-Chapter 16-

1 1 0
                                    


#TheStart

------------------------------------------------------



★Grae's POV★



         PAGKATAPOS kong mag-impaki ay lumabas na ako ng unit. I head straight to the elevator. Pagbukas ay agad na akong pumasok at pinindot ang ground floor. We already made the plan. Kanina ko lang ibinigay ang go signal para sa paglipat namin sa head quarter namin ni buwan. Mas madali naming mamomonetor ang galaw ng alphabet doon. Bukod sa akin ay si Krystal lang ang nakakaalam ng head quarter. Kumpleto rin ang mga gamit doon kaya magigingmadali na lang ang pagtatapos namin sa laro. Hindi pweding habambuhay na lang na magkikipaglaro kami. Ngayon na ang tamang panahaon para kumilos.

Ilang linggo na lang naman ang bibilangin. Sembreak na namin. At sa panahong iyon. Tatapusin ko na ang punot dulo nitong laro. Ang alphabet. Pagbukas ng elevator ay agad na akong lumabas at dumeretso ng parking lot. Ng makita ko si Krystal na nakahilig sa sasakyan niya. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit. Umayos siya ng tayo ng makitang papalapit ako sa kanya.

"Nagligpit ka talaga ng dadalhin?"  Hindi niya makapaniwalang saad.

"Stating ng obvious, buwan."   I said rolling my eyes.

Ngiwi ang sinagot niya bago binuksan ang backseat. I put my things inside her car and go to the front set. Pagkaupo ko ay siya namang pagbuhay niya sa sasakyan.

"Akala ko talaga wala kang dadalhin."

I  just sigh and lean my back to rest. Pinikit ko ang mga mata at nag-isip. I have a lot of what ifs inside my head. Pero sa lahat ng what ifs na iyon. Wala akong makuhang tama. Hindi ko nakikita ang mangyayari sa hinaharap. Ang kailangan lang ay magawa ng maayos ang plano. If our plan A won't work. We will proceed to plan B. Kung pumalpak pa rin iyon. Marami pang letters ang natitira. But I doubt my plan A won't work. Sa lahat ng mga planong binuo ko simula nuon. Hindi na kailangan ang plan B. Pagkatapos magtanong ng kung ano-ano ni buwan ay naging tahimik na din ang byahe. Ilang minuto pa ang lumipas bago tumigil ang sasakyan. I unbackle my seatbelt and go out of the car.

Napatitig ako sa bahay na nasa aming harapan. The house was still the same from the outside. Halos walang pinagbago. Hindi ganoon na maintain dahil wala na ang head ng bahay. Dahil wala siyang naging asawa at anak ay umalis na din ang mga trabahanti niya dati. Paunti-unti hanggang sa tuluyan na siyang pumanaw at na abanduna na nga ang bahay. Ako at si Krystal lang ang bumibisita dito nitong mga nagdaang taon para maglinis at panatilihin ang bahay. Pero dahil sa mga nangyari ay si Krystal na lang ang hinabilin ko sa bahay. Kaya siguro ganito na ito ngayon. Na una ng pumasok si Krystal kaya sumunod na ako. Pagpasok ay agad na iginala ko ang tingin sa loob. Ganoon pa rin ang hitsura ng sala. Walang pinagbago. Kahit ang mga gamit at ayos. The old black long sofa was neatly setting on the end right corner. Malapit sa bintana at pintuan papuntang kusina. The small round table on its front and the gray carpet. The floor was made of thick woods. Ang mga paintings na nakasabit sa dingding. Pinagigitnaan ang hagdanan. Nakarinig ako ng ingay mula sa kusina kaya naglakad ako papunta doon.


There I saw them. Kieffer, Lucas and Jake. Pati si buwan nakikisali. Humilig ako sa hamba ng pintuan at tinignan sila. Tulad ng dati. Masaya pa rin silang tatlo kahit madalas ay nagkakapikunan. Na aalala ko pa dati. Nakaupo lang ako sa isang tabi at nakatanaw sa kanila. Admiring the friendship they have. Hanggang ngayon. Ang pinagkaiba lang, kinakausap ko na sila. Lalo na siya. Tipid akong napangiti nang maalala ang mukha niya nung unang subok niyang kausapin ako dati. Laglag ang balikat at nakanguso habang matamlay na bumalik sa dalawang kaibigang tinawanan siya dahil hindi ko kinibo.


"Grae, tara dito."   tawag ni Lucas sakin ng makita ako.


"Kain tayo Grae."


Lumapit ako at na upo sa dulo. Kumuha ng pagkain at nagsimula nang kumain. Maingay pa silang kumakain. Maraming tanong na sinasagot naman ni Krystal. Habang tahimik naman akong kumakain. Nakikinig lang sa kanila.


"Grabe, akala ko talaga underground ang head quarter ninyo. Dito lang pala."   mangha sabi ni Lucas. Sinagot lang siya ng tawa ni buwan. Kahit kailang talaga itong si Krystal.

"Kung sa bagay. Hindi mapagkakamalang hide out ito dahil mukhang haunted tingnan sa labas. Isama mo pang puro puno ang nakapalibot."


"Mas masukal na din ang daan papunta rito kaysa sa naaalala ko."   segunda ni Kieffer sa sinabi ni Jake.


"Ganun talaga kapaghindi ganun na maintain. Madalang na lang din kasi akong napapadpad dito."   tumango silang tatlo sa sinabi ni buwan.


Matapos nun ay tahimik na ang hapag. Tanging kubyertos na lamang ang nag-iingay. Nagpresintang maghugas si buwan pagkatapos naming kumain. Si Lucas naman ay tumulong sa kanya. Ako naman ay nagpasyang libutin ang buong bahay. Matagal na rin noong huling punta ko rito. Dahil sala at kusina ang nasa right side ng bahay ay tinungo ko ang left side nito. Binuksan ko ang isang pinto. Bumungad sa akin ang isang malaki at pabilog na mesa. Ang dingding ay mistulang bookshelf. May iilang gamit ang nandoon, pero marami ang walang laman. Walang bintana ang silid pero tumatagos naman ang hanging labas dahil sa maliliit na ispasiyong sinadyang ilagay sa bawat itaas ng dingding sa bawal sulok. Lumabas ako at isinarado ang pinto saka nagpatuloy sa paglalakad. Ilang hakbang mula sa kwartong pinanggalingan ko ay ang terisa. May duyan, isang lamesita at apat na upuan. Tanaw mula dito ang dating malawak at malinis na training ground. Ngayon ay nagtataasang ligaw na damo at hindi naalagaang bermuda grass.  Nandoon pa rin ang swing na palagi kong inuupuan tuwing pahinga mula sa training. Maging ang punong tambayan ng tatlo kaharap ng swing ay nandoon pa rin. Mas lumabong nga lang ang mga dahon niyon at dumami ang sanga.


"Ang lalim ata ng iniisip mo?"


Kahit hindi ko na lingunin. Alam ko na kung sino ang nagsalita. Kung sa bagay, kanina ko pa napapansin ang pagtitig niya sa likod ko.


"May inaalala lang."  maiksi kong sagot.


Lumapit siya at tumayo sa gilid ko. Saka niya ako nilingon.


"Mind to share it?"


Iling lamang ang sagot ko. Hindi na kailangan. Dahil alam ko. Ilang oras, o baka minuto na lang. Kailangan ko ng sabihin sa kanila, sa kanya. Ang totoong ako. Bago ko tuluyang tapusin ang laro. Kasama man sila o hindi. Dahil hindi ako magpapatalo sa kahit anong larong buhay ang taya. 














ST💧

Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon