#Sleepy
------------------------------------------------------★Grae's POV★
IT'S OUR history subject and I keep on sighing. Kanina, plano ko talaga ang hindi pumasok, lumiban sa klase. Pero dahil sa kakulitan nitong katabi ko, napapasok akong lutang. Kanina pa din ako hikab nang hikab. Madaling araw na kasi akong nakauwi kagabi sa pag-aakalang may sumusunod pa sa akin. Hanggang sa nagkandaligaw ligaw ako. Buti na lang at hindi ako napapansin nung teacher namin. Terror pa naman ang isang iyan. Panay pa ang pagkusot ko sa mata para lang maibsan ang antok at hindi makatulog. Bakit ba kasi ang tagal maglunch. Dati naman ang dali-dali lang.
"And for your assignment, draw anything that has something to do from the past and write an essay that relates in our subject."
Dinig kong sabi ni sir, pero wala akong maintindihan ni isa. Naramdaman ko na lang na kinuha ni Kieffer ang notebook ko. Hindi ko na lang pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Wala ako sa tamang hulog ngayon para makipagbangayan sa kanya dahil lang sa notebook. Baka ano pa ang magawa ko na siguradong pagsisisihan ko bukas.
"Class dismissed."
Na pa hikab ulit ako ng hilahin ni Kieffer ang pulsuan ko kaya wala sa oras akong napatayo. Kinaladkad pa ako ng gunggong pa labas nang classroom. Deadma lang ako dahil nga sa inaantok ako. Napapatingin pa sa amin ang mga makakasalubong at napapalingon ang mga madadaanan. Sino ba namang hindi kung isa lang naman sa mga campus heartrubs DAW nila ang humihila esti kumakaladkad pala sa akin. Na tingin ng lahat ay weirdo at freak. And as usual, deadma lang ako. Wala naman akong paki sa kanila. Isipin nila ang gusto nilang isipin.
"Stay here." sabi niya na hindi ko masyadong naintindihan matapos akong paupuin at umalis.
Dumukmo na lang ako sa mesa. Ramdam ang matatalas at nag-aapoy sa galit na mga mata ng mga babaeng may gusto kay Kieffer. Masyado akong inaantok para pansinin sila, papikit pa lang ako ng may kumalabit sa akin. Inaantok na nag-angat ako ng tingin.
"Eat first. And after that, you can take a nap."
Inis akong umayos nang upo at nakangusong tinapunan ng tingin ang pagkain. Isang nalalim na bontung hininga ang pinakawalan ko saka nag-umpisang kumain. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat e. Iyong kinukulang ako sa tulog. Kalahati pa lang ang na uubos ko ng magawi kay Kieffer ang tingin ko. Napakurap pa ako ng tatlong beses. Shit, ba't ang gwapo gwapo ng kaharap ko? Aish. I admit, gwapo naman talaga ang gunggong pero...malala na nga ata ako. I really need to sleep. A good and long one sleep.
★Kieffer's POV★
NAKASIMANGOT na bumangon si Grae at kinusot ang mata. Cute. Aish, ano ba iyong sinabi ko? Huwag niyo na lang pansinin.
"Bakit nakasimangot ka diyan? You already took a nap."
"Nap wasn't enough." nakanguso niyang sabi.
"Seriously? Wasn't enough?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot at ngumuso ulit. Napakamot na lang ako ng batok. Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan ng babaeng ito?
"Hindi ka na lang sana pumasok." sumimangot lalo ang mukha niya.
"What?"

BINABASA MO ANG
Those Eyes
ActionA girl born to be different from everyone. A weird one for almost all of them. Some find her cool. While that group find her way different specially him. What will happen if she realize what really is inside of her. The real her and the real reason...