#Who is who?
Part 1------------------------------------------------------
★Kieffer's POV★
MATAPOS ng quizzes ni Ms. May ay puro discussion na lang ang nangyari. Hindi rin ako makapagconcentrate dahil sa mga iniisip ko. Ni hindi nga ako halos nakatulog kagabi dahil sa mga na laman ko. Lutang ako ngayon at na kay Grae lang ang bou kong atinsiyon hanggang sa matapos ang klase.
"Bro tara na." aya ni Lucas
Si Jake naman ay nakatingin lang sa akin.
"Una na kayo. Dadaan pa ako kay tita."
Tango lang ang sinagot nila at na una na ngang umalis. Totoong dadaan pa ako kay tita pero ang talagang sadya ko ay ang sundan siya.
"Ge, una na kami." paalam nila bago na unang umalis.
Nang lumabas na siya ng classroom ay saka ako tumayo at lumabas na din kasunod niya. Pagdating sa labas ng building ay lumiko ako sa kabilang pasilyo kung saan mas madaling marating ang Dean's office. Pagtapat ko sa pinto ay agad na akong pumasok.
"Na saan na ang hiningi ko tita? agad agad kong tanong.
"Here." abot ni tita sa akin ng isang folder.
"Sana makatulong iyan sa kung sino man iyang hinahanap mo."
"Thanks tita. Gotta go."
Tango at ngiti lang ang isinagot ni tita sa akin kaya mabilis na akong lumabas. Sakto lang rin ang timing ko dahil kakalagpas niya pa lang ng deans office. Dahan dahan akong naglakad para magkaroon ng distansiya ang pagitan namin. Iyong tipong hindi niya iisipin na sinusundan ko siya. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya kaya kita ko kung paano niya bahagyang binagalan ang lakad. Ramdam siguro niya na may nakatingin sa kanya. Medyo binilisan ko ang lakad ko, iyong tama lang para maabutan ko siya. Hanggang sa magkasabay na nga kami sa paglalakad palabas nang gate. Na pa lingon ito sakin kaya nakangiti ko itong nilingon.
"Hi!" bati ko sa kanya at nahihiya naman itong tumango lang na ikinangiti ko lalo.
"Ano iyan?" bigla niyang tanong ng makita ang bitbit kong folder.
Curiosity flash through her face for a second then fades away. Napalitan iyon ng poker face.

BINABASA MO ANG
Those Eyes
AksiA girl born to be different from everyone. A weird one for almost all of them. Some find her cool. While that group find her way different specially him. What will happen if she realize what really is inside of her. The real her and the real reason...