Chapter - 34 Sorry

172 7 0
                                    

Katelyn's POV

Nagising ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko ng sunod sunod. Nasa ilalim pala siya ng unan ko, nakita kong nagchat sakin si Drake gamit ang messenger nag send siya ng picture

At ng makita ko ang picture ikinadurog ng puso ko ang nakita ko. Nasa picture si Calvin at Stacy kumakain sa isang restaurant kasama ang mga kaibigan ni Calvin at ni Stacy. Magkatabi pa talaga sa upuan si Calvin at Stacy ang saya pa niya sa picture. Mga hayop kayo manloloko

Naligo na ako at bumaba na sa baba nakita ko si Calvin dun nakaupo sa sofa at ng maramdaman niya ang presensiya ko lumapit siya sakin ng nakangiti "good morning, babe" Nakangiti niyang bati at hinalikan ako sa labi ng mabilisan

Ngumiti ako ng pilit "Morning" Kumuha ako ng sandwiches sa table at kinain ito at lumabas na sa labas para pumasok "Kuya driver, papasok na po ako!" Sigaw ko

Palapit na si kuya driver kaso pinigilan siya ni Calvin "No. ako na po bahala" Sabi niya

"Sige po"

Nakasakay na kami sa kotse ni Calvin ayaw pa niyang paandarin ang sasakyan niya "Babe, what happen? Parang ang tamlay mo umiyak kaba?" Tanong niya. Wow ang kapal ng mukang magtanong

"O-okay lang ako" Sagot ko at binaling sa bintana ang ulo dahil naiirita ako sa pagmumuka niya. Tang ina

Nasa school na kami at nauna na akong bumaba hindi siya nagsasalita at tahimik lang siya. Nakasunod lang siya sa likod ko at habang paakyat ako medyo gegewang gewang ako gusto kong umiyak

Habang naglalakad ako paakyat sa isa pang floor may mga estudyanteng nagtakbuhan at nabunggo ako munting na akong gumulong sa hagdan buti nasalo ako ni Calvin "Are you ok?" Tanong niya

Tumango ako at tinanggal ang kamay niya sa bewang ko naglakad ulit ako habang nakasunod lang siya sakin. Nakarating na ako sa room namin at naupo agad ako sa upuan ko pansin ko din na tingin siya ng tingin sakin

Lumapit sakin ang mga kaibigan ko "Anong nangyari?" Tanong sakin ni Charming kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang message ni Drake tapos pinakita sa kanila ang picture

Ng makita nila ang picture ramdam ko ang galit ni Ella "Putang ina!!" Sabi ni Ella at akmang pupuntahan si Calvin pero pinigilan ko nalang siya

"Hayaan mo na" Sabi ko

"Kate!!" Sabi ni Ella at nanggilid na ang luha niya

"Mahal ko, eh!" At sabay sabay ng tumulo ang luha ko lumuhod si Ella at niyakap ako alam kong galit na galit na siya iyak lang ako ng iyak ng nakita ko si Calvin nasa tabi kona

"What happened?" Tanong niya sakin at hinimas himas ang likod ko

Umiling lang ako "Kate, kanina kapa matamlay" Sabi niya

"Ok lang ako. Puntahan ko lang sila Vina" Sabi ko at bago pa ako makatayo nahilo ako at biglang bumagsak ako akala ko mararamdaman ko ang malamig na sahig pero ang naramdaman ko ay ang bisig ng lalaking mahal ko at ang lalaking nangloko sakin. And everything went black

*Ff*

Nagising ako ng maramdaman ang pagkahilo ko ng imulat ko ang mata ko puro puti. Shit nasa langit naba ako inilibot ko ang mata ko at nakita ko si Calvin na kausap ang nurse dito sa school ng makita niya akong gising na mabilis siyang lumapit sakin

"Are you ok?" Tanong niya. Anong nangyari bat andito ako

Nagtataka ko siyang tinignan "What happened?" Tanong ko

"Hinimatay ka sa room at ang sabi ng nurse inatake ka daw ng asthma" Sabi niya. Right iyak nga pala ako ng iyak

"Ano bang problema, babe?" Tanong niya sakin

"Wag mo ng alamin, Calvin" Sabi ko at mabilis na bumangon na parang walang nangyari kahit na nahihilo pa ako

"Kate, ano ba!" Inis niyang sabi sakin. Siya pa ngayon ang may balak na magalit sakin ang kapal ng muka niya

Bago pa ako makatakbo bigla niyang hinila ang braso ko at dinala ako sa canteen "Maglunch muna tayo" Sabi niya at umorder siya ng sinampalukan at beef steak

Sakin yung sinampalukan para daw may sabaw at sa kanya naman ang beef steak. Tahimik lang akong kumakain hindi ko siya pinapansin at nagulat ako ng isandal niya ang ulo niya sa balikat ko

"Sorry!!" Sabi niya at parang malalim ang pinaghuhugotan niya

"For what?" Tanong ko

"Kase hindi kita naalagaan"

"Ok lang ako wag lang magalala" Sabi ko kahit na alam ko sa sarili ko na niloloko ko lang ang sarili ko. Walang magagawa mahal ko siya, eh!

Natapos kaming kumain at nasa parking lot kami ngayon "babe, punta tayo sa mall? Gusto mo?" Tanong niya sakin

Umiling ako "wag na, b-babe. Uuwi nalang ako para makapagpahinga" Ng banggitin ko ang babe lalo akong nasaktan parang hindi na ako sanay na banggitin ito at kumonot din ang noo niya nung nautal ako sa babe

"Are you sure, babe?" Tanong niya sakin

Tumango ako "Oo." Sagot ko at ng nasa harap na kami ng bahay namin lumabas na agad ako walang bye walang i love you. Pansin siguro niyang ang cold cold ko lately. Dapat lang no niloloko niya ako

Pagpasok ko sa bahay agad uminit ang dugo ko ng makita ang babaeng kinamumuhian ko si Stacy. Anong ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

Ngumisi siya "Don't worry, sister. Hindi ako manggugulo kakamustahin lang kita. Buti nagising kapa" Sabi niya

"Ikaw. May balak kabang maging kabit. Sabagay like mother like daughter nga diba" Pag iba ko sa usapan namin kumunot ang noo niya na nangiti

"So, alam mo" Sabi niya

Naupo ako sa sofa "Oo naman. Ang dami kong spy. Hindi mo alam katabi mo lang pala" Sabi ko sa kanya

"So, ngayon alam mona na he choose me over you" Nakangiti niyang sabi

"Talaga lang, haa! Kung pinili ka niya over me, bat hindi ka niya kayang ipakilala!" Taas kilay kong sabi at tumayo sa kinauupuan ko tapos lumapit sa kanya

"Isa ka lang malanding kabit at walang kuwentang kapatid. Gold digger like your mother at palamunin ng tatay ko. Or must say tatay nating dalawa, sabagay kahit sabihin nating tatay nating dalawa hindi ka niya tanggap kase bastardo ka lang at wala kang karapatan dito sa pamamahay ko. Pati na rin sa BOYFRIEND KO!!" Taas kilay kong sabi at halatang halata sa muka niya ang pagkapahiya at ang inis

"Now, Stacy the mistress. Leave!" Sabi ko

"Aagawin ko lahat sayo, Kate. Itatak mo yan sa kokote mo!" Galit niyang sabi sakin habang may nakakamatay na tingin. Sorry to say, but. I'm not affected

"Go, get them all. Wala akong pake!" Sabi ko at pagkaalis na pagkaalis niya napaupo ako sa sofa at humagolgol ng iyak lumapit sakin si nay Ava

"Anak, hindi masamang sumuko. Wag mong iyakan ang mga taong hindi kayang pahalagahan ng bawat luhang tumutulo sayo. Lumaban ka, hindi pwudeng puro ikaw ang inaapi. Mangako ka sakin na simula ngayon lalaban kana wag kang magpapatalo. Maging matigas ka" Sabi ni nay Ava at niyakap ako. Niyakap ko din siya at sumampal sa muka ko ang mga sinabi niya. Tapos umakyat na ako sa kwarto ko at natulog na

_larayxssss_

A Playboy's Love |Complete| Book 1Where stories live. Discover now