-Chapter2-

11 2 0
                                    

            


Kieffer's POV★

    

       SAKTONG pagpasok ko sa gate ng school ay na kita ko siya. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa kanya, maya-maya pa nagtilian naman sila nang makita kami. Hindi ko na lang iyon pinansin at itinuon ang paningin sa kanya na diridiritsong naglalakad. Wala siyang pakialam sa paligid niya, iyong tipong may sarili siyang mundo.

"Bro."

"Oh?" sagot ko nang kalabitin ako ni Lucas ng hindi inaalis ang paningin sa kanya.


"Baka matunaw."  

    

Tinignan ko sila ng masama na pariho naman nilang tinawanan lang. Kaya nung mangunot na ang nuo ko ay sabay nilang tinakpan ang bibig nila. Halatang nagpipigil ng tawa.


"Tss."
   

 

Binaling ko na lang ulit sa kanya ang tingin ko pero wala na siya sa unahan namin. Na pa iling na lang ako. Ang bilis naman mawala no'n? Tahimik na lang akong naglakad habang ang dalawa ay nagpipigil parin ng tawa hanggang makarating ng classroom. Hindi na rin naman ako na kulit nung dalawa dahil dumating na agad si Ms. May.


"Getyour notes and copy what I  am going to write on the board. I don't want to see any cellular phones on your desk, only your notes and pens."       litanya ni ms bago nagsulat sa white board.

    

Kinuha ko na rin ang notebook ko gaya ng iba at sinulat lahat nang sinulat ni Ms sa board. Paminsan-minsan ay napapatingin ako dito sa katabi ko. Seryuso siyang nagsusulat habang ngumingiwi paminsan-minsan. Na pa silip naman ako sa notebook niya at napahanga sa ganda ng sulat kamay niya. Maganda naman iyong akin pero mas maganda ang kanya. Pagkatapos naming magsulat na halos kasunod lang ni Ms ay tumayo na siya sa harap at nagsalita.

"Alam ko na nagtataka kayo kung bakit ko iyan pinakopya sa inyo."  umpisa ni ms.


"Don't tell us may na dagdag sa subjects namin Ms?    maarting tanong ni Hanna.


"Yes, you are right Ms. Fuentes."     sagot ni ms na humakot ng maraming angal.


"Class, class. We can't do anything dahil na ipasa na ito. And besides hindi lang naman kayo ang nadagdaggan nitong subject. Even us advisers of Sr high, dagdag trabaho din sa amin ito. Kaya huwag na kayong magreklamo."    mahabang litanya ni Ms.


"Anyway, I want all of you to study it. We'll have a short quiz tomorrow."

"Yes Ms."


"And one more thing, walang lalabas ng classroom not until the bell rang for lunch."      Nagtaas naman agad ng kamay si Ella.

"Yes?"


"Bakit naman Ms?"

"May emergency meeting lahat ng teachers, so I'll expect from all of you to behave."

    

Nag-ingay naman ang lahat kasama na doon ang dalawang boguk na si Lucas at Jake na naglalaro lang naman ng bato bato pick, matapos makalabas ni Ms. Na kita ko namang tumayo si Hanna habang nakangiti papalapit sa akin kaya dali dali ko ng binalik sa bag ang notes at ikinabit sa tinga ang headphone. Agad akong nagpatugtog at nilakasan ko talaga ang volume para hindi marinig ang kahit na anong sabihin niya.

    

Na upo siya sa mismong mesa ko at iniharap sa akin ang mukha. Akmang tatanggalin niya ang suot kong headphone nang iwaksi ko ang kamay niya. Nagsalita siya pero hindi ko rinig, akmang tatanggalin niya ulit ang suot kong headphone kaya iwinaksi ko na naman ang kamay niya saka tinignan ng masama. Napasimangot siya dahil sa ginawa ko at may kung anong sinabi na ikinatingin sa kanya nitong katabi ko bago umalis.

    

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago tinanggal at isinabit sa leeg ang suot kong headphone. Na pa tingin ako kay Grae na halos magkadikit na ang kilay habang titig na titig kay Hanna. Now, I'm wondering what Hanna told her before she leave?

    
    

Nagkanya-kanya nang tayo ang mga kaklase namin at labas ng tumunog ang bell for lunch.

"Bro tara na."    aya ni Lucas habang hinihimas ang tiyan. Malamang gutom na iyan.

    

Tumayo na din ako sabay dampot ng bag saka kami sabay na tatlong lumabas. Pagpasok namin nang canteen ay tilian na naman ang sumalubong sa'min. Hindi ko sila pinansin, ganoon din ang ginawa nung dalawa at sumunod sakin diretso sa unahan ng pila. Wala ako sa mood para pumila ngayon. Matapos makuha ang order namin ay deritso na kami sa pwesto namin. Tahimik lang akong kumain habang panay daldal ang dalawa, lalo na si Lucas. Na pa tingin ako sa dumaan sa table namin hanggang sa makaupo siya sa palagi niyang pwesto tuwing break time and lunch break.



"Ehem, ehem."   sabay na pekeng ubo ng dalawa.


"Bro umamin ka nga."     nambibintang na ika ni Jake.


"Anonaman ang aaminin ko?"   matapang kong tanong sa dalawa.



"Bro..."   sabi ni Jake at nagkatinginan pa silang dalawa bago tumango sa isa't-isa.


"Bakla ka ba?"  sabay nilang tanong.

    

Sabay ko rin tuloy na naibato sa pagmumukha nila ang hawak kong kotsara at tinidor.


"Mga ulol, baka kayo."

  

"Ito seryuso bro."   seryuso ngang sabi ni Jake na hinihimas pa ang nuo habang si Lucas ay nakangusong hinihimas ang tinamaan niyang ilong. Ito ata ang bakla e.


"Wala ba talagang pag-asang magustuhan mo si Hanna kahit kunti?"

  

"Wala."    deretso kong sagot.


"Sa gandang iyon ni Hanna? Wala talaga bro?"    hindi makapaniwalang sambit ni Lucas.

"Wala nga."     napatango naman silang pareho.

    

Matapos ng usapang iyon ay tahimik na ulit akong kumain habang pinagmamasdan siya, she really looks familliar to me. Parang siya 'yon na hindi.








ST💧

Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon