Epilogue

4 1 0
                                    

#ThoseEyes

------------------------------------------------------


★Kieffer's POV★


After seven years

      INAAYOS ko ang suot kong necktie habang nagmamadaling bumaba. Kanina pa rin ako tinatadtad ng text messages ng ni Krystal. Palabas na ako ng makasalubong ko si mommy.

"Aalis ka na?"

"Yes mom, kanina pa ako tinitext ni Krystal eh. Baka nga pagdating ko doon mabatukan na naman ako nun."

Tinawanan lang ako ni mommy dahil sa sinabi ko. Lumapit ako at humalik sa pisngi ni mom.

"Gotta go mom."

"I wish for your happiness son. Take care."  she said and wink at me.

Kunot nuo akong napatitig kay mom hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Parang may alam siya sa mangyayari mamaya. Ang weird lang kasi ng sinabi niya. I get inside my car and drove my way to the venue.

Habang na sa byahe ay hindi ko maiwasang mapaisip. Why would my mom said that? Masaya naman ako. Pero mas magiging samasaya ako kung nandito siya. Pagkatapos ng nangyari dati. Matapos niyang taposin ang laro mag-isa sa loob ng campus. Sinabi niya lang na wala ng manggugulo sa amin. Sa akin. Dahil tinapos na niya ang alphabet. Matapos nun ay umalis na siya. At iyon na ang huling beses na nakita ko siya. Kahit si Krystal ay wala ng balita sa kanya.

I park my car when I reached the building. Bumaba na ako at malalaki ang hakbang na naglakad papuntang elevator. As I enter the elevator I press the button for the rooftop. Oo sa rooftop nitong hotel ang venue ng reunion namin. Reunion naming mga sr high. Hindi lang mga naging kaklase ko ang nandito kundi boung batch namin. Ng huminto at bumukas na ang elevator ay agad na akong lumabas. Bumungad sa akin ang red and gray theme ng venue. Mukhang nandito na ang lahat at mag-uumpisa pa lang ang program. I saw Krystal on the stage having her speech. Dahil hindi ko makita sina Jake at Lucas ay nagpunta na lang ako sa bar counter. Na upo ako sa isa sa mga stools doon at um-order ng rum.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko doon ng may tumapik sa balikat ko. And there I saw Jake and Lucas. Na upon sila sa magkabilang gilid ko. Inalalayan naman ni Jake iyong girlfriend niya. Si Lucas ay na sa stage ang mata. Titig na titig kay Krystal.

"Kapag iyang si Krystal na tunaw, wala ka ng pakakasalan."   asar sa kanya ni Jake.

Nakasimangot namang binalingan ito ng tingin ni Lucas.

"Hindi ice cream ang Krystal ko para matunaw gago."

Na tawa kami sa sinabi niya. Even Jakes girlfriend. Oo, ilang buwan nung nawalan na kami ng balita sa kanya ay niligawan ni Lucas si Krystal. Hindi nga ako makapaniwala kung paano napasagot nitong si Lucas si Krystal. Sukat ba naman kasing halos mabugbug na siya sa kakulitan niya kahit ilang beses na siyang binasted. And yes, they're getting married. Dapat nga nuong nakaraang taon ang kasal ng dalawa. Pero dahil ayaw ni Krystal makasal ng hindi ang best friend niya ang maid of honor. Hindi na tuloy. Ewan ko na lang ngayong taon.

"Cas huwag niyong hayaang malasing iyang single diyan."     said Krystal.

Nakangisi itong nakatingin sa akin na mukhang excited. Ano naman ang mukhang ka-excite-excited sa event na 'to. Wala naman. Ang boring pa nga. Mas gusto ko pa ang magbabad sa trabaho, kung hindi lang ako tinakot ng mga ito hindi ako pupunta ngayon.

"Syempre naman hindi namin hahayaang malasing iyan. Baka pumalpak pa ang surprise natin."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Jake. Anong sinasabi ng isang ito?

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid. Maingay at halos lahat ay na sa gitna. Nagsasayaw sa malakas na tugtog. Maya maya pa ay love songs na ang kanta kaya nagkanya kanya ng hanap ang mga single ng makakaparehas. Si Jake ay inaya iyong girlfriend niya. Samantalang si Lucas bigla na lang hinila ni Krystal. Kamuntikan pa niyang mabitawan iyong basong hawak niya. Napailing na lang ako sa dalawa. Madalas mag-asaran at magkapikunan ang dalawang iyon pero in the end of the day. Tatawanan lang nila ang mga pinaggagawa nila.

I sighed and look at the dance floor. Na kita ko si Hanna na kasayaw iyong isa sa mga manliligaw niya dati. Napangiti ako ng makita ko kung paano siya mailang sa kasayaw niya at the same time masaya. Mabuti na rin iyon ng hindi na niya ako guluhin. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa iniinom kong alak. Mas na m-miss ko lang siya kapag sa mga nagsasayaw nakatuon ang paningin ko.

Biglang namatay ang tugtug kasunod ng mga ilaw. May mga tumili at nagbubulongan dahil sa nangyari. Maya maya lang ay bumalik na rin ang ilaw. Iyon nga lang, mas na takot ang mga dumalo. May nakapalibot sa amin na mga nakaitim. Lahat ay may dalang espada.

"What the hell."

Dinig kong sigaw ni Krystal. Matapos nun ay ang bulungan dahil sa takot. Tumunog ang elevator. Naghintay kami kung may lalabas ba pero wala. Kumunot na ang nuo ko sa pagtataka. Napatingin ako sa gawi nila Lucas. Bakas sa mukha nila ang pagtataka. Kahit si Krystal ay walang idiya sa nangyayari. O baka nagpapanggap lang sila? Ito ba ang surprise na sinasabi nila? Iyon nga lang, alam ko na hindi. Kilala ko na masyado ang tatlong iyon. Kaya sigurado akong wala silang alam sa nangyayari ngayon. Halos magsalubong na ang kilay ko nang lumuhod sa isang tuhod nila ang mga nakaitim na pumalibot sa amin. May kung ano silang sinabi na hindi ko maintindihan.

Pinalibot ko ang tingin ko sa buong lugar. And it stops to a one person I missed the most. Standing ten steps away from me. She's smiling. A sweet one. Napaawang ang labi ko. Hindi makapaniwala sa nakikita. Na sa harapan ko siya ngayon. She's wearing an of shoulder red dress.

"Ishana."

I called, almost a whisper. Pero dahil masyadong tahimik, kaya hindi ko alam kong walang nakarinig ng pagbanggit ko sa pangalan niya.

"Am I late...Kie-kun?"

Hindi na ako nakapag-isip pa. Basta ang alam ko lang ay malalaki ang hakbang ko papunta sa kanya at agad siyang hinalikan. Masyado ko siyang na miss at hindi sapat ang salitang I miss you para ipakita iyon sa kanya. Kapos ang hininga ng humiwalay ako sa kanya. I look at her eyes.

"I miss you so danm much my Ishana."

"And I love you too Kie-kun."

She said and she crushed her lips against mine. I was wishing before to see her again. Now that she's her. My Ishana. I will never ever let her go and slip away from me.

I, Kieffer Del Fierro already fall deeply in love. With the most gorgeous girl that have the most beautiful eyes. Ishana Grae (Hell) Takahashi.

And I surely will wake up the next morning in my life looking with...


Those eyes



END



ST💧

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon