#Decision
------------------------------------------------------
★Third Person's POV★
HINDI MAGKAMAYAW ang lahat sa loob ng campus dahil sa pagsabog na naganap. Lahat ay nagkukumahog makalabas sa malaking gate na mistulang naging maliit dahil sa nag-uunahang mga estudyante, guro at tauhan ng paaralan. Nakalabas ang lahat, ang mga guro ay panay ang tawag sa kani-kanilang mga estudyante. Ang Dean ay kinakausap ang mga tauhan kung nakalabas at maayos ang lahat. Nasa kalagitnaan ng pagkamusta si Ms. Del Feirro sa mga school stuffs ng lumapit ang isang guro. Si May Santos.
"Dean, may na iwan pa sa loob. Ang mga estudyante ko dean." natataranta nitong sabi.
"Ilan ang wala sa klase mo Ms. Santos?" mahinahong tanong ng dean.
"Lima, dean."
"Sino sino ang mga na sa loob pa?"
Hindi malaman ni May Santos kung sasabihin niya ba o hindi. Baka ano ang mangyari sa punong guro. Ngunit nag-aalala siya para sa limang estudyante niya na nasa loob pa rin hanggang ngayon.
"Ang mga na sa loob pa dean...ano...sina, Grae Takahashi, Krystal Moon, Lucas, Jake at ang pamangkin po ninyo. Si Kieffer."
"Ano? Ang batang iyon talaga." biglang sigaw ni Ms. Del Fierro at dali daling humakbang upang makabalik sa loob.
Nakatawag na ng bombero upang umapula sa apoy at pulis upang paimbistigahan ang nangyari. Parating na ang mga iyon.
"Tumawag na din kayo ng ambulansiya." sigaw pa nito sa isang tauhan at muling humakbang. Malapit na si Ms. Del Fierro sa gate nang mapatigil ito.
May nagsilabasan na mga hologram sa mismong gate at pader. Doon ay nakita nila ang limang estudyanting kilala ng lahat. Mapaguro, estudyante o school stuffs man. Sina Kieffer, Lucas at Jake na tinaguriang the lucky three. Ang transferee na si Krystal. At ang panglima, ang kilalang freak sa buong school campus. Na kahit mismong mga college students ay kilala siya. Si Ishana Grae Takahashi.
Napapalibutan ang lima ng mga armadong kalalakihan. Hindi lamang sampo, hindi bente...kundi higit pa sa isang daan. Mistulang na nunuod ang lahat ng sine. Hindi lamang nila nakikita ang mga nangyayari sa loob. Naririnig rin nila.
"Good day people of this fuck up school."
Sabi ng boses. Hindi nila alam o matukoy kung sino ang nagsalita. Wala ito sa nakikita nilang mga taong nasa hologram monitor na hindi nila alam kung paano nagkaroon.
"As you can see, sinadya ko talaga ang limang estudyante niyo. For sure you all know who they are."
Tahimik ang lahat, walang nakapagsalita. Walang umimik. Lahat ay gulat sa nagyayari.
"My bad, ofcurse you knew them. Hmm, by the way, how are you dean Del Fierro? Kumustang makita ang pamangkin mo ngayon? Oops don't be too excited dean. Hindi pa nagsisimula ang laro." At binuntutan nito ng tawang nakakainsulto ang sinabi.
"And again, my bad. Matagal na palang nag-umpisa ang laro bwahahahaha."
Hindi malaman ng dean ang dapat gawin. Gusto niyang sumugod at pumasok sa loob. Gusto niyang tawagan ang mga magulang ng pamangkin. Ngunit ni isa ay wala siyang na gawa. Sa kadahilanang alam niyang wala siyang magagawa upang iligtas ang pamangkin. Magiging pabigat lamang siya. Na nginginig na napasalampak ang dean sa semento. Bumuhos ang mga luha sa kanyang mata. Nanginginig ang labi. Pumikit siya ng mariin at umiyak ng umiyak. She felt so useless. Sarili niyang pamangkin ay hindi niya magawang ipagtanggol. Wala siyang magawa.

BINABASA MO ANG
Those Eyes
ActionA girl born to be different from everyone. A weird one for almost all of them. Some find her cool. While that group find her way different specially him. What will happen if she realize what really is inside of her. The real her and the real reason...