-Chapter 12-

1 1 0
                                    


#I demand an explanation too

------------------------------------------------------



★Kieffer's POV★


     HINDI pa man kami nakakalabas nang gubat ay marami na ang sumusunod. At ang nakakabahala pa, may ibang grupo pa ang sumusunod sa amin maliban sa mga nakalaban namin kanina. Napamura na lang ako nang banggain ang sasakyan namin mula sa likod. Shit, this is way too much. Hindi naman sila ganito dati. Tamang sunod lang. Hindi namamangga.



"Shit K, ang dami nila."   mura ni Lucas na hindi magkandaugaga sa paglalagay ng bala sa mga baril. Tumingin ako sa kanya bago tumingin ulit sa likod at na pa mura na naman ng mas dumami pa sila.


"L, another one."   sigaw ko sabay hagis ng baril na wala ng bala. Ibinato naman niya sa akin ang bagong reloaded na baril. Kinasa ko iyon at nakipagpalitan ng putok.


"K, code a."   natigilan ako sa sinabi ni Jake. Binalingan ko muna ng tingin si Grae. Ganoon pa rin naman ang expression niya. Walang pinagbago kahit inuulan na kami ng mga bala. At hindi nga nagkamali si J. Mas bumilis pa ang takbo namin nang batuhin nung mga nakamotor ng mga daggers ang kotse ko. Kahit na mabilis na ang takbo ng sasakyan. Karamihan pa rin sa mga daggers nila ang bumaon. Na pa lingon ako kay Grae ng bigla na lang siyang nagmura.


" K, kasama pa ba ng mga walang hiyang iyon ang mga nakamotor na iyan? Shit."  sigaw ni Lucas.


"Mukhang hindi."    sigaw kong sagot. Hindi kasi kami magkakaranigan kung ganitong subrang bilis na nang takbo namin. Lalo na kung si Jake ang may hawak ng manobila.


"Kung mukhang hindi. Ano ang pakay nila sa atin?"   biglang sigaw ni Jake.


"Hindi ko Alam."   sigaw ni Lucas.


"Fuck, huwag niyong sabihing may isang grupo na naman ang waaaaaaaa Jaaaakkkkkeeeee."   naghihistirikal sa sigaw ni Lucas.   Bat hindi niya gayahin itong kasama naming babae? Pinapaulanan na kami ng bala at patalim emotionless pa rin. Na pa tingin ako sa harap ng dumoble ang lakas ng sigaw ni Lucas at na pa mura si Jake. Na pa mura na lang din ako ng makitang may mga nakamotor na nakaharang sa dadaanan namin. Malayo pa naman kami sa mga iyon pero kitang kita namin sila. Hindi rin kami makakaliko sa kaliwat kanan dahil sa mga kotseng gustong gitgitin ang sasakyan namin. May mga nakamotor pang halos ilang pulgada na lang ang layo sa isat-isa.


"Code s."   fuck, code s na. Langya. Hindi kami pweding mahuli ng mga humahabol sa amin dahil paniguradong gagawin nila kaming parang robot. Fight and die na naman kami ngayon. Ang kaso, may babae kaming kasama. Wala pa namang alam si Grae sa kung anong dahilan bakit kami sinugod at ngayon nga ay hinahabol ng mga taong iyon. Hindi ko lang alam kung pariho ba ang mga nakamotor na ito ng dahilan sa mga iyon o hindi.


"We have no choice. J, L, letter s."  malakas kung sigaw. Kahit nag-aalangan ay tumango silang dalawa bilang pagsang-ayon.




★GRAE'S POV★


     NAPAPAMURA na lang ako sa isip ng makita ang ginawang pagpapaulan nila ng daggers sa kotse. Iyong pagpapaulan ng bala nung mga nakipagbuno sa tatlo kanina ay wala lang sa akin. Pero nakisali na ang T's. Mukhang mag-uumpisa na talaga ang laro namin. Harangan ba naman ang daan. Tss. Ang nakakabwesit lang, sinali nila ang tatlo sa laro. Mukha pa namang may ibang nakikipaglaro sa tatlong ito. Na pa tingin ako kay Lucas na hindi magkandaugaga sa pagrereload ng bala ng baril. Mabilis at halos tatlo ang na papalitan niya ng magazine bago ihagis ni Kieffer ang baril na gamit niyang ubos na ang bala at dadampotin ang dalawang baril na bagong palit ng magazine saka makikipagpalitan ng bala. Tiningnan ko ulit ang mga nakaharang, balik kay Lucas. Balik na naman sa mga nakaharang saka walang pagdadalawang isip na kinuha sa kamay ni Lucas ang bagong palit na magazine na baril sabay bukas nang pinto. Patagilid kong inilabas ang kalahati ng katawan ko at pinagbabaril ang mga Takahashi na nakaharang sa daraanan namin. Hindi ko man alam ang ibig sabihin nung mga codes at letter na pinagsasabi nila kanina. Alam ko namang fight and die ang kailangan naming gawin ngayon. Hindi ako pweding matalo sa larong ito. Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo. Rinig ko ang sigaw nila, pinapabalik ako dahil masiyado raw dilikado. Rinig na rinig ko pa ang pagmumura nila. Hindi ko sila pinakinggan hanggang sa maubosan ako ng bala. Binalik ko sa loob ang kalahati ng katawan kong nakalabas at mabilis na inagaw ulit ang baril na bagong reload sabay hagis sa baril na hawak ko kay Lucas. Mabilis kong nilabas ulit ang kalahati ng katawan ko at pinagbabaril ang mga nakaharang. Napangiti ako ng magkaroon ng sapat sa daan para makalampas kami sa kanila. Kaya binaling ko sa likod ang atinsiyon at ang mga nakamotor na humahabol sa amin ang pinuntirya ko. Bumalik lang ako sa ayos ng maubosan ulit ng bala. Mabilis kong sinara ang pinto at hinagis kay Lucas ang baril saka prenting umupo.





      NG makalagpas kami sa T's at paunti unti ng nawawala ang mga humahabol sa amin ay wala sa sariling napangisi ako. Hindi kailan man ako magpapatalo. Pero, punyemas talaga. Umalis na nga ako sa bahay dahil ayaw nila dad na madamay sila sa laro. Dinamay naman nila ang tatlong unggoy na ito. Huminto sa gilid ng kalsada ang sinasakyan namin saka sila sabay sabay na tumingin sa akin. Lucas and Jake have this disbelief written on their faces while Kieffer, well...he has emitting a dark aura. A dangerous gaze that he is giving me saying that I have to explain something. Like duh. Para namang magsasabi ako.



"What was that?"   mariin niyang tanong. Halatang galit.



"What?"   inosenti kong tanong.



"Don't give me that face Grae. You know what I am talking about."   wala sa sariling inirapan ko siya. Siya pa may ganang magalit. E sila naman ang dahilan kung bakit nag-umpisa na ang laro tss.



"Na kita niyo naman diba?"   nakataas kilay kong sagot. Inihilamos niya sa mukha ang dalawa niyang palad at nagmumura. Iyong dalawa ay tahimik lang na nakatingin sa amin.



"Alam mo bang dilikado ang ginawa mo?"   magkasalubong ang kilay na tanong niya. Napahinga na lang ako ng malalim. Alam ko naman kung ano ang ginagawa ko.



"I know what I did earlier. Now Kieffer. What was that?"   natigilan siya sa naging tanong ko. Akala niya nakalimutan ko na. Puwes, he's wrong. They're wrong. Ang plano ko pa naman ay imbistigahan sila. Pero dahil mukhang pati ako makakapag-explain ng wala sa oras. Tss, those T's were really annoying.



"What was that? Who are you, really? The three of you?"   they just stay stilled. Maya maya pa ay nagkatinginan sila. Na pa buntong hininga si Jake. Si Lucas ay napamura. Habang si Kieffer ay na ihilamos na naman ang mga palad sa mukha saka malutong na nagmura.



"I demand an explanation Kieffer."   mautoridad kong sabi. He stilled again and then look at me. Walang kahit na anong emosiyong makikita sa mukha niya. And again, he's emitting dark aura.



"I demand an explanation too."   malamig niyang sabi habang madilim ang mukha. Looks like I have no choice. I inhale deeply and release it. Saka ko sinalubong ang malamig niyang titig.



"Okay."  I said with a shrugged.



"You first."    tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa siya ang unang sumuko.



"Fine. What do you want to know?"    pagsuko niya. A triumphant smile escape my lips.



"Everything."


























ST💧

Those EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon