#The Beginning
------------------------------------------------------
★Grae's POV★
PAGDATING ng mansion ay dumeritso ako sa library para sana doon mag-aral, ng aksedenti kong marinig ang boses ni mommy nang mapadaan ako sa tapat ng office ni dad.
"Ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin hon."
"Sinubukan niyo na ba siyang pagalitan mom?" kumunot ang nuo ko ng marinig ang boses ni kuya.
"Hindi pa, wala naman kasi siyang ginagawa na pwede kong ikagalit."
Imbis na dumeritso na ako ng library ay hindi ko ginawa. Tumayo ako sa tapat nang pinto at na kinig. Na curious ako kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Ano pa ba ang pwede nating gawin?" tanong ni dad.
"Lahat tayo mapapahamak kapag hindi natin siya napaalis mom."
"Isang linggo na lang ang meron tayo para paalisin siya."
Mas kumunot ang kaninang nangungunot ko ng nuo sa mga naririnig ko. Madami ring katanungan ang na bubuo sa isip ko, tulad na lang ng bakit kami mapapahamak? At sino ang gusto nilang paalisin para walang mapahamak? And just as that, na sagot agad ang huling tanong ko.
"I'm worried hon. Baka mapahamak lalo si Grae. I don't want to lose our daughter."
Halos ma bato ako sa kinatatayuan ko. Ako...ako ang gusto nilang paalisin para walang mapahamak. Pero bakit? Sa anong dahilan?
"Ipaubaya niyo na sa akin si bunso mom. I have a plan."
Sa na rinig kong sinabi ni kuya ay umalis na ako doon. Dumeritso ako ng library at agad na hinanap at kinuha lahat ng librong magagamit ko sa pag-aaral. Palabas na ako ng makita ko si kuya, kung hindi ako nagkakamali ay makakasalubong ko siya. Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang lumabas ng library at naglakad pasalubong kay kuya.
" Ang dami niyan bunso ah. Tulongan na kita."
"Salamat kuya, pero kaya ko na ito." mabilis kong sabi bago siya lagpasan.
Pagpasok ko ng kwarto ay inilock ko ang pinto at saka dali-daling inilapag sa study table lahat ng libro pati na ang bag ko. Hindi ko hahayaang magawa nila ang plano nila sa'kin, dahil uunahan ko na sila. Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang cellphone at nagdail ng number. Sa mga ganitong pagkakataon ay isang tao lang ang pinagkakatiwalaan ko. Nakailang ring pa lang ay sinagot na agad nito.
"Yes?". masiglang sagot niya.
" Ready the condo." maotoridad kong saad.
"Aalis ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Just ready the condo and wait for my message." irita kong sagot at ibinaba na ang tawag.
Kinuha ko na ang malita ko at agad na nag impaki. Lahat nang kailangan kong gamit maliban sa mga damit at sapin sa paa ay inimpaki ko rin. Matapos makapag impaki ay inilibot ko ang tingin sa loob. Napabuntong hininga ako at pabagsak na humiga sa kama. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto.

BINABASA MO ANG
Those Eyes
БоевикA girl born to be different from everyone. A weird one for almost all of them. Some find her cool. While that group find her way different specially him. What will happen if she realize what really is inside of her. The real her and the real reason...