na lang naman sila sa'kin. And I don't mind it."
"Kahit na, pag-isipan mo pa rin ang offer ko sayo at ako na ang bahala para makapasok ka doon." pangungulit niya.
"Fine fine. Pag-iisipan ko." pagsuko ko na lang, dahil alam kong hindi niya ako titigilan.
"Sige na, kailangan ko ng magpahinga." paalam ko.
"Okay, bye. Basta yung offer ko ah?"
"Oo na sige na. Bye."
Pinatay ko na ang tawag, napailing na lang ako. Umayos na ako ng higa para matulog.ST💧
BINABASA MO ANG
Those Eyes
ActionA girl born to be different from everyone. A weird one for almost all of them. Some find her cool. While that group find her way different specially him. What will happen if she realize what really is inside of her. The real her and the real reason...