#TheEndHasCome------------------------------------------------------
★Krystal's POV★
PAGKATAPOS ko ipaliwanag sa tatlo ang tungkol sa naging disisiyon ni Hell ay siya ring paghiyaw nang alphabet. Agad na nabaling ang tingin naming apat sa harap. Halos mangilabot ako sa nakikita. Ang huling prinsisa ng Takahashi, nakatayo malayo sa amin. May nakahandusay na mga katawan sa harap at magkabilang gilid niya. Napatingin ako sa mga kamay ni Hell. Puno na iyon ng dugo. May kung anong hawak hawak pa siya sa kaliwang kamay na nababalutan din ng dugo. Tinitigan kong mabuti ang hawak niya. Napatakip ako nang bibig at nanlalaki ang mata sa napagtanto. Ang hawak ni Hell...ay puso ng isa sa tatlong nakahandusay sa lapag. Na ngayon ay wala ng buhay.Sunod sunod na sumugod sa kanya ang alphabet. Salag, suntok at sipa ang pangganti niya habang umuilig sa mga bala at patalim na papunta sa kanya. Hindi ko maiwasang kabahan. Alam ko na sa oras na balikan niya ang pagiging Ishana Hell Takahashi ay babalik lahat ng lakas na nawala sa kanya. Pero hindi ibig sabihin na hindi na siya makakaramdam ng pagod, hapdi at sakit na matatamo niya. Maaaring kaya niyang tumagal ng ilang araw ngunit may hangganan din ang lakas niya. Kaya hindi ko maiwasang mangamba at matakot. Dahil sa puntong ito, wala akong maitutulong sa kanya. Hindi ko siya matutulungan.
Wala pa sa kalahati ang nagagawa niyang pabagsakin. Kung hindi paralyzed ang mga iyan ay segurado akong patay na. Napangiwi ako nang harap harapan ko mismong makita kung paano niya wasakin ang lalamunan ng isa sa sumugod na alphabet sa kanya gamit ang sarili niyang kamay. Nakangisi pa siya habang nakikipagpatayan. Para siyang nakakita ng magandang laruan. Maraming laruan. Ganyang-ganyan din siya dati. Noong una naming kita. Para siyang nakatingin sa isang laruan kahit tao ang kaharap niya.
Habang nakatayo at na nunuod lang sa pakikipaglaro nang prinsisa sa alphabet ay na hagip ng paningin ko ang tatlo. Si Lucas na hindi maipinta ang mukha. Para siyang masusuka sa nakikita. Paulit ulit ang ginagawa niyang paglunok habang nangangatog ang tuhod. Si Jake naman ay nakanganga. Nanginginig ang labi, nakakuyom ang kamay na pinipigilan niya sa panginginig. Halata sa mukha ang pagkagulat at hindi pagkapaniwala.
Si Kieffer, ang kahuli hulihang taong ayaw niyang makita kung paano siya bilang si Hell at hindi si Grae. Hindi man makapaniwala ang expression niya ay kita rin ang pag-aalala, takot at pangamba. Hindi ko akalaing mag-aalala siya sa para sa prinsisa. Ngunit kahit hindi niya sabihin ay alam kong takot siya at nangangamba para sa sarili dahil sa nasaksihan. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang hindi matatakot at mangangamba para sa buhay niya, hindi ba?Ngunit mukhang mali ako sa pagkakabasa kay Kieffer. Hindi ko akalaing gagalaw siya sa kinatatayuan niya para puntahan si Hell. Ang Ishana niya. Mabuti na lang at na agapan ko. Patakbo na siya sa kinaruruonan ni Hell. Agad ko siyang hinila pabalik at mahigpit na hinawakan. Pagtingin niya sa akin ay napangiwi na lang ako. Parang gusto niya akong ilibing ng buhay. Nakuha rin namin ang pansin ng dalawa niyang kaibigan.
★Kieffer's POV★
I CAN'T believed what I am seeing right now. In front of me was Ishana. Tinatapos ang larong kasali kami, ako, ng mag-isa. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng masaksihan ko mismo kung paano niya hinugot palabas sa dibdib ng isa sa tauhan ng alphabet ang puso nito. Kahit sabihin pa na sa gilid lamang ng aking mata ko iyon na kita. Na kita ko pa rin.
Nang sunod sunod na, na sumugod ang alphabet ay tinamaan na ako ng takot at pangamba. Natatakot ako para kay Ishana. Mag-isa lang siya at tanging siya lang ang pinupuntirya ng alphabet. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba wala kaming hakbang na ginagawa? Dahil nakatayo lang kami dito? Na lunod ako sa sariling pag-iisip. Sa dami ng tanong. Sa dami ng bakit habang nakatingin kay Ishana na patuloy sa pakikipaglaban. Na tauhan na lamang ako nang makita ko ang isa sa alphabet na sasaksakin siya mula sa likod. Marami siyang kalaban sa harap at gilid kaya paniguradong hindi niya iyon mapapansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/196090465-288-k245092.jpg)
BINABASA MO ANG
Those Eyes
ActionA girl born to be different from everyone. A weird one for almost all of them. Some find her cool. While that group find her way different specially him. What will happen if she realize what really is inside of her. The real her and the real reason...