Chapter - 9 Jealous

331 12 0
                                    

Calvin's POV

Ng makarating kami sa harap ng bahay nila bigla siyang bumaba at sinundan ko naman ito. Tumakbo siya ng mabilis papunta sa gate at ng isasara na niya bigla ko itong pinigil at inipit ang paa ko sa baba ng gate

"Ano ba!" Inis niyang sabi

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong ko

"Anong sinasabi mo, gabi na, oh!" Sagot niya

"Excuse me, hapon pa lang hindi gabi!" Sabi ko at pakindat kindat pa

Nagulat ako ng bigla niyang sinara ang gate, kaya naman napasigaw ako "ouch!!"

"Kaingay mo!" Sabi niya

"I-ikaw k-kase, eh! Ang sakit! Putangina!" Sabi ko at hinawakan pa ang paa

"Bunganga mo!" Seryoso niyang sabi. Kaya naman napangiti ako ng palihim dahil may concern pa din pala siya sakin kahit papano

"Sorry, kitty ko!" Sabi ko habang nakangisi

"Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi tayo close!" Sabi niya sakin kaya napatigil ako

"S-sorry!" Sagot ko at aalis na sana kaso biglang siyang nagsalita

"Ehem!" Parinig niya, kaya napalingon ako. Ng paglingon ko nakapikit siya at huminga ng malalim "t-thank you." Dagdag niya kaya napangiti ako ng malapad

Lumapit ako sa kanya yung lapit na lapit at hinawakan ang dalawang pisngi niya "a-anong g-gagawin m-mo?" Natatakot niyang sabi

Nilapit ko ang labi ko sa labi niya. Pero medyo umiwas niya, napangiti ako at hinalikan siya sa noo "your welcome, pagong!" Sabi ko at niyakap siya

At ng satisfied na ako sa yakap ko humiwalay na ako sa kanya tapos naglakad na at lumapit sa sasakyan ko. At humarap ulit sa kanya tapos ngumiti "good night, Kate!" Sabi ko at sumakay na sa sasakyan at pinaandar na ito tapos umuwi na

Katelyn's POV

Nang makaalis na siya pumasok na ako sa loob at pag pasok ko wala sila mama kaya minabuti kong tanungin si nay Ava

"Nay Ava, asan po sila papa?" Tanong ko

"Ah! Yung mga papa mo ba?" Tumango ako "may trabaho daw sila sa hong kong. Kaya sabi nila bantayan ka daw namin!" Sabi ni nay Ava

"Kailan po sila umalis?" Tanong ko ulit

"Kaaalis lang nila nung pagdating mo!" Sagot ni nay Ava

"Bat hindi man lang sila nagpaalam?" Tanong ko kay nay Ava

"Kase daw anak kailangan na nilang umalis at baka daw kase malate sila sa flight nila!"

"Ok po, nay Ava"

At umakyat na ako sa kwarto ko. Tapos ginawa ang mga home works ko. Ng matapos ko ang mga home works ko, nahiga na ako para matulog

*Ff*

Kinabukasan..... Maaga akong nagising '5:00' palang nagising na ako. Ng tumayo ako sa kinahihigan ko. Nakita ko ang mga notebook ko at ang mga libro na nakakalat sa table ko

"Hay, hindi ko pala nalinis. Kainis naman!" Sabi ko sa sarili ko at nasapo kona lang ang noo ko

Kaya ang ginawa ko nilinis ko muna ang mga libro ko at notebook. Tapos inilagay ko sa bag ko. At kinuha kona ang tuwalya ko at naligo na. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at ng makita ko kung sino ang nasa baba. Kumulo agad ang dugo ko

"Good morning, sis." Bati ni Stacy

"Good morning, Kate" Bati din ng kasama niyang si Calvin

"Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now