Katelyn's POV
"Anak, it's time for breakfast" Rinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng pinto ko
Nakahiga pa ako sa kama ko at syempre iyak pa rin ako ng iyak ewan ba bakit ganto nararamdaman ko sobrang sakit, eh! Lord kung may dapat pa po akong malaman ipaalam ninyo na po sakin ngayon para isang sakit nalang po please
Hindi ko sinagot ang sigaw ni mama, nakadantay ako sa unan ko at balot na balot ng kumot. Tinanggal ko ang cellphone ko sa pagkakacharge tapos binuksan ko ito. Ang daming missed call kay Calvin kay Drake kay Ella kay Lindsey kay Charming at kay Vina
May mga text din, pero hindi ako nag-abalang basahin ang mga text ni Calvin baka lalo lang akong masaktan sa mababasa ko. Gusto kona siyang kalimutan pero tang ina, siya pa rin nasa isip ko hanggang ngayon. Ang dami kong katanungan na alam kong si Calvin lang ang makakasagot
"Anak, let's eat na!" Rinig kong sabi ulit ni mama
"Hindi po ako gutom" Sagot ko kay mama
"Anak, panong hindi ka gutom hindi ka nag dinner tapos hindi kapa magbebreakfast"
"Mama please!!"
"Kate please!!"
"Ok po bababa na po ako" Sagot ko kay mama
Nagtoothbrush muna ako at bumaba na nakaupo na sila mama at papa sa upuan nila tapos ng makaupo ako nagstart na silang kumain. Pinaglagay ako ni mama ng pagkain pero hanggang ngayon hindi ko pa rin ginagalaw dahil wala akong gana
"Anak, eat please!! Just a little bit please" Nagmamakaawang sabi ni mama habang ako nakayuko lang
"If you don't like the food. Pwude pa tayong magpaluto ng iba, yung gusto mo. What do you want?" Tanong ni papa
Sasagot na sana ako kaso biglang tumulo ang luha ko hindi pa naman nila nakikita ang luha na tumulo. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko pero hindi ko kaya
"Anak, are you ok?" Tanong ni mama
Inangat ko ang ulo at tumingin sa kanila napahawak si mama sa bibig niya ng makitang nanggigilid ang luha ko. "Kate." Bulong ni mama pero sapat na para marinig ko
Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at ang mga palad ko ay itinakip ko sa muka ko at humagulgul ng iyak. "M-mama, n-nasasaktan a-ako" Humahagulgul kong sabi
"M-mama, b-binig-gay k-ko naman l-lahat, eh!" Sabi ko ulit
"S-sobrang sakit, m-mama" Umiiyak kong sabi tapos tinuro ko ang puso ko
"P-pa, sa l-lahat ng p-pwudeng b-babae papa. B-bat k-kapatid kopa, papa. Ayuko na please, n-nasasaktan na a-ako ayuko n-ng ganito. M-mama, w-wala a-akong pagkukulang y-yung oras ko b-binigay ko s-sa kanya. B-bakit h-hindi pa s-sapat" Sa pagkakataong to nilapitan na ako ni mama at niyakap ako
"Pa, g-gusto k-kong g-gumanti k-kay S-stacy" Bumitaw ako sa pagkakayakap ni mama at pinunasan ko ang luha ko at ikinalma ang sarili ko tapos tumingin ng seryoso kay papa
"Kate anak, hindi yan ang sulosyon" Sabi ni papa
"Y-your wrong!! T-this is the only way after i get my revenge. I am willing to m-marry luke, and i will continue our l-legacy. T-the Gonzales Corporation, and i am willing to be the n-next CEO" Seryoso kong sabi kay papa