Chapter 6

6 2 0
                                    


#Who is who?
Part 2

-----------------------------------------------------



★Grae's POV★   




          PAGLABAS namin nang supermart ay umuulan na. Hindi na katakataka iyon dahil umaambon na kanina pagdating namin dito. Na pa tingala ako sa langit at napatitig doon. Parang may kung ano na nagsasabi sa akin na kailangan kong mag-ingat ngayon. Napalingon ako kay Kieffer ng magsalita siya.


"Dito ka kukunin ko lang ang kotse."   mabilis niyang sabi at agad na umalis.


Hindi man lang ako pinagsalita. Hinayaan ko na lang siya at naghintay na lang. Kahit pa malapit lang ang condo dito sa supermart at wala akong balak suongin ang malakas na ulan. Hindi ako pweding magkasakit, lalo na sa sitwasiyon ko ngayon. Nang makita kong huminto ang kotse niya sa harap ko ay binuksan ko na ang pinto ng passenger seat at pumasok sa loob.


"Tamang tama lang pala na sinamahan kita."   sabi niya habang inilalagay ko ang mga pinamili sa back seat. Habang siya ay minaniobra ang sasakyan.


"Saan ka nga pala nakatira?"   tanong niya



"M's condominium."   tipid kong sagot.


"M's condominium huh. That's one expensive condo in the town."

I just shrug and look outside. The rain was getting heavier in every seconds. Hindi rin nagtagal ang byahe dahil tulad nga ng sabi ko, malapit lang ang condo. As I step out his car, I look outside the building. Masyado ng malakas ang ulan. Hindi ko na makita ang na sa kabilang kalsada. Kinuha ko na lahat ng mga pinamili ko sa backseat at humarap kay Kieffer.


"Salamat sa pagsama at paghatid."   pasasalamat ko.


Ngumiti siya sabay gulo nang buhok ko. Seriously? Kailangan talaga manggulo ng buhok? Tss, anong na kain ng isang ito?

"No problem. Paano, alis na ako."

 


Nakakunot nuo ko siyang tinignan. Baliw ba ang lalaking ito? Masyadong malakas ang ulan at palakas ng palakas ang hangin. Bumabagyo nga ata ngayon e. Tapos uuwi siya sa kanila? May saltik ba siya sa ulo?

"Kieffer."   tawag ko sa kanya ng akmang papasok na siya sa kotse niya.


"Bakit?"   nakangiti niyang tanong.

"Uhm, a-ano..."

  

Aish, bakit ba ako na uutal? Tss konsinsiya ko pa pag may nangyaring masama sa kanya sa daan.


Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon