Calvin's POV
"Mom, masakit!" Sigaw ko kay mom nakauwi na ako ng umuwi si Kate. Nagkaruon ako ng galos sa braso dahil sa pag-iwas ko sa sasakyan ni Kate
"MOM!!!" Sinigawan ko si mom dinidiin niya kase yung sugat ko para bang nananadya siya
Binatukan niya ako. "Aray naman!" Sabi ko habang hinihimas ang ulo. "Sinisigawan mo ako?" Galit na tanong ni mom
Ngumiti ako ng pilit. "Hindi po" Sagot ko
"Bat ba naman kase ayaw mong lubayan si Kate" Sabi ni mama habang ginagamot ang gasgas ko
"Mom, alam kong mahal pa ako ni Kate sure ako dun" Taas baba kong sabi kay mom. At confident pa talaga ako
Tinignan ako ni mama at natawa. "Alam mo anak. Kung ako kay, Kate. Hinding hindi na kita papansinin kahit kailan." Nakangising sabi ni mom sakin
Napakamot ako sa ulo ko at napangiwi. " Grabe ka naman sakin. Isinusumpa mona ako, eh!" Inis kong sabi kay mom
Kinurot niya ako sa tagiliran. "Hindi sumpa yun, Calvin. Nagsasabi lang ako ng totoo, pagkatapos ba naman ng ginawa mo kay Kate. Hay ewan ko sayo bahala ka dyan" Sabi niya habang umiiling at iniligpit ang mga gamit na pinanggamot sakin. At naglakad na paalis sa kwarto ko pipihitin na sana niya ang door knob kaso nagsalita ako
"Mahal ko siya" Sabi ko kay mom nilingon niya ako at ngumiti
"Then bring her back to you" Sabi ni mom
"But how?" Tanong ko
Humarap siya sakin mula sa pintuan. "Anak, kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit masaktan ka. Like you did" Nakangiting sabi niya sakin
"Okay"
"Okay? Are you kidding me?"
"Why?"
"Prove it. Not okay!" Sabi ni mom at lumabas na ng kwarto ko
Ngumiti ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama. "Okay. I will bring her back to me" Nakangiti kong sabi
"Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sakin, Kate"
*Ff*
Habang nakahiga ako sa kama ko naisip ko ang nangyari kanina yung hinalikan ko siya. I miss her so much, kinuha ko angcellphone ko at tinignan ang mga picture namin izinozoom kopa sa muka niya
"I love this girl so much" Nakangiti kong sabi sa sarili ko habang nakazoom ang picture niya
Nakita ko ang oras, it's already 9:00 pm ng gabi may pasok pa kami. Hinalikan ko ang picture niya at pinatay kona ang cellphone ko tapos nahiga na nga maayos. Maya maya pa naramdaman kona na naghihikab ako at nabalot na ako ng dilim at nakatulog na
Katelyn's POV
Nagising ako ng walang dahilan ngayong umaga ewan ba kung bakit? Siguro excited ako dahil malalaman na ng lahat kung sino talaga ako and after that, i will go back to US and live a happy family with Luke Adams
Hay bat ba yan ang iniisip ko, naligo na ako at nagbihis na pagkatapos bumaba na ako at nakita ko ang parents ko na bihis na bihis na. Ready na sila for the ceremony mamaya sa school ipapakilala na ako. The one and only Katelyn Gonzales the new CEO
Natapos na kaming kumain at sumakay na kami sa van papunta sa school. Ng makarating kami sa school pumunta kami sa parking lot at ang daming mga estudyante alam siguro nilang dadating sila mama
Unang bumaba si papa at sunod si mama at ang daming nagsigawan kase ang ganda ganda daw ni mama kuno at kung ano ano pa. Ng ako na ang bumaba napuno ng bulungan ang paligid at may iba na nagulat sa nakita nila
(Bat siya kasama nila Mrs& Mr gonzales)
(I don't know girl)
(Guys, totoo nga ang rumor na si Katelyn the nerd ang totoong anak at hindi si Stacy)
(At san mo naman nalaman yan Aber)
(Sa ibang department)
(Baka naman nakisabay lang siya)
(Baka maid siya)
(Siya ba talaga ang tunay na anak at hindi si Stacy?)
(Who knows?)
Ilan lang yan sa mga narinig kong bulong bulungan lumapit sakin si mama at inakbayan ako. "This is it, anak" Nakangiting sabi ni mama
Tumango ako. "I know, mama" Nakangiti kong sabi sa kanya
"Are you ready?" Tanong ni papa sakin
Tumango ako at ngumiti. "Yes. Papa, i'm ready" Nakangiti kong sabi at naglakad na kami papasok sa unang building ng school
Yung iba hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila pero wala silang magagawa kase ako talaga ang tunay na anak. Dumiretso kami sa gym at umakyat kami sa stage dun may mga upuan na din at nakaready na din ang mga mics lahat ready na pati ako
Nagstart ang ceremony at nagdasal kaya tumayo kami after ng dasal umawit kami ng pangbansang awit tapos naupo na, "Please welcome Mr Kyle Gonzales" Sabi ng isang teacher at nagpalakpakan ang mga estudyante tapos si papa ay tumayo at nagpunta sa harap
Inabot naman ng teacher kay papa ang mic para makapagsalita. "Good morning everyone" Masiglang sabi ni papa at naggood morning naman din sila
"I, kyle gonzales. The CEO of gonzales corporation, ay bumababa sa puwesto ko para ibigay sa nag-iisa kong anak ang puwesto bilang CEO ng Gonzales corporation. At kabilang dito ang school na ito ang aking nag-iisang unikajiha na si Katelyn Gonzales" Tumayo ako at ngumiti sa kanila nagpalakpakan naman sila
"From now on, she will be incharge dito sa school na ito. Hindi lang sa school nato kundi sa lahat ng mga business ko at ang mga mana ay napunta na din sa kanya!" Nakangiting sabi ni papa at tumingin sakin
"Please, darling come here" Sabi ni papa at tinuro ang harap kaya naglakad ako papunta dun at kinuha kay papa ang mic sa kanya
Nakita ko din sila Stacy kasama sila Amber sa may gilid at si Calvin nakita ko din. "Hi, Everyone, I know that many of you. Are in shock pa rin dahil sa nangyayari ngayon or should i say na lahat kayo ay nashock sa nakikita at naririnig ninyo ngayon. Dahil ang binubully ninyong nerd ay ang TUNAY na may ari pala ng school na ito. At hindi ang kinikilala ninyong si Stacy" Nakangiti kong sabi at diniinan ko talaga ang tunay at tinignan si Stacy
"Kase anak lang siya sa labas, right Stacy" Nakangisi kong sabi at yung ibang estudyante ay tinignan na siya. Hindi siya nakatiis kaya naglakad siya paalis ng gym
"Oh, Where are you going, Stacy? Nahihiya kaba? Akala ko pa naman matapang ang hiya mo." Sabi ko habang nakamic may mga ilang estudyante na nagbulong bulungan na
Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko at ng nilingon ko ay si papa pala. Kita ko sa mga mata niya na nag-aalala na siya sakin. "Enough please" Sabi ni papa
Napaiwas ako ng tingin sa kanya naguguilty ba ako? No. Hindi ako pwudeng maguilty sa ginawa ko dapat lang sa kanya to nangako ako na gaganti ako. At hindi ako titigil hanggang hindi ko siya napapabagsak
"Papa.".Sabi ko
"Please, anak" Nagmamakaawang sabi ni papa. Binigay ko sa kanya ang mic at tumakbo pababa ng stage para makalayo dun. Umakyat ako sa rooftop para makahinga ng maluwag
_larayxssss_
![](https://img.wattpad.com/cover/200303843-288-k905481.jpg)